Kabanata 4

930 29 3
                                    

Hindi ko nagawang magsalita nang pagsabihan ako ni Aling Nina. Halos ayaw kong lubayan ng tingin si Ghon na hindi umalis pagkatapos akong ibuko kay Aling Nina. Mahigpit kong hinawakan ang isang piraso ng sitaw na nakalagay sa gilid ko. Panandalian umalis si Aling Nina upang kumuha ng tanghalia namin. Sa inis ko kay Ghon ay hinampas ko sa kanya ang sitaw na iyon. Mukhang nagulat din siya.

“Umalis ka dito,” may diin na wika ko. Huwag niya akong inisin gayong mainit pa ang ulo ko sa kanya.

“That's hurt, miss.” Nakangiwi na siya ngayon sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya  samantalang noong isang araw ay halos ayaw niyang magtagal doon sa hospital, atat na atat na umuwi na sa sinasabi nitong asawa nito. Mariin kong pinikit ang mga mata at tumayo sa kinauupuan. Akma akong aalis nang hawakan ni Ghon ang aking kamay na naging sanhi upang mapakislop ako. Dumaloy sa buong katawan ko ang boltaheng nanggaling dito. Lalo tuloy akong nainis.

“Saan ka pupunta? Ang sabi ni Aling Nina ay huwang kang aalis dito.”

Kinunutan ko siya ng noo. “Pupunta ako ng banyo, bakit sasama ka? Pwede ba Ghon—�” Pinutol niya ang sasabihin ko kaya naitikom ko ang bibig ko. Sinamaan siya ng tingin.

“Tame. Tame ang pangalan ko. I don't want to heard that name.”

Sa sobrang inis na naramdaman ko ay winaksi ko ang kamay niya at naglakad patungo sa kung saan. Hawak ang may kalakihang tiyan nang lumapit ako sa isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din naman ang ginawa niya.

“Hi, pwede bang magtanong kung nasaan ang banyo dito?”

Nakangiting bumaba ang paningin niya sa akin tiyan bago tumango. “Sasamahan na lang kita.”

“Hindi ba nakakaistorbo sa'yo?” Napansin kong nagtitinda din siya ng mga gulay. Nang umiling siya at sinabing hindi ay nagpasama na ako. Habang naglalakad ay bahagya ko siyang nilingon.

“Kilala mo ba si Lore?” Para malaman ang tungkol kay Ghon pa ay sisimulan ko munang magtanong-tanong sa iba. Nagbabakasaling may alam din sila. Hindi naman pwedeng itanong ko kay Lore, paano kung ayaw din niyang sabihin? Sa ginawa niyang pagkuha sa asawa ko ay pwedeng isa na sa dahilan ‘yon para magsinungaling din siya.

“Oo naman. Kaibigan ko siya. Bakit?” Ngumiti siya at inalalayan ako dahil masyadong madulas ang sahig sa parteng papasok ng banyo.

Napatingin agad ako sa kanya. “Your friend? So you know who's her husband? That Tame?”

Kunot ang noong napatingin siya sa akin. Mukhang nagtataka siya sa klase ng aking tanong. “Oo naman, miss. Karamihan dito sa
Palawan ay kilala sila.”

Dahil doon ay bigla ko siyang hinarap. Nakita ko pa ang bahagya niyang pagkagulat dahil sa biglaang pagkilos ko. I feel my heart skip a bit. Naramdaman ko ang pagbilis ng puso kasabay nang kaba at pangambang.

“Gaano mo kakilala ito? Paano siyang napadpad dito? I m-mean...” What self? Mariin kong ipinikit ang mga mata nang mautal nang bahagya. “Talaga bang asawa siya ni Lore?”

Lalong kumunot ang noo niya. Na para bang naguguluhan sa tanong ko. Kahit ako ay naguguluhan din.

“Sa totoo ay magkasama kami ni Lore nang makita si Tame sa tabing dagat. Isang linggo din ang lumipas bago ito nagising. Ngunit nang puntahan ko sila sa bahay ni Lore ay nagulat na lang akong sinabi ng kaibigan ko na asawa niya ito. Walang maalala ang lalaki, kaya sinabi niya iyon. Iilan lang kaming nakakaalam nito. Hindi din naman sekreto iyon dahil kapag may nagtatanong ay sinasabi din namin ito. Kahit si Tame ay sigurado akong alam din ang bagay na ito ngunit hindi naman umangal at nagsalita. Mukhang gusto din naman niya ang ideyang mag-asawa sila kaya iyon na ang pinalabas namin.” Kibit ang balikat na binuksan niya ang pinto saka ako muling inalalayan papasok.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon