𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐎𝐔𝐑
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Stop glaring at me, Bitch!" singhal ni Angelie kay Ayiesha pagpasok pa lang namin ng bahay, hawak namin sa magkabilang kamay si Felip.
Nameywang si Angelie habang nakatingin kay Ayiesha na nakapameywang rin sa kanya, pareho silang nakataas ang kilay.
"Pasalamat ka buntis ka kundi sinabunotan na kita! How dare you ipa-bugbog ang kapatid ko noon?!"
"He deserves it! Sinaktan niya si Kristine! Gagawin ko iyon nang paulit-ulit kapag inulit niyang saktan ang kaibigan ko!"
"Ulitin mo at kakalbuhin kita!" singhal naman ni Ayiesha sa kanya humakbang pa siya palapit kay Angelie binitawan ko ang kamay ni Felip at pumagitna sa kanila.
"Stop it, Girls." awat ko sa kanila pareho silang tumingin sa akin at sabay na nagturuan.
"Ito kasing kaibigan mo, e."
"Ikaw itong kanina pa ako iniirapan! Kala mo naman ikaw pina-bugbog ko wala ngang reklamo kapatid mo! ’Kaw tong gigil na gigil, e."
"Tang in—"
"Yie, stop it," saway ni Zachary sa kapatid. Lumingon si Ayiesha kay Zachary at inirapan ito. Padabog itong umalis at pumasok sa kusina.
"Gie." tawag ko kay Angelie. Humaba ang nguso nito inilagay nito sa likuran ang mga kamay at marahan itong sumisipa-sipa sa sahig na tila batang napagalitan ng magulang.
"Z-zachary. . . " Tawag niya kay Zachary hindi niya inintindi ang pagtawag ko sa kanya, nakayuko siyang humarap kay Zachary. "K-kasi. . . ano. . . kasi 'di ba? Hindi ka naman galit? I mean alam ko nagalit ka . . . pero hindi ka naman galit talaga 'di ba? Slight lang 'di ba, hindi naman kita pinabayaan, e, ako naman nag-pay ng hospital bills mo noon, 'tapos nag-sorry naman ako sa panaginip ko sa 'yo. . . 'di ba hindi ka naman galit?"
Marahan akong natawa sa mga sinabi ni Angelie.
"I'm not mad, Gie. . . I'm actually happy because you're there to protect Kristine noong mga panahong nagpaka-stupido ako. Thank you for staying, loving and protecting Kristine up until now," Zachary said smiling, napangiti ako sa sinabi niya lumingon siya sa akin nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi niya.
Nang makita ko ang ngiti niya ay bigla ko na lang naramdaman ang pagkabog ng malakas ng puso ko. Ang ngiti niya ay sobrang ganda sa paningin ko. Tila ba nagliwanag ang paligid dahil doon.
"Gie!" naialis ko kay Zachary ang paningin ko ng marinig ko ang pagtawag ni Drake kay Gei.
"Honey bunch, I'm here!" tugon ni Angelie sa tawag ni Drake. Ilang saglit lang ay bumungad na sa harapan namin si Drake karga-karga niya ang anak ni Angelie. "Namiss mo agad ako honey bunch?" tanong na salubong ni Angelie kay Drake lumapit siya sa kapatid ko at yumakap nginitian lang siya ng kapatid ko.
"Mommy, Felip said that he'll marry me!" biglang sabi ng anak ni Angelie. Umalis naman agad si Angelie sa pagkakayakap kay Drake at gulat na tiningnan ang anak ko.
"What!?" malakas na tanong niya. Ang oa ng reaction niya.
"He said that when I turn 18 he'll marry me." tugon ng bata. Sabay naman kaming lahat na napatingin kay Felip na ngayon ay seryosong nakatingin sa anak ni Angelie. Kumunot ang nuo ko ng makitang nag-iba ang aura nito. Bahagyang nagsalubong ang kilay nito.
Kamukhang-kamukha na niya tuloy ang ama. Nangingiti naman si Zachary habang nakatingin sa anak parang proud na proud pa siya."Is that true, young man?" Angelie asked Felip. Hindi naman siya mukhang galit dahil ang laki ng ngisi niya. Naalala ko noong unang nakita niya si Felip sinabi niyang bagay si Felip kay Ylaiza. Si Ylaiza ay ang anak pala niya.
BINABASA MO ANG
𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄)
Romance𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 (𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐍𝐄) "Living full of regrets and pain is worse than dying. " -Kristine