Five Years Later

1K 25 0
                                    

Chapter 6

"Be a good girl ha," paulit-ulit na bilin ni Freya habang inaayos ang ribbon ng uniform ng kanyang anak.

Balik-eskwela na kasi ang mga bata at papasok na siya ngayon sa ikatlong baitang.

Paminsan-minsan ay hindi maiwasan ni Freya na maging emosyonal dahil ang bilis ng panahon.

Naalala niya pa na dati ay kalong-kalong niya lang si Rafa pero ngayon, Grade 3 na ito at nakikitaan niya ito ng pagiging independent lalo na pagdating sa school.

Lumaking isang napakagandang bata si Rafa. Dahil sa angking ganda nito ay maraming nagkakagusto sa kaniya sa eskwela.

Minsan na ngang nagkwento si Rafa sa kanyang ina na may batang lalaki daw na nagbigay sa kanya ng tsokolate. Kahit nababahala ay hinayaan lang ito ni Freya dahil mga bata pa lang naman sila at wala namang masama kung may magkagusto sa kanyang anak.

"Mommy, kailan pala tayo pupunta kila Tita Andriette?" tanong ni Rafa habang sinusuklay ng kanyang ina ang buhok niya.

"Sa saturday, baby. Tapos later, susunduin kita. Pupunta tayo sa mall para maghanap ng gift for Kuya Gabby," kaagad din namang kumislap ang mga mata ni Rafa bago sunod-sunod na tumango bilang sagot.

Pagkatapos nilang mag-ayos ay kaagad na rin silang umalis dahil baka mahuli pa ang bata sa unang araw ng pasok nito.

Naging mabilis lang naman ang biyahe mula sa bahay nila papunta sa school ni Rafa dahil malapit lang naman ito at walang masyadong trapik sa daan.

Tulad ng inaasahan ay maraming tao dun pa lang sa gate. Samut saring mga magulang ang nandun kasama ang kani-kanilang mga anak. Ang ibang mga bata ay nag-iiyakan at halos maging koala na dahil panay ang kapit nila sa kanilang mga magulang habang ang iba naman ay tila walang pakialam at masayang nakikipaglaro lang sa ibang mga bata.

"Are you excited, baby?" tanong ni Freya sa anak habang hawak ang kamay nito papunta sa gate ng school.

"I'm kinda nervous but I'm excited, mommy!" sambit ng bata habang nakangiti.

Tulad ng nakagawian sa ibang mga paaralan ay nag-flag ceremony muna ang mga bata at nagrecite din ng mga values bago sila pinabalik sa kanilang mga assigned classrooms.

Hindi na rin naman naghabol si Rafa sa kanyang ina kaya nang makapasok na lahat ng estudyante sa kani-kanilang mga klase ay umalis na rin si Freya papunta sa kanyang trabaho.

"Hi, kids! Welcome back to school!" masiglang bati ng guro na siyang binati rin ng mga estudyante.

"Before we start, may I introduce myself. My name is Alyssa Ramos and you can call me Teacher Aly or Ma'am Aly. I will be your adviser and your teacher in math. Again, welcome all Grade 3 learners. I hope we will all have a fun and exciting school year!" ngayon pa lang ay panatag na agad ang loob ni Rafa sa bago nitong guro dahil hindi ito katulad nung nauna na medyo may kasungitan.

All her students were eager to learn but before they opened their textbooks, they had a roll call first.

"Is Mayumi Abella present?"

"Present, ma'am!" isang batang babae ang nagtaas ng kamay at nasa likod lang ito ni Rafa.

"Okay, good. How about Reese Alexa Arellana?"

The Runaway Father✓ | Jackson Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon