Hindi ko mapigilang mapahagikhik nang ibigay sa akin ni Ghon ang mga supot na puno ng mga manga at pinya. Napalabing sumunod ako sa kanya pagkatapos. Tulad kanina ay halos pagtinginan kami ng mga tao. Doon muli ako tumambay sa upuang nasa tapat ng classroom niya. Mabuti na lang at pinabalatan niya kanina ang dalawang manga at iyon ang kinain ko habang nakatitig sa kanya.
"May relasiyon ba kayo ng asawa ni Lore?" May lumapit sa aking ginang kaya napatingin ako dito.
"He's not Lore's husband!" asik ko na kinakunot ng noo nito.
Hindi siya nagsalita at bahagyang lumayo. Napanguso pa ako nang marinig ang sinabi nito sa babaeng kasama nito.
"Ikaw na makipag-usap doon. Englishera, eh."
Ngunit umiling lamang ang babaeng kausap nito. Pinili na lamang nilang manatili sa tabi at sumulyap-sulyap sa akin saka magbulong-bulungan. Bumuntonghininga ako at nawalan na ng gana. Nakita kong pasulyap-sulyap sa akin si Ghon ngunit hindi na ako nagtaas ng tingin sa kanya.
Nangunot ang noo ko. Sa dalawang buwang pagkawala ni Ghon ay mukhang kilalang-kilala na ito sa Palawan bilang asawa ni Lore. Iyon ang hindi ko matanggap. Wala bang nanonood ng telebesiyon o kahit diyaryo man dito? Sa pagkakatanda ko ay kalat na kalat ang mukha ni Ghon sa buong social media, telebesiyon o kahit sa mga diyaryo. May binigay na pabuya ang siyang makakakita dito. Ngunit paanong walang nakakaalam sa Palawan ang tungkol doon? Parang may mali talaga.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Nagulat na lamang ako nang maramdaman ang presinsiya ni Ghon sa harap ko. Kunot ang kanyang noo at nakapaskil ang inis sa kanyang mukha. Nanlaki ang aking mga mata saka napatayo. Mukhang kanina pa siya roon, basi sa kanyang ekpresiyon.
"Sorry, hindi ko napansin na-"
"Because you are in the depth thought. I saw one of the parent approaching you lately, what did she said? After she leave napansin ko ang pagkatulala mo. May sinabi ba sila?" Sumulyap ito sa mga ginang na lumapit sa akin kanina. Nakaalalay ang mga ito sa kanilang mga anak habang naglalakad palabas ng gate.
Napailing ako at bahagyang sumaya. Dahil kahit na nagtuturo siya sa kanyang estudyante ay nasa akin ang kanyang atensiyon. Tinitigan ko siya. Unti-unti mo na bang naaalala, Ghon? Umaasa ako na sana kahit paunti-unti ay may naalala siya. Gusto ko sanang itanong iyon ngunit may tumakbong mga bata patungo sa puwesto namin. Tumingala ang mga ito kay Ghon.
"Sir, uuwi na po kayo?" Isang batang babae ang nagtanong. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang kislap sa kanilang mga mata.
"Oo. Wala ba ulit ang magulang niyo? Sige at ako ang maghahatid sa inyo." Tumango si Ghon at tumingin sa akin. Maliit akong ngumiti sa kanya at kinuha ang plastic na may lamang pinya at mangga. Pinakilala ako ni Ghon sa kanila. Mabilis naman nila akong nakagaanan ng loob. Halos sa akin na nga sila dumikit.
Habang naglalakad ay dumadaldal ang mga bata. Hindi ko napigilang matawa sa kwento nila. Ramdam ko ang titig ni Ghon ngunit isiniwalang bahala ko muna iyon at itinuon na lamang ang pansin sa mga bata. Isa-isa namin silang hinatid sa kanilang mga tahanan. Nagpasalamat ang mga magulang nila pero ramdam ko ang kakaibang titig nila, may panunuri, pagdududa at pag-aakusa. Alam kong para sa akin iyon. Humugot ako ng malalim na hininga at hinaplos ang aking tiyan.
"Are you okay?" he asked when he noticed that I'm caressing my tummy. "Masakit ang tiyan mo?"
Nang makita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha ay napangiti ako. "Ayos lang. Uwi na tayo." Roon ko lang naramdaman ang pagod pero kahit papaano ay masaya naman ako.
Inalalayan niya ako sa paglalakad ngunit nang tumunog ang kanyang cellphone ay bahagya siyang lumayo. Nakita kong si Lore ang tumawag. Naramdaman ko muli ang kirot sa puso ko. Gusto kong magreklamo nang bitawan niya ako para makausap ng solo ang kanyang babae. Habang nakatingin sa asawa ko ay doon ko nakita ang masaya niyang mukha habang kausap ito. Nang magtagpo ang mga tingin namin ay bahagya siyang natigilan. Tumango ako sa kanya at pilit na ngumiti. Tumalikod at naglakad papalayo dito. Masyado akong pagod ngayon para dagdagan iyon.
Hindi ko naman siya minamadali na alalahanin ang nakaraan niya. Paunti-untiin ko lang para kahit papaano ay matanggap niya. Alam kong mahal talaga niya si Lore, nakikita ko iyon sa kanya. Kaya hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nakaalala na siya. Will he still choose to be with Lore when that time comes? Will he still choose her than us, kami ng anak niya? Marahan kong pinunasan ang luha na sunod-sunod na tumulo sa aking mukha.
