CHAPTER TWENTY SEVEN
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Explain to me now, Gie ano 'yong mga nangyari?" tanong ko kay Angelie.
Nandito kami ngayon sa loob ng library ni Ayiesha, nandito si Drake, Desvaro, Edelyn at ang anak niyang hindi ko pa alam ang pangalan, si Maman at Zachary.
Si Maman ay niyayakap ang anak ni Edelyn at hinahalikan ito sa nuo. Puno ng luha ang mga mata nito.
Si Stella ay dinala ng mga tauhan ni Angelie sa basement dito lang din sa bahay ni Ayiesha. Wala itong malay mamaya na namin siya babalikan after kung marinig ang paliwanag ni Angelie.
Si Ayiesha ay dinala muna si Catherine sa kwarto nakatulog kasi ito kanina kakaiyak si Felip at Ylaiza ay andoon din. Ang mga kapatid ni Ayiesha ay nasa kanya-kanya nilang mga kwarto.
"Gie?" tawag ko uli sa pangalan niya nang hindi niya tugunin ang tanong ko, ngumuso siya at tumingin kay Desvaro sinenyasan lang siya ng lalaki kaya napabuntong hininga ito.
"Nakilala ko si Edelyn few months ago, I saw her in the middle of the street palaboy-laboy takot na takot para bang may pinagtataguan. At first I thought it was you akala ko prina-prank mo lang ako—I mean 'di ba maraming prank ngayon. . . uso na bloggers ngayon so I thought nag-try ka na din maging blog—"
"Tsk."
"E, kasi naman! Look at you guys! Wala talaga pinagkaiba, magkapareho talaga kayo ng mukha kahit saang anggulo tingnan." sabi niya ng nakanguso.
"Then?"
"Tapos 'yon hinimatay siya then a kid came, si Felip. Sinabi niya sa akin na hindi si Edelyn ikaw then I called you right then you answered that's when I learned that she and you are different person dinala ko siya sa condo ni Desvaro. Desvaro and I helped her we let her stay in Desvaro's condo."
"Why you didn't tell us when you found her!? Gie, we're almost together most of the days how did you hide all this from me?" Drake asked Angelie. The woman pouted again then she irap to Drake the pouted again.
"I'm not sure for everything, okay? I mean oo magka-mukha si Kristine at Edelyn pero alam ko namang walang kakambal si Kristine, ang alam ko nag-iisang anak lang siya ni Kristina bruha at Tito, at nang mga panahong dinala namin si Edelyn sa Condo ni Desvaro lagi lang tulala si Edelyn hindi makausap laging takot, kahit nga sa akin minsan ay natatakot siya. . . after a month naghinay-hinay na siyang mag-open up sa buhay at pinagdaanan niya that's the time she told me that she have a twin sister but her twin doesn't know about her existence even her father at noong sabihin ko ang pangalan ni Kristine ay umiyak siya nang umiyak. Sinabi ko sa kanya kilala at kaibigan ko si Kristine. Pero kahit na nagkwento na si Edelyn na magkakambal sila ni Kristine, may part pa rin sa akin na nagdududa kasi that time may duda na kami ni Desvaro na may kinalaman si Stella at Kristina sa mga nangyari sa buhay ni Zachary at Kristine, kaya kahit naawa ako kay Edelyn hindi pa rin ganoon kalaki ang tiwala ko, dahil maraming pwedeng gawin ang technology para maging magka-mukha ang mga tao." mahabang aniya, nagpakawala siya ng buntong hininga at nagsimula uling magsalita.
"Kumuha ako ng sample ng buhok niya at sample ng buhok ni Kristine for DNA test and when it's matched sinabi ko sa kanya na ipapaalam at ipakikilala ko na siya kay Kristine but she didn't want because she's afraid that Kristina and Stella might discover. . . she don't want to risk her daughter's life. Sabi ko sa kanya tutulongan ko siya kasi naawa ako sa kanya, I saw how she struggles paano siya matakot na tulad ni Kristine noon."
BINABASA MO ANG
𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄)
Romantiek𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 (𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐍𝐄) "Living full of regrets and pain is worse than dying. " -Kristine