Carbon Copy

1.1K 26 0
                                    

Chapter 4

Halos hindi makafocus sa ginagawa si Diego dahil iniisip niya pa rin ang batang babaeng nakita niya kahapon.

Hindi mapagkakailang magkamukha talaga sila at kung hindi nga sila kilala ay mapaghahalataang mag-ama sila.

"Yes, sir? May I help you?" iyan agad ang bungad ng imbestigador na kinuha niya noon.

"What is her name again?" he asked feeling uneasy.

"Uhm, who?" nagtatakang tanong ng kanyang kausap.

"My daughter with Freya. I asked you to get my child's details, right? What did you get?"

"Oh. Her name is Rafaelle Juliana Dominguez, sir. As for now, that's all I got. Ms. Jackson made sure to keep her child's identity hidden."

Diego was shock, he didn't expect that his ex will let their child have his surname.

"Kahit picture?"

"I'm sorry, sir. I'm doing my best to gather up more information but as of now, pangalan niya lang ang nahanap ko."

"Okay, let me know if you find something. Thank you," without even waiting for his response, Diego already hung up the phone.

One thing is on his mind right now.

He has to find that kid.

...

"Mommy, I'm home!" masayang imporma ni Rafa sa kanyang ina nang makapasok ito sa bahay.

Ngunit kaagad din namang bumagsak ang mga balikat niya nang mapansing wala dun ang kanyang ina.

"Mommy is not yet home, sweetie," imporma sa kanya ng kanyang Tita Andriette.

Kagagaling lang nito sa school para sunduin ang panganay na anak.

"Rafa, sweetie? Naiwan mo 'yung bag mo," kaagad naagaw ang atensyon nila nang biglang sumulpot si Liza dala ang backpack ni Rafa.

"You must be Liza, 'yung kaibigan ni Freya?" tanong ni Andriette sa kanya at agad din naman siyang tumango.

"And you are?" she asked while looking at Andriette.

"Oh, I'm her sister-in-law. My name is Andriette," pakilala niya at lumapit kay Liza para makipagkamay. "Thank you for bringing my niece home. Malalate kasi ng uwi si Freya kaya hindi niya nasundo si Rafa."

"It's no problem. Nag-enjoy naman 'yung mga kids kanina." Nakangiti nitong sagot sa hipag ng kaibigan niya.

Hindi nagtagal ay umalis na rin sila dahil malapit nang maggabi at saktong dumating na rin si Jake kasama ang bunso nilang anak.

Galing rin itong daycare kanina at si Jake ang nagsundo sa kanya pero dahil ayaw pa umuwi ni Blair ay dinala muna siya ng daddy niya sa opisina.

Pasado alas-siyete na nang dumating na rin sa wakas si Freya kasama ang Kuya Trev niya.

"Hi, mommy!" masiglang bati ni Rafa sa ina na para bang hindi ito napagod kakalaro kanina.

The Runaway Father✓ | Jackson Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon