𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

81.6K 1K 269
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


"Nanay, dahan-dahan lang po ang paghakbang." Ani ni Felip at Catherine, hawak-hawak nila ako sa magkabilang kamay iginigiya kung saan. Hindi ko alam kung ano ang pakulo ni Zachary at kailangan niya pang takpan ang mga mata ko.

"Mga anak baka madapa ako, ha?" Sabay na bumungisngis lang ang dalawa. "Malayo pa ba?" tanong ko sa kanila.

"Nanay, dalawang hakbang na lang po." ani ni Felip. "Nanay, nandito na po tayo, huwag niyo muna pong tanggalin ang blind fold niyo."

"You can remove the blind fold na po, Nanay." ani naman ni Catherine maya-maya lang.

Tinanggal ko ang blind fold sa mata ko. Medyo malabo pa noong una ang pangingin ko ngunit kalaunan ay naging maliwanag na iyon. Bumungad sa akin ang KRSTN RESTO restaurant na kinainan namin nina Zachary noon kung saan namin nakita si Felip.

Nangunot ang nuo ko magtatanong sana ako sa dalawang bata kung bakit kami nandito pero paglingon ko ay wala na sila sa gilid ko. Agad akong luminga sa paligid pero nakuha ng atensyon ko ang tugtog na nagmumula sa loob ng restaurant at nang ibalik ko doon ang paningin ko ay nakita ko ang mga anak ko sa loob kumakaway sila sa akin habang may malalaking ngiti sa labi.

Humakbang ako papasok may mga crew na nakalinya sa may pintuan may mga matatamis na ngiti ring nakapaskil sa kanilang mga labi may inabot sila sa aking tig-iisang red roses.

Hindi ko mapigilang mamula sa hiya.

Oh my God! Ano ba kasi itong pakulo ni Zachary? Bakit may paganito siya?
Kahit nahihiya ako ay tinanggap ko ang ini-abot nila sa akin.

"Just continue walking, Ma'am," ani ng isa sa kanila, ang hula ko ay manager ng KRSTN RESTO. Nagpatuloy ako sa paglalakad hinanap ng mga mata ko ang mga anak ko nakita ko sila sa pinakadulo, nakatayo.

Bahagya akong napasinghap ng makitang nasa tabi nila sina Maman at ang asawa nito pati na si Edelyn at Estelle. Sa katapat naman nila ay sina Desvaro, Ayiesha, Arianne at si Angelie kasama si Ylaiza at ang ama ni Ylaiza karga-karga nito ang isang buwang anak nila ni Angelie. They are all looking at me.

Habang palapit ako nang palapit sa kinaroroonan nila ay hindi maipaliwanag na kaba ang naramdaman ko at habang humahakbang ako palapit ay narinig ko ang pagpalit ng kanta.

Napahinto ako ng marinig ang kanta. Kanta iyon ni Ed Sheeran-Perfect. Nilinga ko ang paligid hinahanap ko si Zachary pero hindi ko siya makita tapos biglang gumilid sina Ayiesha at mula doon ay lumabas si Zachary may hawak-hawak siyang mic sa isang kamay at sa isang kamay naman ay may hawak siyang isang napakagandang boquet ng red roses. Patuloy pa rin ang pagtugtog.

Ang lakas ng kabog ng puso ko.


Nakangiting tumingin siya sa akin. "Hi, Baby."

"Z-zachary." Sambit ko sa pangalan niya wala pa man siyang sinasabi pero ang mga luha ko hindi na maawat sa pag-agos. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.

"Alam mo bang unang kita ko sayo grade seven ka pa lang." nakangiting aniya.

"H-huh?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti siya.

"In the park, under the big tree, your face was buried between your knees. You were crying." Zachary laughed a little and blushed, as if he remembered something embarrassing. "I even fell from the tree when I heard you cry." My eyes widened when I heard what he said.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon