CHAPTER 18

381 23 0
                                    

● MY EX-HUSBAND IS MY PROFESSOR ●

CHAPTER 18

Muntik ko nang makalimutan na may anak pala ako na nag aantay sakin. Dahil busy si Cyriel na kumakain, nagpaalam muna ako sa kanya na may tatawagan ako kaya lumayo muna ako sa kanya at tinawagan ang anak ko.

"Hello Cyd"-ako.

"Hello anak"-boses ni mommy.

"Mom, si Cyd po?"-i ask.

"Tulog na, pasensiya kana anak kung hindi ko nahatid sa apartment niyo. Napagod sila kakalaro ng daddy mo"-mom explained.

"Talaga po?"-i ask na parang hindi makapaniwala, kasi akala ko hate ni dad ang anak namin ni Cyriel. Natutuwa naman ako at close sila ni Cyd.

"Oo, kaya sabi niya. Dito muna daw si Alexis habang pumapasok ka sa School. Para na rin makapag focus ka sa pag-aaral mo"-mommy said, hindi ko mapigilan ang tuwa pero malulungkot din kasi hindi ko makakatabi sa pagtuĺog ang anak ko.

"Thank you Mom"-emotional na saad ko. I hang up the call and i look at Cyriel na busy pa rin itong kumain kaya naglakad na ako para balikan siya.

Siguro magbonding na lang muna kami ngayon ni Cyriel magdamag. Super na miss ko siya, kaya kailangan bumawi.

"Cyriel, pwede ba akong sumama sa bahay mo?"-i ask with smile. Parang hindi naman makapaniwala ang reaction ng mukha niya.

"Are you sure?"-he ask, i nodded.

A few moments later.

Hininto ni Cyriel ang kotse niya sa tapat ng isang malaking bahay sa isang subdivision. Siya na kasi ang nagdrive, siyempre di ko alam daan papunta sa bahay niya. Hindi na pala siya nakatira doon sa dating bahay nila. Si Andrei daw nakatira doon ngayon.

Tinignan ko naman yung sa tapat ng bahay na hinintuan namin.

"Bahay mo yan?"- i ask. He just nodded. Wow naman! It's so amazing. Nakapagpundar agad siya ng bahay at kotse sa loob ng dalawang taon. May pinindot naman siya na parang remote kaya bumukas ng kusa yung gate tiyaka niya pinaandar ang kotse papasok rito at pinark sa parking area.

Nauna nang bumaba ng kotse si Cyriel at pumaikot ito para pagbuksan ako ng pinto.

Nasa loob na kami ng bahay ni Cyriel, halatang bagong gawa pa lang siya.

"Kailan lang natapos itong bahay mo?"-tanong ko habang linilibot ang paningin sa buong bahay.

"Last month lang. Sakto lang sa pagbalik mo. Para satin talaga ito, kasya na ba ito sa sampong anak natin?"-tanong niya and he just chuckled.

"Grabe yung sampo, bakit di mo pa ginawang isang dosena"-natatawang saad ko.

"Oh really. Why not? Simulan na ba natin?"-he ask and smirk. Enebe! Kinikilig ang malanding Audrey niyo! Pabebe muna tayo. "Let's go, ipapakita ko sayo ang kwarto natin"-he said then he grab my wrist. Kaladkarin ba ako rito? Sabay na kaming pumanhik paakyat ng hagdan.

Sobrang proud ako kay Cyriel, kasi kahit iniwan ko siya. Hindi siya nagpakalugmok sa sarili, bagkos ay bumangon siya para matupad ang mga pangarap niya. Pumasok kami sa isang kwarto, napakalaki niya promise.

"Isang buwan nang tapos ang bahay na ito, pero hindi ko pa na try matulog dito"-he said. Talaga ba? Eh saan pala siya natutulog or nakatira? "Gusto ko kasi, kasama kita sa unang pagtulog ko"-he added at yinakap ako. Ang sweet naman ng baby ko.

"Talaga? Baka naman nagdala ka ng ibang babae rito?"-tanong ko at kunwari may pairap. Kumunot naman ang noo niya.

"Meron nga"-sagot niya. Kaya napairap ako ng husto. Bwesit meron pala. Amp. "Si mama, binisita niya itong bahay"-he added. Then he just chuckled. "Kung ano ano na lang iniisip mo,"-sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Escudero Series #2: MY ULTIMATE QUEEN BOOK2 Where stories live. Discover now