Kabanata 3

1K 24 1
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Inaasahan ko na rin ito. Pagmulat pa lamang ng mga mata ko ay sinalubong ako ng matinding kirot sa puso. Kirot na lagi kong nararamdaman... na nakasanayan ko nang maramdaman. Kasabay nang pagtulo ng aking mga luha ay ang mahigpit kong pagyakap sa aking unan. Mariing kinagat ang labi upang pigilan ang hikbing gustong kumawala.

Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabi ni Ghon kahapon. Kahit anong pilit kong kalimutan lahat ayaw ng utak ko. Sa bawat pagkalma ko iyon ang pumapasok sa isip ko. Parang isa iyong sirang plaka na siyang naging dahilan para lalo akong saktan ng sobra. Bakit gano'n no? Ginusto ko lang naman na maging masaya, ang makasama ang taong minahal ko at mamahalin ako ng higit pa pero habang pilit kong tinutupad iyon lalong humihirap ang lahat.

Hindi pala madaling mangyari ang gusto.  Kasi habang pilit mo iyong mangyari ay siya  namang sakit ang gustong ipalalasap sa'yo. Napakadaya. Hindi naman ako humangad nang sobra. Sa katunayan simpleng kasiyahan kasama ang taong mahal ko ang tanging hangad ko lang. Hindi naman sobra ang bagay na iyon hindi ba? Madali at hindi komplekado.

Pinilit kong bumangon at pumasok sa maliit na banyo, inayos ang sarili ko. Tulog pa si Aling Nina at Grace nang lumabas ako ng kwarto. Sarado ang buong bahayan kaya nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng agahan. Ayoko namang maging pabigat sa kanila. Nakitira na nga lang ako dito.

“Rain hija? Aba'y bata ka, baka kung mapaano ka riyan. Ako na ang tatapos niyan.” Hindi ko maiwasang magulat nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Si Aling Nina.

Agad akong umiling at nilayo ang sandok nang akma nitong kukuin iyon sa akin. “Aling Nina, it's okay po. Ito na nga lang po ang nagagawa ko sa lahat ng ginawa niyong kabutihan para sa ‘kin. Pagbigyan niyo na po ako.” Ngumuso ako nang umiling siya. “Please? Just now?”

Napangiti ako nang makitang dahan-dahan siyang tumango, kahit napipilitan lang. Ayaw kasi talaga niya akong pinapagalaw masyado. Nang matapos kong magluto ay ginising na nito ang anak.

“Sa tabing dagat lang po ako, Aling Nina,” paalam ko.

Tinitigan niya ako. Sa nakikita kong ekpresiyon nang kanyang itsura niya ay mukhang batid ko na agad ang sasabihin niya. Napag-usapan na rin naman namin ito kahapon kaya paniguradong hindi siya papayag. Nakakatuwa lang dahil talagang nag-aalala sila sa anak ko. When I come with her here in Palawan, I didn't expected anything from her. That's why I felt to happy everytime she take care of me.

“Isama mo si Grace.” At hindi siya papayag kung wala akong kasama. Ayaw lamang niyang mangyari ulit ang nangyari kahapon.

“Hindi na po. Hindi naman po ako magtatagal doon. Saka may pasok po si Grace ngayon.” Iling ko at bumuntonghininga. Ayaw pa rin sana niyang pumayag ngunit wala rin naman itong magagawa. Gayong may pasok si Grace ay busy din ito mamaya sa maliit nitong tindahan sa palengke.

Nalaman ko lamang iyon kay Grace kahapon nang maiwan kaming dalawa. Pupunta ako roon mamaya upang tumulong kay Aling Nina. Araw ng pagtitinda mamaya, paniguradong maraming mamimili ang tutungo sa palengke.

Habang naglalakad sa tabing dagat ay sinubukan kong mag-isip nang pwedeng gawin upang makausap muli si Ghon. Gusto ko lang na malaman ang lahat. Dalawang buwan ang nakakalipas nang ipakilala ni Lore si Ghon sa mga tao na asawa nito, possible kayang siya ang nakakakita kay Ghon at nag-alaga rito? Did she asked Ghon to be his husband? Upang makapagbayad ng utang na loob ay baka pumayag si Ghon sa gusto nito?

Hindi ko maiwasang matigilan sa aking naisip. Possible bang iyon nga? Ngunit paanong maipaliliwanag ang mga kilos ni Ghon sa dalaga? Hindi iyon gawain ng pagpapanggap o ano. I saw how genuine his moves towards her.

What if I'm just wrong about him? Paano kung hindi talaga siya si Ghon? Pero wala naman itong kakambal. Napalabi ako nang may maalalang sinabi ni Wize noon patungkol sa mga taong may mga kamukha.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon