𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Umalis ka!"Malakas na sigaw ko ng akmang yayakapin ako ni Zachary. "'Wag kang lalapit! Ang baho-baho mo!"
Nakita ko paano nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko hindi niya ako makapaniwalang tiningnan. Inamoy niya ang sarili bago siya tumugon.
"L-love, kakaligo ko lang,"
"Wala akong pakialam! Umalis ka sa harapan ko naiirita ako sa pagmumukha mo!" sigaw ko na naman sabay bato sa kanya ng unan. Hindi siya umilag kaya sapol siya sa mukha.
Napangisi ako nakakatawa ang mukha niya ng matamaan ng unan.
"Baby, ang sabi mo—"
"'Wag mo nga akong ma baby, baby! Maghiwalay na tayo! Ang pangit pangit mo!" I yelled again sabay bato uli sa kanya ng unan.
Ang kaninang nanlalaking mata niya sa gulat ay mas lalong nanlaki pa. Unti-unting namula ang tuktok ng ilong niya at nanubig ang gilid ng nga mata niya, tinaasan ko lang siya ng kilay.
Bumangon na ako at dahil nakaharang siya sa dadaanan ko ay binangga ko siya akmang hahawakan niya ako pero sinamaan ko siya ng tingin kaya nabitin sa ere ang kamay niya.
Para siyang pinagsakluban ng langit but I don't care! I felt so annoyed. His face is annoying! I hate his smell ang baho-baho niya sa pang amoy ko! Ang pangit niya sa paningin ko. Nakakairita ang boses niya.
Pumasok na ako sa banyo in-ilock ko ang pintuan. Naligo ako medyo sinadya kong tagalan ang pagligo ko dahil ayaw kong maabutan si Zachary sa kwarto. Mahigit isang oras ako sa banyo kung hindi pa kumatok si Catherine ay hindi pa ako lalabas.
"Nanay, gising na po si Ramona." salubong sa akin ni Catherine nang makalabas ako. Si Ramona ay ang 6 months old baby girl.
Nakatapis lang ako roba sa katawan at towel sa ulo. Nilinga ko ang paligid wala na si Zachary.
"Okay pakisabi kay ate Aira bantayan na muna magbibihis lang ako."
"Okay po, Nanay." tugon niya bago lumabas ng kwarto namin.
Nagmadali akong magbihis nagsuot lang ako ng malaking t-shirt at maikling short simula ng ikasal ulit kami ni Zachary ay hindi na ako nahiyang i-balandra ang mga peklat ko. He loves everything about me pati ang peklat ko sa katawan ay mahal niya. Mahal ko rin naman siya kaya lang nitong nakaraang mga araw ay naging mainitin ang ulo ko at naiinis ako sa pagmumukha niya.
Araw-araw pinaparamdam sa akin ni Zachary ang pagmamahal niya araw-araw niya akong nililigawan kahit kasal na kami. Sa tuwing uuwi siya galing opisina ay lagi siyang may dalang pasalubong para sa akin at sa mga bata. Hindi na ako nakapagtrabaho dahil naging masilan ang pagbubuntis ko noon kay Ramona dahil na rin sa mga nangyari.
Talagang bumawi si Zachary sa lahat lahat ganoon din naman ako sa kanya.
Pagkatapos kong magbihis ay tumungo na ako sa nursery pero wala na akong naabutan doon bumaba na siguro sila.
Bumaba na ako ngunit hindi pa man ako tuloyang nakakababa ay rinig ko na ang boses ng bangayan ni Aira at John. Nitong nakaraang mga buwan ay lagi silang nagbabangayan na tila ba may world war sa pagitan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄)
Romance𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 (𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐍𝐄) "Living full of regrets and pain is worse than dying. " -Kristine