KABANATA 9
-
-
Sabay kaming nataranta ni kuya Kiko nang biglang may kumatok sa pintuan, mabuti nalang ay inilock yun ni kuya kundi ay makikita kami sa ganoong sitwasyon."Pumasok ka banyo" bulong ni kuya Kiko sakin at mabilis itong bumaba ng kama para kunin yung tuwalya nyang nalalag kanina at itinapis ito sa hubad nyang katawan.
Mabilis naman akong kumilos at kinuha ko din yung mga suot ko. Agad akong nagpunta sa banyo at isinara yon.
"Mike? may kailangan kaba?" narinig kong boses ni kuya Kiko nang buksan nya ang pintuan, si kuya Mike pala yung kumakatok kanina. Napansin kong di ito sumagot sa tanong ni kuya Kiko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng banyo para silipin sila, mabuti nalang ay nakapatay ang ilaw dito kaya di ako mapapansin sa loob.
"Huy Mike natulala kana dyan" rinig kong bigkas ni kuya Kiko. Nakita kong nakatulala si kuya Mike sa hubad na katawan ni kuya Kiko.
"Ahh K-uya Kiko, p-pinapasabi po p-pala ni sir Anton na maaga daw p-po silang uuwi mamaya" narinig kong sagot ni kuya Mike, habang malagkit itong nakatingin sa katawan ni kuya Kiko.
Alam na alam ko yung mga ganong tinginan, teka silahis ba itong si kuya Mike?"Sige, ako nang bahalang sumundo sa kanila mamaya" sabi ni kuya Kiko.
"Ah sige po kuya" sagot ni kuya Mike at parang di ito mapakali habang nakatuon ang paningin nito sa katawan ni kuya Kiko, lalong lalo na sa bakat nito.
"May kailangan kapa ba Mike?" untag nito kay kuya Mike, malamang ay napansin nito ang kinikilos nya.
"W-wala na p-po kuya, s-sige po mauna na a-ako" nauutal na sabi ni kuya Mike at taranta itong umalis na. Agad naman isinara ni kuya Kiko ang pintuan.
Mabilis akong nagbihis at lumabas na agad ng banyo, tinignan ko yung sarili ko sa nakasabit na salamin kung may kapuna puna ba sa itsura ko.
"Aalis kana ba Allyson? dito kana kaya muna?" narinig kong sabi ni kuya Kiko, humarap ako dito at nakita kong nakaupo ito sa gilid ng kama at nakatapis parin.
"Oo kuya, baka kase hanapin ako nila manang at mapansin wala ako sa kwarto ko." sagot ko dito.
"Sige, sa kabilang side ka nalang dumaan dahil kwarto ni Mike yung kabila at baka makita kapa" pagtango ni kuya Kiko.
"Sige kuya, salamat"
Tumayo si kuya Kiko at nagulat nalang ako nang mabilis akong niyakap nito, damang dama ko yung init ng katawan nito pati narin yung mga matitigas nitong mga kalamnan.
"Basta tawagan o puntahan mo nalang ako dito pag may kailangan ka ahh, wag mo nalang muna isipin yung nangyare sa inyo ni sir Gabriel" sabi nito.
Tumango nalang ako dito at yumakap din ako sa kanya habang nakasandig sa malalapad nyang mga dibdib.
Maya maya ay kumalas nako dito at hinatid nya pa ako hanggang pintuan, tumingin muna sya sa labas. Nang mapansin nyang walang tao ay lumabas nadin ako at sa kabila ako dumaan, mabuti nalang ay walang tao don.
Medyo malawak din itong likod ng mansyon ng mga Alcantara na meron matataas na bakod, ngayon lang din ako nakapunta dito.
Sa paglalakad ko ay may napansin akong isang kwarto na kahilera lang din ng kwarto nila kuya Kiko at kuya Mike. Medyo may kalakihan ito kumpara sa kwatro nila. Lumapit ako doon at napansin kong nakaawang lang ang pintuan non kaya dahan dahan kong itinulak iyon para tuluyan bumukas.
Doon ko napagtanto na isa palang bodega iyon kaya agad akong pumasok. Tumambad sakin yung mga lumang gamit doon, medyo nacurious ako kaya nilibot ko ang buong silid na yon. May mga lumang sofa at upaan doon pati narin mga paintings na halos hindi ko na makita yung mga larawan don dahil sa sobrang luma, at halos nagkalat narin yung mga agiw doon.
BINABASA MO ANG
EL DAKILA SERIES#1: ISAAC
RomanceWarning SPG - Mature Content - R-18 Ako si Isaac, 18 yrs old at ang lola ko nalang nag kasama ko sa bahay. Bata palang ako ay alam ko na sa sarili ko na may iba sa pagkatao ko, na lalaki din ang gusto ko at hindi babae. Pero tanging ang bestfriend k...