A/N: This is season 2 of My Ultimate Queen, continuation of love story about Audrey and Cyriel.
Bago niyo po ito basahin, read first My Ultimate Queen Season 1.
Happy readings..
SAMANTHA AUDREY'S P.O.V
3 Months had past.
"Pa, asawa ko nga po pala."-pag papakilala sakin ni Cyriel sa papa niya, habang andito kami sa harap nang puntod nito. Andito kami ngayon sa cemetery, 5 years Death anniversary niya kasi today. "At tiyaka apo mo po."-he added, then hinawakan niya ang umbok kong tiyan na ngayo'y 5 months na.
May sariling museum ang libingan ng papa niya, nagdala kami ng boquet of flowers at nakapagsindi na rin ng kandila sa harap ng puntod nito.
Gwapo ang papa ni Cyriel meron kasing picture frame sa ibabaw, pero parang may kamukha siya na business man. Di ko lang matandaan kung sino.
Inalalayan naman ako ni Cyriel para makaupo sa bench sa may tabi ng puntod ng papa niya. Then naupo rin siya sa tabi ko.
"Ano pala ang cause of death ng papa mo?"-i ask.
Habang hinihimas himas ko ang tiyan ko na umbok na.
"Kidney disease, hindi kasi kami nakahanap agad ng Donor nang kailangan ni dad mag pa kidney transplant. 5 years ago yun, nung una hindi ko matanggap na wala na siya. Pero ngayon, tanggap ko na rin kasi meron na akong ikaw at ang anak natin."-he said while smiling. Pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko na hinihimas sa tiyan ko.
"Si mama at papa parang ikaw at ako, nagsama sila at bumuo ng pamilya kahit hindi gusto si mama ng parents ni papa."-pagkukwento niya habang nakangiti.
"Palaging nasa abroad si papa simula pa ng bata ako. Kaya palagi akong binubully ng mga classmates ko na wala raw akong papa. Buti na lang may Guardian Angel na dumating at linigtas ako sa mga bullies noon."-mahabang lintaya niya habang nakatingin ito sa mga mata ko, napatango tango naman ako sa kwento niya.
"Eh nasaan na ba yung guardian angel mo?"-tanong ko at napairap ng konti. Sus! May nalalaman pang Guardian Angel niya. Tsk!
"May asawa na yun at mag kakaanak na rin. Sobrang ganda niya nga ngayong buntis siya."-sabi niya na parang sobrang saya pa niya. Eh di wow! Napairap naman ako ng husto. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa bench.
"Uwi na tayo."-pag aya ko, nawalan na kasi ako ng gana. Nabibwesit ako sa asawa kong to, akala ko pa naman ako lang ang pinakamagandang babae sa paningin niya.
Nakakairita diba? Tumayo na rin siya.
"Daan muna tayo ng grocery store"-he said. Tinalikuran ko na siya at nauna nang naglakad, kung saan nakapark yung E-trike na sasakyan na binili ng mama niya. Kasi bawal na daw ako sa motor kaya E-trike na lang na parang jeep at kaysa ang anim na tao.
Grocery store..
So ayun, hindi ko pinapansin si Cyriel habang namimili kami at hila-hila niya ang cart.
Medyo maraming tao sa Store kasi Valentine's Day. Oo February 14 nga ngayon, tas di man lang ako binabati ng asawa ko. Kaya mas lalo ako naiinis eh, wala ba siyang pakiramdam.
"Diba favorite mo ito?"-naka ngiting tanong ni Cyriel, habang pinapakita yung favorite chocolate drink ko na chuckie. Tumango lang ako. Kumuha siya ng marami at linagay sa cart. "Bakit ba ang sungit mo?"-he ask seriously. Napataas naman ang kilay ko.
Manhid ba siya? Hindi niya talaga napapansin kung bakit ako nagsusungit ngayon?
"Audrey, Cyriel."-napalingon naman kami pareho ni Cyriel sa babaeng nagsalita. Napairap ako ng husto ng makita kung sino ito. It's Yveth.
YOU ARE READING
Escudero Series #2: MY ULTIMATE QUEEN BOOK2
RomanceThis is a season 2 of My Ultimate Queen. Bago po niyo ito basahin, dapat basahin niyo muna ang My Ultimate Queen para ma gets niyo. Audrey's father separated them. After 3 years ago, she came back for Arrange marriage for her long time strange fian...