Chapter 7
Another day, another school.
Hindi tulad kahapon ay medyo matamlay si Rafa. Iniisip niya pa rin kasi 'yung nakita niya kahapon na literal na nagpainggit sa kanya.
She wants to experience some father-daughter moments and seeing other kids with their dads makes her very upset and lonely.
"Is there something wrong, pumpkin?" tanong ng kanyang ina habang tinatalian nito ang buhok niya.
"Nothing, mommy. I'm just still sleepy," palusot niya at mahina namang natawa ang kanyang ina.
Same routine just like yesterday, her mom drove her to the school and left her right after the flag ceremony.
Matamlay ang kilos ni Rafa papunta sa loob ng klase nila at nang makapasok niya ay agad niyang natanaw ang isang makulay na paper bag na nakapatong sa desk niya.
Nakakunot niya itong nilapitan at pagkabukas niya ng bag ay bumungad sa kanya ang iba't iba uri ng chocolates at isang maliit na teddy bear.
There is also a note inside and it says 'I'm sorry' with a sad face.
Rafa chuckled because of how cheesy it is before gazing at him.
Alam niyang sa kanya ito galing. Siya lang naman ang may kasalanan kay Rafa eh.
Abala lang si Alec sa pagbabasa ng libro sa kanyang pwesto habang iniiwasan ang mga tingin ni Rafa.
"Nandyan na si ma'am!" Sigaw ng isa sa mga kaklase nila habang tumatakbo ito pabalik sa upuan niya.
Kaagad naman tinago ni Rafa ang binigay sa kanya ni Alec sa bag nito at umupo ng maayos sa kanyang upuan at satkong dumating na rin ang kanilang guro.
Makalipas ang ilang oras at parang sa isang iglap lang ay natagpuan ni Rafa ang sarili na naglalakad patungo kay Alec dala ang binigay nito.
"Ano 'to?" kunyari'y walang pakeng tanong ni Rafa habang pinapakita kay Alec ang binigay nito.
"Apology gift," he directly answered. "I didn't mean to hurt or offend you yesterday. I'm just joking but, apparently, it's inappropriate on your side."
"It's fine. Just don't do it again," bilin ni Rafa na kaagad din namang sinang-ayunan ni Alec.
...
"Rafa, do you want to join with us?" tanong agad ni Alec bago makalabas ng silid si Rafa.
"Where?" tanong ni Rafa at isinukbit ang bag sa likod nito.
"Mall, ihahatid tayo ng driver namin dun tapos siya na rin maghahatid sa atin pauwi," paliwanag ni Alec at tumango naman ang tatlo pa niyang sasama sa kanya.
"I don't know. Baka magalit 'yung mommy ko eh."
"Diba susunduin ka naman ng tito mo? Why not ask for his permission?"
"Hmm," napaisip pa si Rafa.
Gustuhin niya man kasing sumama ay alam niyang hindi agad ang isasagot sa kanya ng kanyang ina pero kahit ganun ay sinubukan niya pa ring magpaalam sa Tito Trevor niya.
"Tawagan ko muna ang mommy mo. Mamaya, baka sakalin ako nun kapag nalamang pinayagan kita," pagbibiro ni Trev at kinakabahan namang tumawa ang bata.
She can feel her heart beating so fast while watching her uncle calling her mother.
BINABASA MO ANG
The Runaway Father✓ | Jackson Series #2
Fiksi UmumWaking up pregnant, Freya has to tell this shocking news to his boss slash the father of her child. But the only problem is, he is getting married to his childhood friend. COMPLETED STORY Freya Brielle Jackson works at a tech company in the US as a...