CHAPTER 10

335 24 0
                                    

● MY EX-HUSBAND IS MY PROFESSOR ●

CHAPTER 10

April 8

Nagising ako sa ingay ng phone ko. Si Andrei tumatawag, Ano naman kaya kailangan nito?

10am na pala. Sinagot ko naman ang tawag niya.

"Cyriel umuwi na ang mama ni Audrey. Nag away sila ng asawa niya dito sa resto kanina. Tapos Cyriel..."--said Andrei sandali itong hindi umimik.

"Tapos ano?"-iritang tanong ko. Inaantok pa ko eh.

"Si Audrey daw nakunan, w-wala na ang b-baby niyo"-Andrei said na nauutal utal pa ito.

"WHAT?!"-gulat na tanong ko at napabalikwas ng kama na halos manlaki pa ang mga mata ko.

No! This can't be happening. Hindi pwede! Kung masakit para sakin yun, alam ko mas masasaktan si Audrey ngayon.

"I'm sorry Cyriel, pero yun ang narinig ko"-Andrei said. Napaluhod ako sa sahig at napa luha na lang bigla.

Bakit? Bakit Lord? Bakit kinuha mo sakin yung mga taong pinaka mahalaga sa buhay ko.

"Arggh!"-galit na sigaw ko at napahagolhol ng iyak.

I'm sorry anak ko. Wala ako sa tabi niyo ng Mommy niyo. Bakit Audrey? Kung hindi mo sana ako iniwan hindi mangyayari to.

Kung nag stay ka lang sa tabi ko. Baka buhay pa ang anak natin ngayon. Bakit mo ginawa sakin ito?

Maghapong nakahiga at tulala lang ako sa kawalan habang nakahiga sa kama namin ni Audrey. Yakap yakap ko ang unan niya at paboritong suutin na damit.

I miss you so much Audrey, and also our baby.

Audrey sana kayanin mo lahat ng pinagdadaanan mo ngayon. Sana maisipan mo man lang ako na tawagan, kahit tawag lang, please.

*knock.Knock.knock.*

Rinig kong sunod sunod na katok mula sa labas ng kwarto ko.

Istorbo naman sa pagsesenti ko. Malapit na ako maluha eh.

Napilitan akong bumangon ng kama at lumapit sa pinto para pagbuksan ang umistorbo sakin.

It's Andrei.

"Ano nanaman ba?"-naiiritang tanong ko.

"May maghahanap sayo labas, pinatuloy ko na. Detective daw siya."-sabi nito.

Detective? Bakit kaya? Lumabas ako ng kwarto at nagtungo ng sala. May lalaki ngang nakaupo sa sofa. Tumayo ito.

"Good evening po, ako po si Rob Enriquez, isa po akong detective"-pakilala nito.

"Ano pong kailangan niyo sakin?"-i ask seriously.

"Maupo po muna kayo sir"-Andrei. Naupo naman ulit si Mr. Enriquez. At ako naman sa couch.

"Gusto ko sanang itanong sayo kung ikaw ba yung anak ni Atty. Clark Escudero?"-he ask. I just nodded.

"Yes po. Ako nga but he's already passed away for several years."-i explained.

"Matagal na kitang hinahanap Mr. Cyriel, nakailang balik ako dito kaso palagi kang wala."-he said. Bakit niya naman kaya ako hinahanap.Chapter 10.2

June 5 2019

AUDREY'S P.O.V

"Ma asan kana ba?"-naiiritang tanong ko nang tawagan ko si Mommy, 30 minutes na kaming nag aantay sa Airport para sunduin niya.

"Maraming costumer dito sa resto. Hindi ako makakaalis, wala ang tito Andrew mo"-mom on the phone. Napairap naman ako ng husto. "Ipapasundo ko kayo kay manong, tapos ipapadala ko na rin ang Susi ng apartment na tutuluyan niyo"-mom said.

"Okay, fine."-i said with irritated.
I hang up the call.

Nagmadali pa naman kami sa flight pabalik dito sa maynila, tas maabala rin pala.

We're from Davao city, pinapabalik na ako ni dad rito sa Manila. Pagkatapos niya kong itago sa Davao ng ilang taon, kasama ko naman ang Lola Ashley at Lolo Keith ko.

