8. Tampo

2.7K 33 0
                                    

   KABANATA 8
-
-
NANG gabi din yon ay sabay-sabay kaming naghupunan kasama si Daddy at sila kuya Rafael, kuya Gabriel at kuya Azrael. Binalita ko din sa kanila na nakabili na ako ng bagong cellphone at sinamahan ako ni kuya Kiko.

"Dapat bunso sinabi mo pala sakin para nasamahan kita bumili kanina" sabi ni kuya Azrael habang kumakain.

"Hindi na kuya, sinamahan naman ako ni kuya Kiko kanina at isa pa ayaw ko naman maistorbo kapa sa pag-aaral mo." sagot ko naman sa kanya.

"Ano kaba ayos lang sakin, nga pala save mo na yung number ko, akin na yung cellphone mo" sabi naman ni kuya Azrael at inabot ko dito yung cellphone ko, buti nalang at dala ko.

Pagkasave non ay agad naman binalik sakin ni kuya ang cellphone ko "Ikaw din kuya Rafael kunin ko yung number mo" tumango naman ito at inabot ko sa kanya yung cellphone ko.

Hindi ko na kinuha yung kay Daddy dahil nakuha ko na yung number nya kanina kay manang Irene at tinawagan ko pa sya.

Nilapag ko uley yung celllphone ko sa tabi ko at kumain na ulet. Napansin ko naman na nagtaka si kuya Gabriel kung bakit di ko kinuha yung number nya. Di ko naman sya pinansin dahil sa totoo lang ay nagtatampo parin ako sa kanya. Bahala ka sa buhay mo.

"Ah nga pala Daddy, binisita nga pala ako kanina nila Denise at Lauren dito at iniimbitahan nila akong mag sleep over sa kanila bukas, magpapaalam sana ako kung okay lang sa inyo" maya maya untag ko kay Daddy.

Nagulat naman si Daddy sa sinabi at ganon din si kuya Rafael at Azrael, pero si kuya Gabriel naman ay wala parin kibo.

"Teka sigurado kaba anak? Alam mo naman ang kalagayan mo diba?" nag-aalalang tanong ni Daddy.

"Oo nga bunso, dapat ay magpahinga ka nalang muna dito sa bahay, hindi ko alam na na binisita ka pala nila dito kanina" si kuya Rafael.

"Ayos lang naman sakin Dad, saka gusto ko din naman, para lubusan ko silang makilala at makabonding, malay nyo way nadin yon para bumalik ang ala-ala ko dba?" sagot ko dito.

Natigilan naman sila sa huling sinabi ko, parang takot na takot silang bumalik ang ala-ala ko.

"Kung yan ang gusto mo, ay okay lang naman sakin basta mag-iingat ka don ah tawagan mo nalang ako pag nagkaproblema." sagot ni Daddy habang nakatingin sakin.

"Salamat dad, susunduin naman nila ako dito bukas ng gabi" sabi ko.

Tumango nalang si Daddy at pinagpatuloy nito ang kinakain nya. Maya maya pa ay nauna na ako sa kanilang pumanik sa taas para makapag pahinga na. Papasok na sana ako ng kwarto ko nang magulat ako dahil may biglang humablot ng cellphone na hawak ko.

Pagtingin ko kung sino yon ay ang blankong mukha ni kuya Gabriel ang nakita ko. Para itong galit na ewan, pero hindi ko nalang inintindi yon.

"Bakit parang wala kang balak na kunin ang number ko?" sabi nito at kinalikot nito ang cellphone ko sinave nya siguro ang number nya doon at nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cellphone nya sa bulsa at parang may tumatawag. Maya maya ay tumigil ang pagtunog non at binalik sakin.

Pagkakuha ko ng cellphone ay inirapan ko lang eto na syang kinagulat nya.

"Teka nga, galit kaba sakin bunso?" nagtatakang tanong nya sakin.

"Bakit di mo yan itanong sa sarili mo kuya" sabi ko at mabilis kong binuksan yung pintuan ng kwarto ko at pumasok ako don.

"Hindi kita maintindi-"

Hindi ko sya pinatapos magsalita dahil sinara ko kaagad yung pintuan. Bahala ka sa buhay mo kuya, basta nagtatampo parin ako sa iyo dahil lagi kang umiiwas sakin. Pwes pagbibigyan kita tutal yung naman ang gusto mo ih hedi iiwasan nadin kita.

EL DAKILA SERIES#1: ISAACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon