𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄

108K 1.2K 131
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Alin dito ang maganda?" tanong sa 'kin ni Angelie, may ipinapakita siyang dalawang damit sa 'kin, pareho ang design pero magkaiba ang kulay.

"White." tipid tugon ko. Kaagad naman siyang ngumisi at nag-thumbs up pa.

Nandito kami ngayon sa boutique ni Angelie, yes, boutique ni Angelie. Wala akong kamalaymalay na may sariling boutique na pala siya, nagulat pa ako kanina bakit nagsidukuan ang mga sales lady pati na rin ang manager nang pumasok kami.

Muntik ko pa siyang kurutin, nagpangisi-ngisi siyang pumasok ng boutique at 'yon pala ay siya ang nagmamay-ari, ang sabi niya sa akin ay itinayo niya ito 5 years ago. Siguro kaya hindi ko alam dahil wala akong ibang ginawa 6 years ago kung 'di saktan ang sarili at isisi sa sarili ko lahat ng masamang nangyari sa akin sa amin ng anak ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa ibang damit, naghahanap ako ng long sleeves. Masyadong luma ang mga damit ko.

Sa 6 years na nag kulong ako, palaging si Angelie ang namimili ng damit ko, pero lahat ay hindi ko nagagamit, isipin ko pa lang suotin ang mga pinamili niya ay sumasakit na ang ulo ko. Lahat ng mga damit na binili niya ay animo'y kinulang sa tela. Kung hindi crop top ay backless, kung hindi naman ay sleeveless.

Siguro kaya siya nagtayo ng boutique ay dahil sa mahilig siya sa damit, sa mga sapatos at kung ano ano pang kaartehan sa katawan, hindi rin naman nakakapagtaka dahil ang ganda rin naman niya at ang ganda ng balat niya, kaya kahit pa sabihin niyang "Diyosa" siya ay wala nang kokontra dahil totoo naman.

"Tin, ito maganda, bagay sa 'yo." Lumapit si Gie sa akin at may bitbit na dalawang kulay pulang dress.

Napangiwi ako namg makita ang kabuuhan ng dress, masyadong maikli, bukas na bukas pa ang likod. "Kailan naman ako nagsuot ng ganiyan?"

Nagumisi siya sa akin, inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at may ibinulong. "Girl, magre-revenge ka kay Zachary, 'di ba?"

"H-Huh?"

"You know what is the best revenge?" tanong niya, ngumisi pa siya sa akin.

Ang creepy niya.

"Make him fall in love with you, and when he falls, leave him . . ." Dagdag niya.

Hinawakan ko ang mukha niya at itinulak iyon palayo. "Kung ano-anong sinasabi mo!" marahang singhal ko sa kaniya. Halakhak lang ang itinugon niya, napatingin tuloy sa amin ang mga tao sa loob ng boutique.

Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy na sa paghahanap ng damit na papasa sa gusto ko. Nang makapili ako ng damit at trousers na nagustuhan ko ay kaagad ko iyong binayaran, tatlong long sleeves at tatlong trousers lang ang napili ko, bumili na rin ako ng strappy open toe block heel sandals, at isang open toe ankle strap sandals.

Pagkatapos kong magbayad ay hinanap kaagad ng mga mata ko si Angelie, hindi rin naman nagtagal ay nakita ko siya, ang dami na ng laman ng basket niya. Nang maramdaman niyang may nakatigin sa kaniya ay nagpalinga-linga siya at nang tuluyang dumako sa akin ang paningin niya ay ngumisi na naman siya.

Ang saya niya?

"Una na ako sa labas," paalam niya.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon