Chapter 18
Freya's POV
"Oh, ba't ang lungkot mo?" tanong ni Ate Andriette nang malapitan niya ako dito sa sofa.
"Ang hirap talagang magtago ng anak, teh," mahina akong natawa at ganun din siya. "Pero ba't ganun? Kayo, nagkaroon kayo ng pag-asa na magkabalikan? Eh kami? Suntok sa buwan lang ang pangarap kong maging kami ulit."
"Naiintindihan kita. Diba noon, si Alena 'yung kaagaw ko. Akala ko, hindi na kami magkakabalikan ng kuya mo, but look at us now," she pointed out. "Just don't lose hope, Freya. Malay mo, kayo talaga at pagsubok lang ito. Pero kung hindi man kayo, someone out there is waiting for you."
"Who would accept me? May anak na ako tapos mahal ko pa rin 'yung ama ng anak ko."
"Kung mahal mo si Diego, bakit mo siya pinagtatabuyan?" she asked.
"Talo na ako eh," paos kong sabi. "Hindi pa ako lumalaban, talo na ako," I looked at her with teary eyes.
"Paano mo naman nasabi na talo ka na? Hindi ka pa nga lumalaban eh," giit niya pa.
"Ate naman eh," ngawa ko. "May asawa't anak eh. Best friend at half-brother pa ng anak ko."
"Hay, Freya," she sighed. "Tell me honestly. What exactly is your reason, kung bakit ka pupunta ng ibang bamsa?"
Natigil ako saglit. Napasinghot pa ako habang pinupunasan ang luha ko.
"Tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay makakagawa ako ng kasalanan," panimula ko. "'Yung tipong, willing ako maging kabet, mapabalik lang sa kanya," I confessed.
Nanatiling tahimik si ate at pinagpatuloy ang pakikinig sa akin.
"Pero lagi kong naiisip 'yung anak ko. Ayokong asarin siya ng mga bata na kaedad nila na 'yung nanay niya, isang malanding kabet," I mumbled. "Kaya ako pumayag kay Kuya Trev na sumama sa kanila sa Australia para takasan 'yung nararamdaman ko para kay Diego. Gusto kong takasan siya at 'yung kasalanang muntik ko nang gawin noon."
"Mahal mo ba talaga siya?" I looked at her and stayed quiet for a few seconds.
"It's still there, 10 years later," mapait akong tumawa.
"Ten years is a long time, Freya. Kung sa tingin mo ay hindi na talaga kayang pilitin, you should move on."
"I know. Sana lang sa paglipat natin, makalimutan ko na siya," hiling ko at ngumiti naman siya at niyakap ako.
Kung noon, ako 'yung nagc-comfort sa kanya, ngayon naman ay siya na ang gumagawa nito sa akin.
Buhay nga naman...
...
"Hindi po tayo ihahatid ni daddy?" tanong ni Rafa habang sinusuot niya ang backpack niya.
"No, baby. He's busy," I answered.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung nasaan siya. Nakailang tawag at text na ako sa kanya pero kahit isa ay wala akong natanggap na reply.
Lumungkot naman ang mukha ng bata at agad itong napansin ng tito niya kaya agad niya itong nilapitan.
"Are you excited to ride an airplane, little beam?" Nakangiting tanong ni Kuya Trev sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Father✓ | Jackson Series #2
Fiksi UmumWaking up pregnant, Freya has to tell this shocking news to his boss slash the father of her child. But the only problem is, he is getting married to his childhood friend. COMPLETED STORY Freya Brielle Jackson works at a tech company in the US as a...