My Ex-Husband is my Professor
CHAPTER 4
CYRIEL'S P.O.V
Tinigil ko muna ang motor ko sa may gate ng bahay namin, nasa may gate kasi si Yveth. Bumaba ako mula sa motor.
"Cyriel, where have you been"-she ask.
"May binili lang, ano palang ginagawa mo rito?"tanong ko.
"Wala naman, gusto ko sana kamustahin si Audrey, pero pagdating ko kasi may bisita siyang mga lalaki."-sabi pa nito. Mga Lalaki?
"Sino ba nakita mo na pumunta rito ng mga lalaki?"-tanong ko na sobrang nagtataka.
"Naka kotse sila at halatang malaman, Cyriel are you really sure that Audrey really loves you? I think she cheated on behind your back"-she added. I just chuckled. At napailing iling na lang.
Impossible. Bat naman ako lolokohin ng isang buntis at wala na nga halos oras para mag ayos sa sarili niya tapos pinag issipan pa niya na pinagtataksilan ako ng pinakamamahal kong asawa.
"Sinisiraan mo ba si Audrey sakin?"- i ask in a serious tone.
"Of course not, im just telling the truth, kitang kita ng dalawang mata ko Cyriel. Nagyakapan pa nga sila eh"-Yveth explained. Tsk!
Nag vibrate naman ang phone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko ito, message from kuya Sheon na kapatid ni Audrey. I read the message from him.
"Cyriel, galing pala kami sa bahay mo kanina lang, hindi kana namin hinintay. Bukas na ang flight namin, alagaan mo kapatid ko. Ikaw na muna bahala sa office ko habang wala ako."-text from kuya Sheon.
Hay naku! Buti na lang at hindi ako nag overthink.
"Yveth, next time bago mo husgahan at itsismis ang asawa ko. Alamin mo muna ang totoo. Kapatid ni Audrey ang pumunta dito kanina"-sabi kona seryosong nakatingin sa kanya.
"Are you sure?"-tanong niya na parang hindi pa naniniwala.
Sumakay na ako ulit ng motor ko.
"Alam mo ba kung bakit ayaw na kitang kausapin sa school Yveth? Dahil jan sa ugali mo, palagi mo na lang sinisiraan si Audrey. Pero hindi gumagana diba? Kasi maldita man si Audrey pero totoong tao siya at marunong tumanggap ng pagkatalo, not unlike you. Pinipilit mo pa rin ang mga bagay kahit alam mong mali."-seryosong saad ko. Napayuko naman siya.
"Can you please stay away from me and Audrey, wag kang magtatangkang siraan ulit siya dahil ako ang makakalaban mo.
Get out of my way"-i said. Tumabi naman siya sa may gate na dadaanan ko. Pinaaandar ko na ang motor papasok at pinark sa may gilid ng bahay namin.Tsk! Mas pipiliin ko pa ang mag ina ko kaysa sa kaibigan na tulad ni Yveth, alam ko naman na may pagka attitude siya. Pero hinayaan ko lang kasi kaibigan ko siya.
Pero yung siraan niya si Audrey sakin, hindi na tama yun.
AUDREY'S P.O.V
Nakahigang patagilid ako sa kama sa kwarto namin. Masakit ang loob ko na makitang nag uusap sila at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.
Narinig ko ang pagpihit ng door knob ng pinto kaya pumikit ako ng mata at kunwari'y tulog. Maya maya pa eh naramdaman ko ang pag halik niya sa pisngi ko.
Oa ba ko? Pero pano kung nagsasawa na nga sakin si Cyriel? Iisipin ko pa lang sobrang sakit na eh.
Few hours ago..
Grabe yung pagpapanggap ko naging totoong tulog eh. Naka tulog ako, gabi na pala. Si Cyriel naman nakaupo siya sa may study table at busy mag review.
"Nanjan na pala yung mangga mo, pinagbalat na rin kita"-rinig kong saad ni Cyriel, bumangon ako mula sa pagkakahiga hindi ko siya liningon, bagkos ay napalingon ako sa mangga na nabalatan na at na slice na. Grabe nagc-crave talaga ako rito eh.
YOU ARE READING
Escudero Series #2: MY ULTIMATE QUEEN BOOK2
RomantikThis is a season 2 of My Ultimate Queen. Bago po niyo ito basahin, dapat basahin niyo muna ang My Ultimate Queen para ma gets niyo. Audrey's father separated them. After 3 years ago, she came back for Arrange marriage for her long time strange fian...