I expect na susundan niya ako pero nakarating na ako sa bahay nina Aling Nina ay hindi ko siya naramdaman. Lalo akong nasaktan. Wala na ba talaga siyang pakialam sa amin ng anak niya? Ayokong mag-isip ng kahit ano na siyang makakasira ng tiwala ko sa kanya. Sa lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin, naroon pa rin ang tiwala ko sa kanya.
Nakatulala akong nakatitig sa kisame nang may kumatok. Doon natuon ang paningin ko hanggang sa bumangon ako at binuksan iyon. Tumambad sa akin si Aling Nina na may pag-alala ang mukha.
"Ayos ka lang, hija? Kanina ka pang wala sa sarili, nag-aalala ako baka may mangyari sa inyo. Alam mo namang masilan ang pagbubuntis mo, hindi ka pwedeng ma-stress ng sobra." Hinaplos niya ang buhok ko ng may pag-iingat dahilan para sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.
Niyakap niya ako, pinatahan at pinakalma sa paraang alam niya ngunit hindi no'n nagawang patigilan ako sa pag-iyak. Iyon na lang ang magagawa ko palagi. Ang iiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman.
"N-Nagsisimula pa lang po ako pero bakit sobrang nahihirapan na ako? Napapagod na akong paulit-ulit na sabihin sa sarili ko na kaya ko pa, na kailangan kong lumaban para sa kanya. Lagi na lang po ba ako ang iintindi sa lahat ng ito? Kahit wasak na wasak na rin ako ay pilit kong binubuo iyon para sa kanya. Pero hanggang kailan, Aling Nina? Hanggang kailan ako magdudusa?" Para akong batang nagsusumbong sa kanya. Nanghina ako kaya dinala niya ako sa kama. Nakasiksik ako sa leeg niya at doon humagulhol. Hanggang sa natulog ako habang yakap siya.
Mugto ang mga mata ko nang magising kinabukasan. Ramdam ko pa ang panghihina kaya nanatili ako sa kama. Masama din ang pakiramdam ko. Binalot ko ang sarili sa kumot dahil sa lamig na naramdaman ko na halos manginig na ang katawan ko.
"Ate Rain?" It was Grace. Siguro ay tinatawag niya ako para sa agahan. Binuka ko ang bibig para sana sabihing mauna na sila ngunit walang boses na lumabas sa bibig ko. I tried it once again ngunit gano'n lang ang nangyari. Kaya laking pasalamat ko nang umikot ang seradura at bumukas ang pinto. "Ate Rain, kakain na po."
Umiling ako at halos pumikit na rin ang mata. Nakita ko ang pag-alala sa kanya nang lumapit sa akin . I can't uttered a word kaya hindi ko masabing masama ang pakiramdam ko.
"Namumutla ka po." Dinampi niya ang likod ng kamay niya sa leeg ko. Nabigla siya, lalong bumalatay ang pag-alala sa kanya. "Ang init-init niyo po. Tatawagin ko si Nanay." Lumabas siya at tinawag nga si Aling Nina.
Inasikaso nila akong dalawa. Pinaliban nito sandali si Grace sa klase kahit naman umiling ako. Si Grace ang nagbabantay sa akin habang wala si Aling Nina. Bumili ito ng gamot para sa akin. Pinikit ko ang mga mata saka sinubukang matulog muli. Dalawang kumot na ang gamit ko ngunit pakiramdam ko ay kulang pa iyon. Nanginginig pa rin ako sa lamig. Nang may kumatok ay mabilis na lumabas si Grace para buksan iyon. Si Aling Nina na yata iyon. Nakarinig ako nang nag-uusap na kinakunot ng noo ko. Naramdaman kong may pumasok sa kwartong tinutuluyan ko. Inakala kong si Grace iyon kaya hindi ko na iminulat ang mga mata.
Naramdaman ko ang paglapit niya at paglubog ng kamang hinihigaan ko. Natigilan ako nang may humaplos sa noo ko. Nag-react agad ang puso dahil doon.
Ghon.
I slowly opened my eyes and looked at him. Mariin ang titig niya ngunit may kung anong dumaang emosiyon sa mukha niya nang natitigan ako.
"You sick." It's not even a question. "Are you okay? Bakit bigla kang nagkasakit? I'll bring you to the hospital." Mabilis akong umiling sa huling sinabi niya ngunit iyon naman ang naging dahilan para lalong mahilo ako.
Hindi siya nagsalita pero ang kamay niya ay patuloy sa paghaplos sa mukha ko. I close my eyes again. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbaba ng kamay niya sa tiyan ko. Kahit may kumot ay ramdam ko iyon.
"Ayos lang ba si baby?" his voice was gentle and his hand still caressing it.
Napasinghot ako. Tumango at tumagilid ng higa. Naramdaman kong lumipat siya ng upo sa bandang ulo ko. Bahagya niya akong nilapit sa kanya. Nang haplusin niya ang buhok ko ay nakaramdam ako ng ginhawa.
"Sleep, honey. Babantayan ko kayo." Para akong dinala sa alapaap dahil sa narinig. May tumulong luha sa mga mata ko nang hawakan niya ang braso ko ay pinayakap ako sa baywang niya.
Asawa ko.
BINABASA MO ANG
Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]
General FictionWIFE SERIES UNDER PAPERINK IMPRINTS Rainnance Verdadero & Ghon Angeles