"We've been wait took so long here"-maarteng reklamo ng batang kasama ko. Gaya-gaya sa kaartehan ko.

"I want go home, and get some beauty rest, right now"-she added.
Grabe ang arte talaga nito.

Nakaupo kami sa waiting area ngayon ng Airport.

"Baby girl, just wait okay. Parating na ang sundo natin."-i said to her. "Manood kana lang ng nursery videos sa phone mo. Malapit kana pumasok sa school"-i added.

"Okay"-she said at nagpindot pindot na sa phone niya, at nagsuot ng earphones sa tenga.

"Matagal pa ata sundo niyo"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa may gilid ko.

"Hi, Audrey. Long time no see"-bati pa nito sakin. Kilala niya ko?

"Sorry ah, but i don't know you"-diretsong saad ko. He just chuckled.

"Im, Kristoff. We're classmate in freshman. Look, hindi mo talaga ako kilala kasi snob ka saming mga lalaki."-he said. I just nodded .

"Pasensiya na. Siguro di lang talaga kita matandaan."-i said.

"Hatid ko na kayo ng pamangkin mo"-he offer.

"Thanks, but no thanks. Parating na ang sundo namin eh"-i said at napilitang ngumiti.

"Ganun ba, Sige samahan ko kayo na antayin ang sundo niya"-naka ngiting sabi niya. Cute naman siya, kaso mahirap magtiwala sa hindi natin kilala.

Maya-maya pa, natanaw ko na nga si manong na 20 years nang Driver ni mommy.

Lumapit ito samin.

"Naghintay po ba kayo ng matagal miss Audrey?"-masayang tanong pa nito. Ay hindi! 1 minuto lang kami nag antay.

Jusko naman manong, tatanong-tanong pa. Binuhat na ni manong ang mga bagahe namin.

"Come on, Alexis. Let's go home na"-pag aya ko sa batang kasama ko. Na minana ang kaartehan ko. 
Hinawakan ko na ang munting kamay ni Alexis at sabay na naglakad patungo kung saan naka park ang kotse.

Habang nasa biyahe kami at katabi ko si Alexis na tulog sa tabi ko at nakasandal sa akin ang ulo.

Sobrang namiss ko ang maynila, mga kaibigan ko lalo na si Cyriel.

Kumusta na kaya siya? May girlfriend na kaya siya? Or bagong asawa?

Sobrang daming nangyari since nung iniwan ko siya na hindi man lang nag paalam.

Sana kung sakaling magkita kami ulit. Mapatawad niya ko sa mga nagawa ko. Ilang taon ang lumipas but still im in love with him.

Pero, mahirap ng mangyari ang mga gusto ko.

My phone was rang.. I answer the call.

"Anak nandiyan na ba si manong?"-tanong ni Mommy ng sagutin ko ang tawag.

"Yes mom, nasa biyahe na kami papunta sa Apartment"-i said. I decided to rent own apartment, ayoko manirahan sa bahay ni dad.

"Mabuti naman kung ganun, how was my grand daughter?"-tanong ni Mom, na ang tinutukoy ay ang batang katabi ko na natutulog ngayon.

"Okay lang po siya Ma, medyo pagod kang sa biyahe"-i said. Then hinawi ko ang mga buhok na tumakip sa mukha ng napakagandang bata sa balat ng lupa.

"Alam mo naman anak diba. Alam mong ang alam ng lahat dito ay nakunan ka. Sana hindi malaman ito ni Cyriel."-mom said.

Anak ko nga si Alexis. Cydrey Alexis ang pinangalan ko sa kanya. Pano kung magkita kami at pati na ang anak namin, pano kung makilala niya ang anak namin. Na tinago ko sa kaniya ng ilang taon.

Pero mapapatawad niya kaya ako sa mga ginawa kong kasinungalingan sa kanya.

Ang totoo niyan, nung una hindi ko talaga alam na yun pala ang pinagsabi ni dad sa kanila, lalo na kay Cyriel. Pinanganak ko si Cydrey na 7 months pa lamang.

Escudero Series #2: MY ULTIMATE QUEEN BOOK2 Where stories live. Discover now