𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜TRIGGER WARNING!⚠️🚨
There are particular parts that may trigger your trauma or anxiety; if you cannot bear the scenes, please stop reading. Depression and anxiety , self-harm.
___
"D-Daddy, bakit n-niyo po ako iniwan? Daddy, sorry po kung hindi ako nagpakita ng ilang taon, s-sana po m-mapatawad n'yo ako," umiiyak na pagkausap ko sa libingan ni Daddy.
"Tin, 'pag 'yan bumangon mula sa hukay at sagutin ka, ewan ko na lang talaga sa 'yo."
Natigil ang pag-iyak ko nang marinig ang sinabi ni Angelie kaya nilingon ko siya. Nang makita niyang nakatingin ako, nagtataka niya akong tiningnan.
"W-What d-did you just say?" tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ang mga luha ko sa mukha gamit ang mga palad ko.
"Hala! Nasabi ko ba nang malakas? Sorry, Tin! Akala ko nasa isip ko lang . . . Sorry . . ." paghingi niya ng sorry, pinagsiklop niya pa ang mga palad niya.
"Tsk!" Iiling-iling na tumingin sa amin si Drake, ako naman ay hindi alam kung matatawa ba o maiinis sa kaniya.
Ngumingiwi siya at nag-peace sign sabay sambit ng sorry. Nag-sorry rin siya sa puntod ni daddy at pinagsiklop niya ulit ang mga kamay niya sabay yuko.
"Tito, joke-joke lang po! Huwag ka pong bumangon! Okay ka na po riyan! Rest in peace po! Mwa! Mwa! Chup! Chup!"
Napailing na lang kami pareho ni Drake. Wala na talaga siyang pag-asa.
Nandito kami ngayon sa pinaglibingan kay daddy, sinamahan ako ng dalawa. Hindi na ako muling nakaiyak pa dahil sa mga sinabi ni Angelie, minsan gusto ko siyang kutusan dahil kahit nasa seryosong sitwasyon kami ay nagagawa niyang ihirit ang mga kabaliwan niya.
Well, minsan ay nagpapasalamat din ako na ganiyan siya dahil pinapagaan niya ang mood ng sinuman na may mabigat na pinagdadaanan, siguro kaya rin hindi ko matuloy-tuloy ang pagkitil sa sarili kong buhay ay dahil alam kong masasaktan ko siya pati na rin si Drake. And I don't want that to happen.
Mahigit kalahating oras ang inilagi namin sa sementeryo. At kanina pa panay reklamo si Angelie na gutom siya. Pagdating sa kainan ay magiging pambato mo talaga siya, wala siyang sinusukuan, wala siyang sinasayang na pagkain, meron pa nga siyang ginawang kasabihan.
"Habang may buhay, lamon lang, dahil sa heaven wala nang letchon."
Siguro dahil sa half-Korean siya kaya mahilig siyang kumain. Kadalasan kasi ng mga Korean ay mahilig mag-mukbang. Ang maganda lang kay Angelie ay kahit anong mukbang niya ay hindi siya tumataba. Kahit pakainin mo pa siya araw-araw ng kung ano-ano ay uubusin niya 'yan pero hindi siya tataba.
"By, remember Harold?" biglang tanong sa 'kin ni Drake habang bumabyahe na kami.
"Hmm . . ." Kilala ko si Harold, best friend siya ni Drake no'ng high school, kasabay niya sa lahat ng kalokohan.
"He has a restaurant near my condo, do you want us to just eat there? Para hindi na tayo magluto."
Tumango ako at ngumiti naman siya, si Angelie naman sa likod at busy kasa-soundtrip. Wala siyang dalang sasakyan kaya nakisabay na siya sa amin, nasira raw ang sasakyan niya.
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Oh, buhos ng ulan,
'wag nang tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
BINABASA MO ANG
𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄)
Romance𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 (𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐍𝐄) "Living full of regrets and pain is worse than dying. " -Kristine