CHAPTER 2

645 32 0
                                    

My Ex-Husband is my Professor

CHAPTER 2

AUDREY'S P.O.V

Nakauwi na kami sa bahay, matapos kaming makapag grocery. Inayos na ito ni Cyriel sa mga lagayan at sa refrigerator yung mga frozen foods.

Habang ako nasa sala at nakaupo sa sofa. Nag check ako ng phone ko, 4pm na pala. Kumusta kaya date nung tatlo, buti pa sila nakapag date na, tsk! Kami ayun dalaw sa sementeryo at nag grocery lang.

"Oo, sige pupunta ako ngayon"-rinig kong saad ni Cyriel, i look at him may kausap ito sa phone niya. Lumapit ito sakin at hinalikan ang pisngi ko.

"Alis lang ako, uuwi din ako agad"-pagpapaalam niya.

"Saan ka pupunta?"-tanong ko.

"May ipapagawa daw sakin ang boss ko"-he said. Lumuhod naman siya sa harap ko, at tinaas yung dress ko hanggang . Hinalikan niya ang tiyan ko, palagi niya itong ginagawa tuwing aalis siya at iiwanan niya ko mag isa rito sa bahay.

"Alis muna si daddy, baby"-paalam niya rito. Tumayo na siya at yumuko para halikan ako ulit pero sa labi na at smack kiss lang.

"Balik lang ako"-he said. I just nodded. Alangan naman na pigilan ko diba. Umalis na si Cyriel ng bahay, nanood na lang ako ng TV, mabilis lang naman daw eh. Sino ba ang boss niya at babatukan ko, mag dedate kami eh. Panira na boss niyang yan.

At dahil sobrang boring nag chat ako sa GC namin.

"Kumusta date niyo?"-ako.

"Okay naman"-Nikki

"Linebre kami ng mommy mo sa resto niya.😋😊"-Chelsea.

"Eh kayo beshy, super romantic ba ng Date niyo?"-shin.

Sinad react ko ang chat ni Shin.

"Bakit sad?"-shin

"Siguro nabitin kaya sad. 😂😂"-Chelsea.

Hay naku naman, hanggang ngayon nag iisip pa rin sila na nagses3x kami ni Cyriel. Ang last na S3x namin yung nagbakasyon kami sa bulacan at hindi na nasundan pa. Siyempre kailangan mag ingat kasi may may baby sa loob ko.

"Mga baliw, hindi yun noh. Medyo cold na kasi ang asawa ko😪😪"-ako

Ewan ko ba? Madalas kasi umaalis si Cyriel, tuwing may tumatawag sa kanya, sabi niya on call daw work niya kaya ganun. Wala naman sigurong masama kung mag overthink ako. Di kaya may ibang babae siya? Tulad ng sinasabi niya na guardian angel niya at yung... Hayss. Sumasakit ulo ko eh.

"Bakit cold?"-Nikki.

"May napansin ba kayong umaaligid na babae kay Cyriel sa school?"-i ask.

"Wala naman"-Shin.

Di na kasi ako pumapasok sa school, kasi medyo malaki na ang tiyan. At oo, medyo nahihiya ako na makita nilang buntis na ako sa edad na 18.

"Ano ka ba girl. Wag kang OA jan. Busy lang talaga siguro sa work"-Chels.

"Kung gusto mo malaman kung bakit feel mo cold siya sayo, kausapin mo or iprank mo"-Nikki.

Prank? Pano ba yun? Prankahin ganun?

I tap my YouTube app, at nagsearch ng prank.

Maraming lumabas, break up prank? What? Ganito pala ang prank, ma try nga mamaya para matesting ko si Cyriel.

6 PM na at wala pa si Cyriel. Nagtype ako para itext siya.

"Pag in 30 minutes wala ka pa, lalayasan kita."-sent.

Escudero Series #2: MY ULTIMATE QUEEN BOOK2 Where stories live. Discover now