"Rain, are you okay?" nag-aalalang lumapit sa akin si Ghon saka ako hinawakan sa braso.
"Tame, umalis ka diyan!" Pilit siyang hinihila ni Lore palayo ngunit wala doon ang atensiyon ko. Hindi ko sila magawang tingnan man lang.
I tried to stand up at nagawa ko iyon sa tulong ni Ghon. Ngumiwi ako nang maramdaman ang pagsakit ng tiyan ko. Hinimas ko ito ng bahagya ngunit lalo lang sumakit ito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ghon.
"What happened? May masakit ba?" he worriedly asked nang makita ang bahagyang pagngiwi ko.
Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumama ang likuran ko sa pader dahil sa pagtulak muli ni Lore sa akin. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin dito. Kahit si Ghon ay natigilan nang makita akong tumama sa pader. Masyadong malakas ang impact na sa akin no'n. Ramdam ko ang pananakit ng likod at ng tiyan ko.
Dahan-dahan akong napaupo. Impit ang mga ungol ko habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Lalong dumoble ang naramdaman kong sakit kanina. Ang papalit-palit na sakit sa aking tiyan, balakang at gitnang bahagi ay hindi ko halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdulot ng pawis sa aking katawan.
I cried, my tears start to flow in my eyes but the continuous pain that I was feeling was inevitable. Parang binibiyak ang katawan ko lalo na sa bahagi ng aking kaselanan.
Nang maramdaman ko ang pag-agos ng kung ano mula sa akin ay agad akong kinabahan. This couldn't be. Napatingin ako sa gitnang bahagi ng katawan ko. Namulagat ako ng makita ang dugo doon. Nakikita ko iyon dahil sa puting bestida na suot ko.
"N-No, no...my b-baby." Hinawakan ko ang tiyan ko at paulit-ulit na hinimas iyon. "G-Ghon, ang baby ko... ang baby natin!"
Parang doon pa lang siya natauhan. Dali-dali niya akong binuhat, ramdam ko pa ang panginginig niya. Nang pigilan ni Lore si Ghon ay hindi ko napigilang magulat nang itulak siya ni Ghon.
"Humanda ka sa akin kapag may mangyaring masama sa anak ko," matigas at malamig niyang wika bago may pagmamadaling lumabas ng bahay.
Dinala niya ako sa isang bahay, sinigaw ang isang pangalan na hindi ko maintindihan dahil sa pagsidhi ng sakit. I cried more, I cried in so much pain. And I plead Ghon to save our child.
Halos hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Hanggang sa nakita ko ang pagtakbo ni Aling Nina patungo sa amin at may kasama itong pamilyar na lalaki sa likuran nito. Then I don't know what happened next. Dahil sa sobrang sakit na naramdaman ay pumikit na ang mga mata ko.
I just heard their voices. I heard their plead telling me that I'll open my eyes. Gusto kong magmulat ngunit hindi ko magawa. Gawa na din siguro ng pagod ay tuluyan na akong nahimatay.
Nagising na lang akong naroon na sa hospital. I slowly open my eyes and the lights from ceiling welcome my sight. Una kong naisip ang anak ko. Hindi ko alam pero agad akong napahawak sa tiyan ko. My forehead furrowed when I didn't feel my womb. Flat na ang tiyan ko. Doon ako nakaramdam ng kaba.
"A-Ang baby ko?" Umiling-iling ako at sinubukan makaupo.
Ngunit nang subukan ko pa lang ay bumukas na ang pinto. Sabay na pumasok doon si Aling Nina, Ghon at... Wize? What is he doing here? Did he find me? But that's not important now.
Nang makita nila akong gising ay mabilis silang lumapit. Doon ko napansin ang pamamaga ng mata ni Ghon, ang malungkot na itsura nina Aling Nina at Wize. Lalo akong nakaramdam ng kaba. Kakaibang kaba na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman. Kahit nang mawala si Ghon at inisip ng iba ay wala na ito. I never feel something like this.
Itong kaba na pakiramdam ko ay sisira sa lahat ng pagtitiis ko. Kabang nanaisin ng lahat na hindi maramdaman pa. Kabang may hatid na sakit at lungkot. Why do I feel like I am not complete? Bakit pakiramdam ko may kulang sa akin? Parang may mawala.
BINABASA MO ANG
Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]
Narrativa generaleWIFE SERIES UNDER PAPERINK IMPRINTS Rainnance Verdadero & Ghon Angeles