Kabanata 18

1.8K 25 2
                                    

Buong araw wala si Ghon at Luna nang araw na iyon kaya wala akong ginawa buong araw kundi ang manood ng telebesiyon at gumawa ng kung ano-anong pwedeng gawin. Hindi ko alam kung kumain na ba sila dahil wala namang dinalang pagkain si Ghon nang umalis sila. Alam kong nasa Isla lang sila but still I'm so worried to Luna. Baka kung ano-anong ginawa ni Ghon at mapahamak ang bata.

Inis akong kumagat sa banana chips na ginawa ko kanina kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto. Agad akong napatingin doon. Napatayo pa ako nang makita si Luna na tumatakbo patungo sa akin.

“Mommy, we're home.” Niyakap niya ako kaya niyuko ko siya. Sinamaan ko pa ng tingin si Ghon.

“Saan ba kayo pumunta? Papagabi na ngayon   lang kayo. Kumain na ba kayo? Saan kayo kumuha? Wala kayong dalang pagkain kanina saan—”

“Honey, calm down. Bago ka pa nagising kanina ay inayos ko na ang pagkain namin,” natatawang umiling si Ghon saka inaya si Luna para paliguan ito. Agad naman na sumama si Luna sa kanya na kinasimangot ko.

Napapalapit na yata ang loob ni Luna kay Ghon. Ni hindi ko na nga siya nakakausap ngayong araw ng matagal dahil buong araw silang magkasama. Hanggang sa pag-uwi magkasama pa rin silang dalawa? Mukhang inaagaw na yata ni Ghon ang atensiyon ni Luna. Salubong ang kilay na sinundan ko sila.

“Ako na diyan. Alis!” Tinulak ko si Ghon palabas ng banyo at ako na ang nagpaligo kay Luna.

“Mommy, aalis us ulit bukas po,” biglang nagsalita si Luna kaya napatingin ako sa kanya.

“What? Why? Iiwan niyo ulit ako dito? I want to come with you! Ano bang ginagawa niyo doon?” naiinis na wika ko. “Inaagaw na ng lalaking iyon ang atensiyon mo! Dapat sa akin ka lang Luna dahil ako ang Mommy mo!”

Tumawa siya kaya lalo pa akong nainis. “We will stay here, Mom. Dad said you're not allowed to go there.” Pagkatapos ko siyang lagyan ng roba ay naglakad ito palabas na sinalubong naman ni Ghon habang bitbit ang damit pantulog ng bata.

Nakita ko pa ang pagbulungan ng dalawa. Masama ang loob na lumabas ako ng kwarto. Hinayaan ko na lamang sila doon. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng makakain. Mabuti na lang at nakita ko ang chocolate doon. Masama ang loob ko kaya kailangan kong kumain.

Buong gabi kong hindi pinansin si Ghon. Dahil iisang kwarto lang ang meron dito ay tabi kaming tatlo sa kama. Nasa gitna namin ni Ghon si Luna. Sinubukan akong kausapin ni Ghon ngunit pinili kong magbingi-bingihan. Tanging si Luna lamang ang kinakausap ko. Hanggang sa makatulogan ko iyon. Kinaumagahan ay nagising akong wala na sila sa kama.

“Iniwan talaga nila ako dito.” Nakita kong notes sa mesa katabi ng natatakpang pagkain. Nakangusong kinain ko iyon, natigilan lamang ng may kumatok sa pinto.

Naglakad ako patungo doon at hindi ko inaasahan sa pagbukas ko ng pinto. Napahakbang ako paatras nang makita muli ang kanyang mukha.

“L-Lore...” Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang aking kamay upang protektahan ang aking tiyan. Para bang nanumbalik sa akin ang nangyari noon. Pinagpawisan ako ng sobra.

“Rain.” Nang magsalita siya ay bigla akong nanginig. Biglang nanghina ang binti ko dahil sa kaba. Lumapit siya sa akin ngunit mabilis ang ginawa kong maghakbang paatras, halos takbuhin ko na ang kwarto dahil sa takot sa kanya.

“W-What are you doing here?” hindi ko maiwasang mautal.

Bumuntonghininga siya nang makita ang naging reaksiyon ko. Kaya hindi na niya sinubukang lumapit pa. Bago pa niya mabuka ang kanyang labi ay dumating ang isang pamilyar na lalaki. Humahangos na hinawakan nito ang braso ni Lore bago siya kinakabahang tumitig sa akin.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon