𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗𝐓𝐄𝐄𝐍

86.4K 1.2K 182
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


"Good morning, Nanay!"

Marahan kong iminulat ang mata ko nang marinig ko ang mahinang boses na bumubulong sa akin. Nang tuluyan kong maimulat ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang nakangiting si Felip.

"Gising na po, Nanay, nag-ready na ako ng agahan natin, tinulungan po ako ni Ate Aira!" masayang sabi niya habang marahan akong niyuyugyog.

Dahan-dahan naman akong naupo sa kama, inunat ko ang mga braso ko. "Good morning, baby . . ." nakangiting bati ko sa kaniya. Hinalikan ko siya sa nuo. Humalik din siya sa akin sa pisngi.

Yes, nanay ang tawag niya sa akin.

Noong una ay gulat na gulat ako nang tawagin niya akong nanay, pinaulit ko pa nga iyon sa kaniya. Walang-tigil ako sa pag-iyak nang tawagin niya ulit akong nanay. Sobrang saya ko. Ang sarap sa pandinig at sa pakiramdam ang pagtawag niya sa aking nanay. Dalawang buwan na sa akin nakatira si Felip. Lumipat na rin kami ng matitirhan.

Bumili ako ng sarili kong condo, pang-apat na unit mula sa condo unit ni Drake. Gusto ko sanang bahay ang bilhin kaso ayaw pumayag ni Drake na lumayo ako sa kanya kaya napilitan akong bumili rito na lang din. Kumuha na rin ako ng katulong ko para matulungan ako sa pag-aalaga kay Felip, may mga time kasi na may nilalakad ako at walang kasama si Felip, busy kasi si Drake sa negosyo niya, si Angelie naman ay gano'n din, may mga lakad siya halos araw-araw.

Minsan ay tumatawid lang si Angelie, mula sa condo ni Drake papunta sa condo namin ni Felip 'pag dumdalaw siya.

Napapansin ko lang kay Angelie ay medyo tumataba siya. Nagkakalaman na ang mukha niya. Lumalaki na rin ang balakang niya. Siguro kakakain niya 'yon. Panay lang kasi siya kain nitong mga nakalipas na buwan, kung ano-ano nalang ipinapabili niya kay Drake.

"Mauna ka na roon, mag-wash lang ng face si nanay, okay?" Tumango siya at humalik ulit sa pisngi ko bago patakbong lumabas ng kwarto.

He's so sweet. Every morning paggising niya, ang una niyang gagawin ay pupunta sa kusina at kukulitin si Aira para magluto ng pagkain, pagkatapos ay gigisingin niya ako para sabay na kaming mag-agahan.

I'm working on his adoption paper, Desvaro helped me. After a few months, he will be my legal son.

Tumayo na ako, minadali kong iligpit ang kama bago ako tumungo sa likod ng pintuan at kinuha ang towel na nakasabit doon, pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo. Nag-toothbrush at naghilamos lang ako. Nag-apply rin ako ng morning cream sa mukha ko bago ako lumabas. Hindi na muna ako nagpalit ng damit, mahaba naman ang manggas ng damit ng pantulog na suot ko.

"Good morning, Ate," bati ni Aira sa akin nang makarating ako sa kusina.

"Morning, be," bati ko sa kaniya pabalik.

"Nanay, nagluto po kami ng hotdog at itlog!" excited na tawag sa akin ni Felip.

Naupo ako sa tabi niya. "Wow, parang hindi ka naman tumulong magluto, e," biro ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa kaniyang ulo.

Ang cute niya talaga.

"Tumulong po akong magbalat ng hotdog, Nanay . . ." nahihiyang pag-amin niya. Napahagikhik ako sa kaniyang naging tugon, kinurot ko ang pisngi niya.

Nakakapanggigil kasi ang mukha niya, dalawang buwan pa lang siya sa puder ko pero tumataba na siya. Pareho kasi sila ni Angelie na mahilig kumain, palagi nga silang magkasabay kumain, kaya minsan gustong-gusto ni Angelie tumambay rito ay dahil kay Felip, pareho kasi sila ng mga gustong pagkain. Pareho silang hindi mapili. Minsan pa napapansin kong may pinag-uusapan sila ni Felip pero 'pag tinatanong ko, palagi naman nilang sinasabi na tungkol sa pagkain ang pinag-uusapan nila. Hindi na rin ako nangulit hindi naman siguro niya tinuturaan ng kabaliwan ang bata.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon