CHAPTER 24

323 19 0
                                    

● MY EX-HUSBAND IS MY PROFESSOR ●

CHAPTER 24

Alam ko sinasaktan ko naman siya ngayon. At sa pangalawang pagkakataon, kailangan ko ulit siyang iwanan.

"Tapos ngayon, sinasaktan mo nanaman ulit ako."-he said na may galit sa mga mata niya.

"Wala kang alam, hindi mo alam kung ano ang totoo."-i said. Pinipigilan ko ang maiyak ngayon. Oo nasaktan ko siya ng sobra, pero hindi niya naman alam kung ano ang totoo. "Magpapakasal na ako sa iba kaya kita iniiwasan"-diretsong saad ko na kinalaki ng mata niya.

"What?!"-tanong niya na parang di makapaniwala. "At kanino, doon ba sa lalaking yun kanina.?"-galit na tanong niya. Umiling naman ako, at tinignan ang paligid kong may nanonood ba sa amin. Wala naman.

Napatingin ako sa tarpaulin kung saan nandoon ang mukha ni Don emilio.

"Hindi si Kristoff. Apo ni Don Emilio, sa apo ni Don Emilio, siya yung fiance ko  matagal nang gusto ipakasal sakin ni Dad."-sabi ko at tinitignan ang tarpaulin ni Don Emilio, kaya napailing iling na lang si Cyriel na parang hindi makapaniwala.

"Apo niya?"-he ask, i just nodded. "Napakadali lang pala para sayo ang palitan at balewalain ako. Napaka selfish mo Audrey, wala kang pakialam kung sa ano man ang maramdaman ko."-he said at pinunasan ang luhang tumutulo mula sa mata niya.

"Sige, magpakasal ka sa apo niya at kalimutan mo na ako. Dahil simula ngayon, maglimutan na tayo. Yun ba ang gusto mo? Sige ibibigay ko."-sabi niya at naglakad na paalis. Ewan ko pero naiyak ako nang tumalikod siya at iniwan ako.

Im Sorry Cyriel, sa paulit ulit na pananakit ko sayo. Siguro hindi pa ito ang panahon para sa atin, pero wag kang mag alala, ipapakilala ko pa rin sayo ang anak natin.

Hindi mo deserved ang pananakit ko sa nararamdaman mo.

"Ah, miss Audrey. Akin na, ako na ang papasok niyan sa office ni Sir"-saad ni Peter nang lumabas ito sa pinagtataguan niya. Na kanina pa pala nakikitsismis sa amin. Binigay ko sa kanya ang mga test papers na hawak ko.

"Siguro, hayaan mo po muna si Sir, lalamig din ulo non. Pero ang swerte mo hah, fiance mo pala ang apo ni Don Emilio, wag ka mag alala mabait yun."-sabi niya the he just chuckled. Kilala niya ang apo ni Don emilio. Pumasok na ito sa office ni si Cyriel.

Gusto ko pa sanang tanungin si Peter about sa apo ni Don Emilio, kaso nakakahiya naman. Makikilala ko din naman siya bukas ng gabi. At doon kakausapin ko siya para sabihin sa lolo niya na wag ituloy ang kasal, tapos makikipagbati ako kay Cyriel at sasabihin ko ang lahat sa kanya.

Ganun ang plano ko, para hindi ko na masaktan pa ulit si Cyriel kung sakali.

Umuwi ako sa bahay nina Dad na parang walang gana.

"Manang si Cyd po?"-tanong ko rito.

"Kasama ng Mama mo mag Mall, gusto daw kasi mag Arcade ni Alexis"-nakangiting sagot nito.

Hay naku! Maayadong iniispoiled ni Mommy ang anak ko, naglakad ako paakyat ng hagdan. Nang makarating sa kwarto ko, agad ako nahiga sa kama at tulala sa kawalan.

At inaalala ang mga sinabi ni Cyriel, nasaktan ko na siya ng sobra. Inabuso ko ba ang kabaitan niya, at sa sobrang pang aabuso ko pati siya gusto na sumuko.

Ang sakit lang isipin, madali rin para sa kanya na pumayag na magpakasal ako sa iba. Na paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang mga sinabi niya.

"Sige, magpakasal ka sa apo niya at kalimutan mo na ako. Dahil simula ngayon, maglimutan na tayo. Yun ba ang gusto mo? Sige ibibigay ko"-Cyriel

Escudero Series #2: MY ULTIMATE QUEEN BOOK2 Where stories live. Discover now