Kabanata 14

2K 24 4
                                    

“Pupunta ka ulit doon?” Napalingon ako nang may isang mahinhing boses akong narinig muna sa aking likuran.

Hindi ko mapigilang mapailing nang makita ang regalo kong bunny headband sa ulo niya. She likes bunny because of her Korean boy group bias, Jeon Jungkook. Nakasuot din siya ng kulay rosas na pantulog na may disenyong mga bunny.

Nakilala ko si Jellian noong pangatlong araw  ko dito sa Italy. She become my friend almost 2 years now. Isa din siyang Filipina na nakapag-asawa ng isang franses. They're staying here with their daughter. Limang araw nang wala ang asawa niya dahil may business trip ito sa America.

“Yeah, birthday kasi ni Luna ngayon.” Pinasok ko ang mga hawak kong supot at regalo sa kotse. “Paki bantayan na lang ulit ng bahay ha, hindi naman ako magtatagal doon.”

Nakangiting tumango siya at kumaway sa akin. Binagtas ko ang daan patungo sa bahay-ampunan na may kalayuan sa bahay ko. Every weekends ay nandoon ako sa mga bata para magbigay saya sa kanila.

Nang marating ay agad kong nakita si Luna sa labas kasama ang isang kaibigan nito. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mamutawi sa labi niya ang masayang ngiti nang makita ang kotse kong tumigil sa kanilang harapan.

“Ate Rain!” she called then run towards me. Nang makalabas ng kotse ay sinalubong ko siya ng yakap.

Luna is a four years old girl who have a long ang curly hair. Maputi at matangos ang ilong. Kulay asul ang mga mata nito na mas lalo kong hinahangaan. May naaalala kasi ako sa kanya kapag nakatitig sa mga mata niya.

Sa lahat ng mga bata ay si Luna ang mas nalalapit sa loob ko. I have plan to adopt her. Nakausap ko na din naman ang namamahala sa ampunan. Masaya sila para kay Luna.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang plano kong pag-ampon sa kanya. Inaayos ko pa kasi ang kanyang papeles. Siguro sa susunod na linggo ay pwede ko na siyang makuha.

I spent my day with her. We cook for Luna's birthday and celebrate it with the childrens. Nakikita ko talaga ang saya ni Luna. Iyon ang unang beses siyang tumawa ng malakas. Simula kasi nang iwan siya dito ng magulang niya ay hindi na ito tumatawa ng ganoon, laging nasa gilid at umiiyak. Ako lang ang tanging kinakausap nito maliban kay Sister Marie.

“Masaya ka ba?” Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok. Hapon na at naroon lang kami sa isang bleacher. Mayamaya ay uuwi na din ako.

“Opo. Thank you so much, Ate!” Naroon pa rin ang ningning sa kanyang mga mata.

Ngumiti ako. Masaya akong makita siyang masaya. Nagtagal kami doon hanggang sa magpaalam na ako sa kanya. Nakita ko ang pamumuo nang luha sa kanyang mga mata nang paandaarin ko ang aking sasakyan.

Pagdating sa bahay ay may nadatna muli akong isang kahon, nasa taas nito ang paborito kong tulips. Lagi akong nakakatanggap no'n. Wala yatang araw na hindi ako makakatanggap no'n. It's creepy pero patagal nang patagal ay nasasanay ako.

I investigate about the person behind it pero wala akong nakukuhang sagot sa investigator ko. Kung hindi bigo, bigla na lang silang hindi nagpapakita sa akin. Kahit ang private investigator ni Daddy ay wala akong napala. Kaya hinayaan ko na. Wala naman itong ginagawang masama, talagang ang pagbigay lang ng bulaklak at regalo ang pakay nito. Sa tingin ko naman ay isa lang ito sa mga suitors ko.

Dinala ko ito sa loob ng bahay. Akma ko iyong bubuksan nang tumunog ang aking cellphone. Nangunot ang aking noo nang makita ang pangalan ni Mommy.

I answered it. “Mom?”

“Rainnance anak...” Lalo akong nagtaka nang marinig ang paghikbi nito. Nakaramdam ako ng kaba.

“Mom, may problema po ba?”

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon