Chapter 9
Freya's POV
"Babawiin ko na ang anak ko."
"Ang kapal rin ng mukha mo 'no?" mataray kong sabi. "Pagkatapos mo akong iwan habang buntis ako, babalik ka at kukunin ang anak ko?!"
"Anak natin!" pagtatama niya. "Anak ko rin 'yan, Freya."
"Wala kang anak! Kailanman ay hindi ka naging tatay dahil duwag ka! Iniwan mo ako, iniwan mo kami!"
"It's for your own sake!"
"Sake mo mukha mo! Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko!"
...
"Mommy?" dahan-dahang namulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin si Rafaelle na nakaupo lang sa gilid ng kama at nakatitig sa akin.
"Y-yes, sweetie?" tanong ko habang kinukusot ang aking mga mata.
"Are you having a bad dream, again?" he asked with full of concern.
Yes, this is not the first time.
"It's not a bad dream, baby. Don't worry, I'm fine." Nginitian ko siya at sinenyasan siyang lapitan ako.
Bumangon siya sa pagkakaupo at agad lumapit sa akin samantalang ako naman ay sinalubong siya ng mainit na yakap.
What would I do without my little pumpkin?
...
"Huy!" kaagad akong nabalik sa tamang wisyo nang ihampas ni kuya ang kamay niya sa desk ko.
"What?" lutang kong tanong habang nakatingin sa kanya.
Tinaasan niya naman ako ng kilay at sumandal sa may desk ko.
"Nyare sayo? Kanina ka pa tulala," imporma niya habang nakapamulsa.
"Napanaginipan ko ulit siya," I stated.
"Sino? 'Yung tukmol na 'yon?" I nodded. "Bakit ba worried ka masyado? He's probably a million miles away from you! Wala kang dapat alalahanin."
"Hindi tayo nakakasigurado kung nasaan siya, kuya," sabat ko. "Who knows, mamaya ay nandito na pala 'yon at pinapahanap kami. Hindi niya pwedeng kunin ang anak ko."
"Walang kukuha kay Rafa, Freya. Wag kang praning diyan. At tsaka, sa tingin mo ba ay hahayaan namin ni Kuya Jake na makuha ang pamangkin namin? Minamaliit mo yata kami," pagmamayabang niya at ngumisi.
"Kuya, hindi ako nakikipagbiruan dito."
"Hindi rin ako," kaagad sumeryoso ang kanyang mukha. "Wala na si Diego, Freya. May sariling pamilya na 'yon at malamang hindi ka na nun inaalala," grabe siya oh.
Kailangan mang-realtalk?
"Stop wasting your time thinking about that asshole and focus on your work," maawtoridad niyang sabi at umayos na ng tayo.
"Yes, sir," bulong ko habang nakayuko.
He's probably right.
BINABASA MO ANG
The Runaway Father✓ | Jackson Series #2
Ficción GeneralWaking up pregnant, Freya has to tell this shocking news to his boss slash the father of her child. But the only problem is, he is getting married to his childhood friend. COMPLETED STORY Freya Brielle Jackson works at a tech company in the US as a...