KABANATA 7
-
-
Kinabukasan ay nagulat nalang ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, sinabi ko nalang na pumasok dahil nakabukas naman iyon. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok dahil kakatapos ko lang maligo ng umaga na yon."Señorita nandito po yung mga kaibigan nyo, at gusto daw po kayong bisitahin" silip ni ate sabel ng pagbukas nya ng pintuan.
Napalingon naman ako agad sa kanya, teka sinong mga kaibigan naman yon? Ayon ba yung mga kaibigan ni Allyson?
Pero nagulat nalang ako nang biglang nalang lumuwag ang pagkakabukas ng pintuan at hinawi si ate sabel nang dalawang babaeng pumasok dun."Beshyyyyy!!" tila nang isang babae pagkapasok palang ng kwarto ko at lumapit ito sakin at niyakap ako.
Nagulat naman ako sa inasta nito, habang yung isang babae ay nakangiti lang sakin, pagkahiwalay nito sakin ay niyakap din ako ng isang babae. Sa totoo lang ay nagugulat parin ako sa nangyayare. Mga kaibigan ba ito ni Allyson? Mukhang mga sosyal at magaganda. Halatang mga anak mayaman na halata sa mga suot nito.
Umupo yung isang babae na unang yumakap sakin sa kama ko na parang feel at home talaga. Nakita ko pang tumango lang si ate sabel sa pintuan at sinarado iyon pagkaalis.
Maya maya pa ay nahalata siguro ng dalawa yung pagtataka sa mukha kaya ay nagtinginan pa ang mga ito sabay tawa.
"Well girl, mukang kahit kami ay di mo naaalala, kami lang naman yung mga kaibigan mo. I'm Lauren at eto naman si Denise" sabi nung babaeng umupo sa kama ko.
So mga kaibigan pala ito ni Allyson, mukhang di ko napaghandaan ang bagay na 'to ahh. Sabagay alam ko naman na mangyayare ito at marami pa akong mga taong makikilala.
Ngumiti lang ako sa mga ito dahil di ko naman alam ang sasabihin ko sa kanila. Lumapit saken yung Denise at hinawakan yung dalawang kamay ko habang nakangiti sakin.
"Pasensya kana kung ngayon ka lang namin nabisita, alam mo naman na busy din kami sa school" sabi ni Denise sakin, mukhang mabait naman ito pati narin si Lauren na nakatingin lang samin ni Denise habang nakaupo parin sa kama ko at itinaas pa nito ang mga paa doon.
"Oo nga girl, medyo namiss kana din namin kase ilang linggo kana din di pumapasok. Pero naintindihan naman namin dahil sa kalagayan mo ngayon kaya kami na ang pumunta dito" sabi ni Lauren.
Bumitaw sa pagkakahawak sakin ni Denise at umupo nadin ako sa kama ko na kaharap si Lauren, nakita ko pa na umikot sa kabilang side ng kama si Denise at umupo din don.
"Pasensya na sa inyo, medyo nag aadjust pa kase ako dito. Mahirap kase ang kalagayan ko ngayon dahil nawala lahat ng ala-ala ko." sabi ko sa mga ito.
"Ano ka ba girl, ayos lang samin yon" sabi ni Lauren at maarte ako nitong hinampas ng mahina. "Anyways, dapat na mag adjust kana rin samin no! grabe totoo pala yung amnesia na yan? akala ko sa mga korean drama ko lang napapanood yan pati pala sa totoong buhay noh?" dugtong pa nito.
"Oo nga beshy, alam mo bang kalat na kalat sa campus yung nangyare sa iyo, pati nga yung ex mo na si Lucas ay palaging nagtatanong samin kung kumusta kana daw" biglang sabat ni Denise.
"Lucas?" gulat na tanong ko dito. So may ex pala si Allyson?
"Ano kaba Denise baka marinig ka nila tito Antonio" saway nito kay Denise at tumingin pa sa may pintuan na nakasara naman.
"Yes girl, Lucas is your ex boyfriend na patay na patay sa iyo, actually nagulat nga kami kung bakit mo hiniwalayan yon ih" dagdag pa ni Denise.
"Well sinabi nalang namin sa kanya na okay kana at nakalabas kana ng hospital, yung nga lang may amnesia ka hahaha" sabi ni Lauren sabay tawa.
BINABASA MO ANG
EL DAKILA SERIES#1: ISAAC
RomanceWarning SPG - Mature Content - R-18 Ako si Isaac, 18 yrs old at ang lola ko nalang nag kasama ko sa bahay. Bata palang ako ay alam ko na sa sarili ko na may iba sa pagkatao ko, na lalaki din ang gusto ko at hindi babae. Pero tanging ang bestfriend k...