𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐂𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑𝐈𝐍𝐄

58.4K 858 144
                                    

𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐂𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑𝐈𝐍𝐄

"Catherine!" Napapitlag ako nang maramdaman ko ang malakas na pag yugyog sa akin.

"H-huh?"

"Anong nangyayari sa'yo? Kanina pa kita tinatawag pero bakit hindi mo ako marinig!?" kumunot ang nuo ko ng makitang tila galit na galit si Felip, namumula ang mukha nito. "Why the fuck are you crying!?" tanong nito pero habang ginagawa nito 'yon ay kinuha nito ang panyo nito sa bulsa at pinunasan ang mga luha ko.

"Is there something wrong?" tanong na naman niya.

"I don't know that I'm crying." sambit ko.

Alam niyang nagsisinungaling ako.

"Cathe—"

"Nothing, Fel." Nakangiting ani ko. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya pero kalaunan ay nawala din.

Naupo siya sa katapat kong upuan at hinawakan ang kamay ko at marahan iyong pinisil.

"You can tell me anything, Cath, I'm your brother. Hindi mo pwedeng sulohin ang nararamdaman mo, I'm always here pwede mong sabihin sa akin lahat," malumanay na aniya.

Marahan akong tumango.

I'm so lucky to have a brother like Felip. Sobrang bait at napaka-sweet niya. Lagi niyang inaalala ang mga kapatid niya. He's so responsible, siya na ngayon ang nag papatakbo ng company while ako naman ang sa KRSTN. Pinagpahinga na namin ang parents namin para magkaroon sila ng time para sa sarili nila.

Felip looks like dad, from face to attitude. Pareho silang mabait sa pamilya pero pagdating sa negosyo ay pareho silang seryoso. Halos lahat ng employees takot sa kanila, takot magkamali dahil baka masisante.

"Hubby!" pareho kaming napapitlag ng marinig namin ang boses ni Celosia Chavah. Lumapit siya sa amin humalik siya sa pisngi ko. Nabitawan ni Felip ang kamay ko.

Nakita ko ang pagbuntonghininga nito ng marinig ang boses ng babae. Nilingon ni Celosia si Felip at inabot ang kamay nito.

"Hubby, halika na! Susunduin pa natin ang mga babies natin sa nursery." aniya. Ang mga babies na tinutukoy niya ay ang nga pusa at kambing niya. Celosia Chavah is Felip's wife. Tumayo si Felip at tumingin sa akin andon pa rin ang nag-aalalang tingin.

"Cath, tawagan mo ako kung may kailangan ka okay? Susunduin lang namin ang mga. . . babies." Medyo alanganin pa si Felip nang banggitin ang mga babies. Siguro binanggit niya lang iyon dahil takot siya sa asawa niya. Ang weird kasi ni Chavah mga anak ang turing niya sa mga kambing at pusa niya, pati na sa mga manok niya."May gusto ka ba?" Umiling ako para sabihing wala ako ng gustong ipabili.

Magkahawak kamay silang lumabas ng gate.

Nang makaalis na sila ay inayos ko ang sarili ko tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay, naabutan ko sina nanay at tatay sa sala kasama ang bunso kong kapatid na si Kristopher kalaro nito ang sumunod kay Ramona na si Marigold.

Lumingon sa gawi ko si Kristopher at gano'n na lang kabilis ang pag-iwas kong 'wag mag tama ang mga mata namin.

"Ate. . ." narinig ko ang masayang pagtawag niya pero hindi ko siya magawang lingunin. Mabilis akong umakyat at nagtungo sana sa kwarto ko.

Hindi ko pa man napipihit ang door knob ng aking kwarto ay natigil ako nang makita kong lumabas si Ramona, nagpakawala ako ng buntonghininga at nginitian siya pero agad nawala ang pagngiti ko nang makita ang mukha niya.

Nakatingin siya sa akin na may panlilisik.

Lumaking napakaganda si Ramona.
Kamukhang-kamukha niya si nanay, lahat-lahat nakuha niya. Sa pananamit nga lang naging magkaiba, mahilig kasi si Ramona sa mga luxury items halos lahat ng suot niya ay mamahalin. Hindi tulad ng sa akin na sa Shein ko lang inorder. Ang namana ko kay nanay ay pananamit niya pareho kaming hindi mahilig sa mamahalin at pareho kaming hindi mahilig magsuot ng ma-iikling damit.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon