Hilam ng luha ang aking mga mata nang yakapin ako ni Aling Nina pagkatapos kong sabihin iyon sa kanila. Yakap na may pag-uunawa at kailangang-kailangan ko sa oras na iyon. Yakap na siyang naging dahilan upang mapakalma ako ng bahagya.
Grace wiped my tears and tried to give me a wry smile. Ngunit hindi ko nagawang sagutin iyon ng isang ngiti rin. Dahil sa sitwasyon ko ngayon mukhang impossibleng magawa ko pa iyon. Muling nag-replay sa utak ko ang nangyari kanina. Buong-buo, bawat detalye ay malinaw sa alaala ko.
Kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang tanggapin ang lahat. Hindi ko kayang tanggapin na makikita ko siyang may ibang kayakap. Dalawang buwan lang akong nahuli ngunit may kapalit agad ako. Dalawang buwan kong tiniis ang sakit at paghihirap nang pagkawala niya tapos ito lang pala ang madadatnan ko. Winasak niya ako sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya.
Hindi ko hangad na masaktan ng ganito. Pinilit ko namang maging okay sa kabila ng lahat ngunit lahat humatong sa hindi ko naman inaasahan. Pinili niyang maghanap ng iba at magpanggap na hindi ako kilala.
“Nakita ko na siya pero bakit imbis na saya ang maramdaman ko, lalo lang akong nawawasak nang dahil sa kanya?”
I was dying and hurting inside from the pain that only me could understand. It was unbearable for me but I was trying. All I want is to be with him again, pero bakit hindi madaling mangyari iyon. Saya ang gusto kong maramdaman pero sakit ang ibinigay niya.
“A-Ayokong tanggapin ang nakita ko. Sa lahat nang nangyari sa buhay ko itong sakit ang ayokong paulit-ulit na mararamdaman ko. Dalawang buwan kong tiniis ang lahat, hindi ko kakayanin pa kung hahantong lang sa ganito ang lahat.” Paulit-ulit akong napailing dahil sa pagkawalan ng pag-asa at pagkadismaya. But then I remembered all our memories together. How we fight to get each other. How we shared our love together. How his concern, sweet gesture, effort and love weakend me. The way he spoiled me by his love.
Gusto kong isipin na hindi totoo iyong nakita ko. Na baka nagha-hallucinate lang ako at si Ghon ang nakikita ko sa ibang lalaking nasasalamuha ko. Simula noong mawala siya gano'n lagi ang nangyari sa akin. Kapag may lalaki akong nakikita na may hawig kay Ghon ay doon nagsisimula ang pag-ha-hallucinate ko. Kahit si Wize napagkamalan kong si Ghon.
“Gusto ko siyang makita ulit pero sa kabila ng kagustuhan kong makita siya ay ang takot na nararamdaman ko sa maaaring malaman pa," I whispered while sobbing and I know they heard it.
Ang buntonghininga at pagsinghap ni Aling Nina at ni Grace ang tanging narinig ko. Nang akma akong magsasalita muli ay bumukas ang pinto. Kasabay kong bumaling doon ang dalawang kasama ko.
Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang taong pumasok. Seryoso ang kanyang mukha habang papasok sa kwarto. Pinagmasdan ko siya nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Mula sa pangahan nitong mukha. Sa matangos niyang ilong. Sa makakapal nitong kilay na bahagyang nakasalubong at mga mata niyong kulay asul na tila dinadala ako sa ibang dimensiyon. Ang mapupulang labi niya na lagi kong hinahanap-hanap noon.
I stopped my sobbed. I blinked my eyes to suppress my tears from coming out again. Hinawakan ko ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay sumasakit iyon. I tried to breathe in and out to calm myself, but I lost.
“Ghon honey...”
Nakatuon lang sa akin ang paningin niya. Habang nakatingin sa mga mata niya ay nakikita ko ang kawalan ng emosiyon at interest doon na para bang walang kahala-halaga ang kaharap niya.
“How are you?” Ghon asked huskily while looking at me. Dahan-dahang kumunot ang noo niya sa hindi malamang kadahilanan. Nasasaktan akong makita ang inis sa mukha niya na para bang gusto na niyang umalis doon at parang napipilitin lang talaga siyang pumunta doon.
BINABASA MO ANG
Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]
Ficción GeneralWIFE SERIES UNDER PAPERINK IMPRINTS Rainnance Verdadero & Ghon Angeles