𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

85.3K 1K 343
                                    

𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Papa! Papa, ayos lang po ba kayo?!" naabutan ko si papa na nakasalampak sa sahig namimilipit sa sakit, ang saklay niya ay tumilapon.

Napangiwi siya inalalayan ko siyang makaupo sa upuan."Okay lang ako, Zach." aniya ng makaupo na siya.

"Pa, si mama hindi na po ba talaga siya babalik dito?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng bahagya.

Ginulo niya ang buhok ko bago niya hawakan ang balikat ko. "Kalimutan na natin ang mama mo, Zach. Sumama na siya sa lalaking totoong mahal niya." nakangiti si papa pero mababanaag mo ang lungkot na bumabalot sa mga mata niya.

Nasasaktan ako at mas nasasaktan ako sa tuwing sinusbukan niyang i-kubli sa pagitan ng pagngiti ang totoong nararamdaman niya.

Lumipas ang dalawang taon nakasanayan ko ng wala si mama at sa paglipas ng panahon bumalik ang unang babaeng minahal ni papa nagpakasal sila at bumuo ng pamilya. Nakabawi si papa , nakapaglakad siya at naging maayos uli ang negosyo.

Ang pag-iwan ni mama sa akin at kay papa dahil sa ibang lalaki ay nagbigay trauma sa akin. Nawalan ako ng tiwala sa mga babae maging sa bagong asawa ng papa ko ay wala akong tiwala. Nakatatak na sa utak ko na lahat ng babae manloloko, nanakit at nang-iiwan. Sa murang edad saksi ako kung paano sinasaktan ng mama ko si papa. Kung paano niya awayin at pagbuhatan ng kamay ang papa ko. Saksi ako kung paano siya magdala ng iba't-ibang lalaki sa bahay kahit na sa harapan ni papa. Saksi ako paano nasasaktan ang papa ko pero wala siyang magawa dahil nakakulong siya sa wheelchair sa napaka-habang panahon. Saksi ako paano siya nagkukunwaring walang naririnig sa tuwing may katalik na iba ang mama ko.

May mga babaeng lumalapit sa akin at umaamin ng nararamdaman sa akin ngunit agad ko silang inaayawan. Ayaw kong makipag-relasyon. Takot akong pumasok sa relasyon at matulad sa relasyon ng mga magulang ko.

——

"Kuya! Kuya! Nakatakas si pussy!"

Salubong sa akin ni John pag-uwi ko. Si pussy, ay ang ang alaga kong pusa. Hindi pussy ang pangalan niya kundi Willow. Pussycat kasi dapat pero dahil tamad siyang tawagin ng buo kaya pussy ang naging tawag niya kahit pwede naman sanang cat.

Anak si John ni papa at ng asawa niya.
Ang kulit-kulit niya lagi niyang pinapatakas ang pusa ko.

Umakyat muna ako sa kwarto ko at nagbihis hindi ko naman kailangang magmadali dahil alam ko naman kung saan pupunta si Willow.

"Willow!" tawag ko sa pusa ko. Nandito na ako sa park kung saan siya pumupunta kapag nakakawala siya.

Narinig ko ang pag-meow ng pusa kaya nilinga ko ang paligid ko pero hindi ko siya makita kaya nagpatuloy ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa nakarating ako sa pinakadulo ng park at may malaking puno doon.

"Meow. . ."

"Willow!" ini-angat ko ang aking pangingin at nakita ko si Willow nasa taas ng puno."Come down here!" tawag ko sa kanya pero nag-meow lang uli siya kaya inakyat ko siya.

"Ikaw talaga kung saan-saan ka nakakaabot!" Pagkausap ko sa pusa ko para namang nakakaintindi siya dahil kiniskis niya ang katawan niya sa kamay ko. Hinawakan ko na siya, baba na sana kami ni Willow pero pagtingin ko sa baba ay may nakita akong babaeng nakaupo sa likuran ng puno naririnig ko ang pag-iyak niya.

Ang dapat na pagbaba ay pinagpaliban ko na muna tila kasi pinipiga ang puso ko dahil sa pag-iyak niya. I don't understand why.

Kumawala si Willow sa pagkakahawak ko at tumalon pababa ng puno.

𝐃𝐑𝐎𝐖𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐈𝐍 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon