𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜FLASHBACK...
"Gie, maglalakad-lakad lang ako sa labas," paalam ko kay Angelie. Nasa kusina siya at naghahanda ng pang-agahan namin.
"Okay! Mag-iingat ka, kabuwanan mo na, balik ka kaagad, ten minutes lang lakarin mo!" pasigaw na tugon niya.
"Okay . . ." Naglalakad-lakad nga ako labas lang ng bahay na iniikupa namin ni Angelie.
Sinusubukan kong ayusin ang sarili ko, masyado ko nang napapabayaan ang pagbubutis ko dahil sa nangyari sa amin ni Zachary. Pagkatapos kong malinawagan na kailangan ko munang alagaan ang sarili ko at pagbubuntis, minabuti kong lumayo, lumayo sa lugar kong saan nakikita ko si Zachary at si Stella, lumayo sa mga magulang kong wala namg ibang ginawa kung 'di diktahan ako. Kung ano'ng dapat at ano'ng dapat hindi ko gawin.
Pagkatapos kong ma-ospital nang ipagtabuyan ako ni Zachary ay napilitan akong magrenta ng maliit na apartment malapit lang din sa lugar namin. Ikinulong ko ang sarili ko roon, nagluksa ako sa pagkawasak ng puso ko, sa pagkawasak ng buo kong pagkatao.
Araw-araw magmula noong araw na 'yon ay araw-araw may nagse-send sa akin ng video ni Zachary na katalik ang iba't ibang babae, minsan pa'y mga litrato nito ka-date ang iba't iba ring mga babae. Sa araw-araw na nakikita ko ang mga 'yon ay halos ikamatay ko. Durog na durog na ako, mas dinurog pa ako lalo.
Palagi akong pinagsasabihan ni Gie na huwag pabayaan ang sarili ko, pero hindi ako nakikinig sa kaniya dahil ng mga panahong 'yon ay hindi ko alam kung paano, durog na durog ako noong mga panahong 'yon to the point na ginawa ko nang tubig at kape ang alak, sobrang pagpapabaya ang ginawa ko sa sarili ko.
Nagising lang ako sa kabaliwan ko nang ipaalala sa akin ng doktor na may bata sa sinapupunan ko, from that day, I tried my best to take care of myself and my baby. And to avoid stress, mas lumayo pa ako sa pamilya ko, pati na rin kay Zachary.
Dahil nagkunwaring nag-Amerika si Angelie ay nakisama na rin ako, I deleted all my social media accounts, I deleted all my contacts, pinagbabasag ko ang laptop at phone ko, lahat ng mga bagay na way para ma-contact ako ng pamilya ko ay sinira ko.
Hindi ko alam kung bakit kailangang magkunwari ni Gei na nasa America siya, sa tuwing tatawag si tita ay kailangan nang maraming palusot. Araw-araw, halos nasa orphanage siya. Twenty minutes lang mula rito sa tinitirhan namin. Hinahayaan ko na lang din siya kung 'yon ang magpapasaya sa kaniya.
Hindi ko nga alam kung may tampuhan ba sila ng nanay niya noon, dahil pagkatapos na pagkatapos ikasal ni tita kay Juan ay nagpaalam siyang lilipad ng America. At noong mga panahong 'yon ay ikinasal din ako kay Zachary, bumalik siya makalipas ang halos tatlong taon, at sa pagbalik nga niya'y ganito na ang naging sitwasyon ko.
Si Drake ay nasa America, marami siyang kailangang asikasuhin. Mga negosyo ng mommy at ng stepfather niya, dahil walang ibang anak ang mga magulang niya ay sa kaniya ibinigay lahat ng obligasyon.
"Sumama ka sa amin, 'wag mong subukang sumigaw."
Nahinto ako sa paglalakad nang biglang may dalawang lalaki ang lumapit sa akin, pinagitnaan nila akong dalawa, ngumingiti sila na animo'y magkakilala kami.
Nanginig ako sa takot, pinagpawisan ako ng malapot.
May itinutok silang matulis na bagay sa tagiliran ko na mas lalong nagbigay ng takot sa 'kin."P-Please, 'wag po . . ." maluha-luhang pakiusap ko.
"Tumahimik ka kung ayaw mong tumarak sa 'yo itong kutsilyong nasa tagiliran mo, sumama ka nang maayos sa amin dahil gusto kang makita ng boss namin!" nakangiting aniya. Napakahina ng pagkakasabi niya pero bawat salita ay mariin niyang binibigkas na para bang ipinapahiwatig niya sa akin na 'pag hindi ako sumunod sa sasabihin nila ay papatayin nila ako.
BINABASA MO ANG
𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄)
Romance𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 (𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐍𝐄) "Living full of regrets and pain is worse than dying. " -Kristine