𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"What happened?" Ayiesha asked nang makapasok na siya.
"Nabuhos 'yong kape . . ." kagat-labing tugon ko.
"Tanga naman ng kape!" aniya at tumawa.
Hindi ko siya tinugon, tumayo ako at tinungo ang banyo. "'Pag dumating si Zach, puwede bang pakiabot sa akin 'yong pinamili niya?" Tumango si Ayiesha kaya tumuloy na ako sa loob at isinara ang pintuan.
Kinuha ko ang cellphone ko sa maliit na bag na dala ko at tiningnan ang messages and missed calls. Naka-silent kasi ang phone ko, sinadya ko dahil alam kong bobombahin ako ng tanong ni Gie mayamaya.
Napakunot ang noo ko nang makita ang twenty missed calls ni Angelie, tatawagan ko sana niya, baka may problema o emergency pero nakuha ng atensyon ko ang sunod-sunod na text niya.
From Angelie:
Sissy, how's the date?Date? Anong date pinagsasabi ng babaeng 'to?
Sissy! How's the operation make Zachary cry ng Blood?
Timang talaga. Napapailing na lang ako sa mga messages niya.
Sissy, uso reply, beke nemen. 👉👈
Sissy yoohooooo, 'di ka naman siguro bumukaka 'no?😱
Sissy! If bumukaka ka man, please always use condom! Or withdrawal, baka majuntis ka, my friend!
Napasapo ako sa ulo matapos kong basahin ang iilang mensahe niya. Kahit kailan talaga, baliw 'tong si Angelie. Sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi niya.
Ipinasok ko ulit sa bag ko ang cellphone ko, humarap ako sa salamin. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang paghapdi ng balat kong natapunan ng kape. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naiinis nang marinig ko ang pakikipag-usap ni Zachary kay Stella kanina.
Apektado pa ba ako? Hindi ko alam.
Ilang buntonghininga ang pinakawalan ko. Yumuko ako at pinasadahan ng tingin ang pantalong basang-basa na, pati panty ko ay basa na rin. Hinubad ko ang pants ko, ipinatong ko iyon sa sink. Hinubad ko na rin ang blazer na suot ko, may kaunting basa iyon.
Napatitig ako sa mga palapulsuhan ko, puno iyon ng peklat. Hinaplos ko iyon, biglang nag-ulap ang mga mata ko, hindi ko mapigilang mapaluha.
Anim na taon king sinasaktan at sinisi ang sarili ko, dahil sa pagkamatay ng anak ko. Anim na taon kong ikinulong ang sarili ko, pagkatapos malalaman ko lang na dahil lang sa maling akala, nagawa ni Zachary sa akin 'yon? Nagawa niya akong itaboy na parang hindi tao . . .
I clenched my fists, I took a few breaths before wiping away my tears. Medyo nabura ang makeup ko kaya inabot ko ang bag ko na ipinatong ko kanina sa sink, binuksan ko iyon at inilabas ang foundation at blush on, nagpahid ako ng kaunti, pagkatapos ay naglagay ulit ako ng manipis na lipstick.
"Hmm . . ." tanging nasambit ko nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Tinuruan ako kanina ni Angelie kubf paano mag-retoutch, mabilis naman akong matuto kaya maayos ang pagkaka-,retouch ko.
"Bitch! Open the door, nandito na 'yong mga damit!" Narinig kong sigaw ni Ayiesha sa labas.
Kinatok niya ang pintuan ng CR, humakbang ako ng ilang hakbang papunta sa may likod at binuksan ko nang bahagya ang pintuan, ulo ko lang ang isinilip ko, wala akong suot pang-ibaba.
Nakangiting iniabot ni Ayiesha ang paper bag. Inilabas ko naman ang kamay ko para abutin iyon, pero nang akmang kukunin ko na iyon ay nagtaka ako nang hindi niya binitawan ang paper bag, naglaho bigla ang ang ngiti sa mga labi niya, itinaas niya ang tingin sa mukha ko. Puno ng katanungan at pagtataka ang mga mata niya. Nasundan ko ng tingin ang tinitingnan niya, ibinaba niyang muli ang mga mata niya sa kamay kong nakahawak sa paper bag.
BINABASA MO ANG
𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄)
Romance𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 (𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐍𝐄) "Living full of regrets and pain is worse than dying. " -Kristine