KABANATA 11
-
-
Hapon na nang maisipan kong tumambay dito hardin, medyo masama parin ang loob ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa girlfriend ni kuya Gabriel na si Monica.Hindi ko alam na may kasintahan na pala si kuya, bakit hindi man lang nila nabanggit ang tungkol don? Inaamin kong nakaramdam ako ng selos kanina, sa sobrang gulat ko ay iniwanan ko na sila at tuloy-tuloy na pumasok ng mansyon. Narinig ko pa ngang tinawag ako ni kuya Gabriel pero hindi ko ito pinansin.
Sa ngayon ay di ko alam kung nasaan sila kuya at ang kasintahan nito, wala rin naman akong pakialam kung saangg lumapalop na lugar sila nagpunta. Bahala sila sa buhay nila!
Nilabas ko nalang mula sa bulsa ko ang larawan ni Papa at tinignan ito. Nasaan na kaya sya ngayon? Nalaman kaya nya yung nangyare sakin? Pinuntahan kaya nya ako nung naaksidente ako?
"Bakit nagmumukmok ka dito?" nagulat ako sa nagsalita na yon at bigla akong napatingin sa likod ko. Nakita ko ang gwapong mukha ni kuya Kiko.
Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa harapan ko at tinignan ako nito at inusisa ang itsura ko.
"Boring kase sa loob kaya naisipan kong magpahangin muna dito." sabi ko.
"Eh bakit parang malamin yang iniisip mo? May problema kaba? Baka may maitulong ba ako." sabi ni kuya Kiko na may halong pag-aalala yung tono ng boses.
"Yung girlfriend ni kuya Gabriel, si Monica hmm matagal na ba sila?" ewan ko ba kung bakit ayun agad yung naitanong ko.
"Si ma'am Monica? Sa pagkakaalam ko ay matagal na silang break ni sir Gabriel. Nagulat nga ako at nandito kanina, siguro nagkabalikan na sila." sabi nito.
"Naghiwalay sila? Kailan pa?" usisa ko dito.
"Itong taon lang ata, hindi ako siguro. Bakit mo naitanong? Di mo ba sya gusto para sa kuya mo?"
"Hindi ko alam, close ba kami nung Monica na yon noon?" tanong ko dito.
"Hindi ata, kase bihira lang magpunta si ma'am Monica dito. Kase sa condo ni sir Gabriel lagi tumutuloy yon" sabi ni kuya Kiko.
So baka nga nandun sila ngayon at malamang may ginagawa na silang milagro. Unang kita ko palang sa babaeng yon, mukha nang malandi. Sa salita, kilos at porma, mukhang haliparot na. Hindi naman din sya ganong kagandahan, ano kayang nagustuhan ni kuya Gabriel don? Dahil ba malaki yung dibdib nya?
Tumango nalang ako kay kuya Kiko at di na ako nagtanong pa. Ayaw ko nalang silang pag-usapan, isipin ko palang na nasa condo sila at may ginagawang kakaiba ay parang naninikip na yung dibdib ko. Oo, nagseselos ako!
"Ano yang hawak mo?" maya-maya ay tanong ni kuya Kiko, napansin nya siguro yung hawak kong larawan.
"Ahh eto ba? Nakita ko na kase yung bag ko nung naaksidente ako tapos nakalagay ito sa bulsa ng bag. Di ko naman maalala kung sino ito." pagsisinungaling ko dito.
"Buti naman at nakita mo na yung bag mo, patingin nga ako." sabi nito at inabot ko sa kanya yung larawan.
Ewan ko ba, pero parang nakita yung pagkagulat sa mukha ni kuya Kiko nung makita nya yung larawan ni Papa. Teka kilala nya kaya si Papa?
"Bakit parang nagulat ka kuya? Kilala mo ba yang nasa larawan?" di ko mapigilang tanong dito.
"Ah hindi ko sya kilala." sabi nito at binalik sakin yung larawan. Parang nag-iba yung awra ni kuya Kiko nung makita nya yung lalaki sa larawan.
"Bakit may pakiramdam akong kilala mo sya kuya Kiko?" sambit ko dito at agad itong napatingin sakin.
"A-ano kaba Allyson, paano ko naman makikilala yan eh m-mukhang luma na yung larawan." nauutal nitong sabi.
"Bakit parang nagulat ka nung makita mo ito?" tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
EL DAKILA SERIES#1: ISAAC
RomanceWarning SPG - Mature Content - R-18 Ako si Isaac, 18 yrs old at ang lola ko nalang nag kasama ko sa bahay. Bata palang ako ay alam ko na sa sarili ko na may iba sa pagkatao ko, na lalaki din ang gusto ko at hindi babae. Pero tanging ang bestfriend k...