Kabanata 9

1K 25 0
                                    

Bitbit ang mangkok na may laman na paborito sinigang ni Ghon ay nagtungo ako sa bahay nila. Sabado ngayon kaya alam kong nasa bahay lang siya.

Hindi ko maiwasang mapailing dahil ginagawa ko ngayon. Magpapakatanga na naman kasi ako. Nasa punto na ulit ako ng buhay ko na kailangan ko ulit na ipilit at ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya.

At sa huli ay iiyak na naman dahil nasasaktan.

Pinili kong kalimutan ang ginawa ni Ghon kahapon. Dahil iyon lang ang tanging magagawa ko sa ngayon para magpatuloy sa katangahan ko. Lagi namang ganito. Wala naman na sigurong bago. Sana lang ay huwag niya akong bigyan ng dahilan para tumigil at sumuko.

Habang naglalakad patungo sa kanila ay unti-unting nangunot ang noo ko hanggang sa nakita ko siya sa labas ng bahay nila na nagsisibak ng kahoy.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng labi ko. Hindi ako makapaniwala na gumagawa siya ng bagay na iyon.

Wala si Lore. Ang sabi ni Aling Nina ay bumalik na ito kanina sa Manila. Nang tinanong ko kung kailan babalik ay wala itong sinagot ibig sabihin ay hindi nito alam kung kailan ang balik ng babae dito. Wala din naman akong pake sa kanya. Ang mahalaga lang ay mabawi ko ang asawa ko.

“Ghon? What are you doing?”

Dali-dali akong pumasok sa gate nila at nilagay ang mangkok sa upuan saka ako lumapit sa kanya. Umiling ako at pinigilan siya.

“Bitawan mo iyan, please.” Hindi ako sanay na nakikita siyang gumagawa no'n. Never in my life na makikita siya sa ganoong lagay.

Mukhang nabigla siya sa pagsulpot ko. Titig na titig siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwalang naroon ako sa harap niya. Hanggang sa nangunot ang kanyang noo at ang mga mata ay bumaba sa aking mukha, sa aking pisngi natuon ang kanyang paningin.

Nang tumaas ang kanyang kamay ay takot na napahakhang ako paatras. Sasaktan ba niya ulit ako? Nakita niya siguro ang takot sa aking mukha kaya bumuntonghininga siya at binaba lamang ang kamay.

Naglakad siya patungo sa puno at doon nilapag ang palakol na hawak niya. “Why are you here again?”

“Ayaw mo ba akong narito?” mahinang wika ko na kinatingin niya sa akin.

Malamig at walang emosiyon na ang kanyang mukha. “You should leave now, at mas mabuting tigilan mo na ako. Ayokong mag-away na naman kami ni Lore dahil sa'yo. At baka hindi ko rin mapigilan ang sarili kong saktan ka ulit katulad kahapon. I don't like to see Lore's crying again, Rain. So, please lumayo kana sa amin.”

Hindi na niya ako tiningnan pang muli sa huling sandali bago niya ako tinalikuran at naglakad papasok sa tingin ko ay kusina nila. 

Napahinga ako ng malalim at yumuko. Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi niya ako mapapasuko doon.

Kung akala niya ay susuko na ako ay nagkakamali siya. Hangga't hindi pa niya maalala ang tungkol sa amin, hindi ko siya susukuan.

Sumunod ako sa kanya nang makuha ko ang mangkok. Nakita ko siyang naghihiwa nang gulay kaya nilapag ko ang mangkok sa mesa nila.

“I cooked sinigang for you honey... it's your  favorite.” Ngumiti pa ako sa kanya ngunit sinulyapan lang niya ako.

“Salamat, kaya pwede ka ng umalis. Ibabalik ko na lang ang lalagyan mamaya.”

Umiling ako sa kanya at naupo sa upuan. Dahil konektado ang kusina at salas nila ay malaya kong nakikita ang mga litrato nila na nakakabit sa dingding. Hindi man iyon marami pero nakaramdam ako ng bahagyang kirot. Umiwas na lamang ako ng tingin doon.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon