Chapter 1
"Pumpkin, where are you?" malakas na tawag ni Freya sa kanyang anak habang tinitignan ang bawat sulok ng bahay.
Kanina ay masaya lang itong naglalaro ng mga manika at stuff toys niya nang maisipan niyang taguan ang kanyang nanay habang abala ito sa ginagawa kanina.
Makalipas ang ilang segundong paghahanap ay nakarinig si Freya ng mga munting tawa na nagmumula sa ilalim ng mesa at nang yumuko siya para tignan iyon, kaagad ding tumambad sa kanya ang kanyang munting anghel na nakatakip ang kamay sa bibig at pinipigilang tumawa.
"I found you!" masayang sabi ni Freya habang ang anak niya naman ay bumusangot tsaka unti-unting lumabas mula sa pagkakatago.
"Mommy win again!" she frowned as her mother kissed her chubby cheeks.
"Didn't I told you not to play hide and seek here? Baka makabasag ka ng mga gamit ng lolo at lola mo. Malalagot ka sa kanila, sige ka," mahinahong sermon ni Freya sa bata para hindi naman ito matakot sa kanya.
"But, mommy! I'm bored! What time when we will be going home?" nababagot niyang tanong habang nagpapapadyak ang kanyang mga paa.
Freya just chuckled at her sweet daughter before kneeling down infront of her.
"Next week pa, baby. Don't you remember? Dito tayo matutulog with your cousins. Ayaw mo nun?" tanong nito sa kanya at hinawi paalis sa mukha ng bata ang konting hibla ng buhok nito.
"Ang tagal po nila eh!" reklamo niya naman na mas lalong ikinatawa ng kanyang ina.
Muling tumayo si Freya mula sa pagkakaluhod at dinala na muna ang bata sa sala para ipagpatuloy nito ang kamyang paglalaro habang hinihintay ang kanyang mga pinsan.
"She really got her father's attitude. Maiikli ang pasensya." Iyan ang nasa isip ni Freya habang pinagmamasdan ang kanyang anak.
Though, thinking about him again makes her want to burst in anger.
The kid's looks and some personalities reminds her of her ex, the father of her child. She inherit some of his looks. Thick eyebrows, long eyelashes, amber eyes, curly brown hair and pointed nose. The only thing she inherit from her mom are her face shape, pinky lips and some of her attitude.
Medyo pilosopo din ang bata at alam niya na agad kung kanino niya namana 'yon.
"Rafa!" parehas napalingon ang mag-ina nang biglang may matinis na boses ang umalingawngaw mula sa front door.
"Hi!" masayang bati ni Rafa sa pinsan niya at sinalubong nito ang yakap niya.
"Hi, Gabby," bati naman ni Freya sa panganay na anak ng kanyang kapatid na tuloy-tuloy lang ang lakad at hindi man lang pinansin ang kapatid at pinsan niya na nagyayakapan.
"Hi, tita," he simply said and went to sit beside her aunt while holding his ipad.
Five years old pa lang ang batang ito pero marunong nang mangsnob...
"Hi, Abi." Nakangitig bati ni Freya nang bumalik na ang magpinsan sa sala.
"Hi, tita!" masigla niyang bati at niyakap ang kanyang tita.
Pagkatapos ng mabilisang yakapan ay nagkayayaan na ang dalawa na maglaro ng mga laruan samantang si Freya naman ay nagtungo muna sa front door para salubungin ang kanyang kapatid at hipag.
Madilim na ang paligid dahil alas-siyete na ng gabi at kokonti lang ang nakabukas na ilaw sa labas.
Bago pa tuluyang makalayo sa front door si Freya ay kaagad niyang napansin na bukas ang pinto ng garahe kaya naman ay tahimik siyang sumilip dun at dun na nga niya nakita ang dalawa na gumagawa ng milagro.
Nakasandal sa pinto ng kotse ang kanyang hipag habang ang kuya niya naman ay nakayakap sa asawa niya habang hinahalikan ito na para bang hindi sila nagkita ng isang taon.
Magsasalita na sana siya para kunin ang atensyon nila nang biglang may bumusina nang pagkalakas-lakas dahilan para mapatalon ito sa gulat.
Bigla namang bumukas ang headlight ng kotseng nasa harapan lang ng garahe at lumabas mula dito ang ikalawa sa kanilang magkakapatid.
"T*ngina naman, wala talagang pinipili ha!" suway niya sa mag-asawa at medyo nilakasan ang pagsara ng pinto para matigil ang dalawa.
"Hindi ka pa nasanay," singit ni Freya at nagpakita na rin sa kanila.
"Kanina pa kayo?" nahihiyang tanong ni Andriette habang inaayos ang damit niya.
"Kakarating ko lang. Itong si Freya, malamang kanina pa 'to nakamasid sa inyo," turo niya sa kanilang bunso na agad din niyang tinanggihan.
"Hindi ah! Kakalabas ko lang kaya!" pagtutol nito pero nginisian lang siya ni Trevor tsaka pinatay ang kanyang kotse.
"Ba't hindi mo kasama babae mo?" tanong ni Jake nang makalabas na silang dalawa ng garahe.
"Wala eh. Inagaw na naman siya sa akin ng pamilya niya," reklamo niya.
"Pakasalan mo na kasi," usisa ni Frey at bahagyang siniko pa siya.
"Pft, sana ganun kadali eh 'no?" pilosopo niyang sabi at inakbayan ito.
Matapos nun ay sabay-sabay na silang pumasok ng bahay at pagkarating nila sa sala ay naabutan nila ang kanilang mga magulang na masayang nakikipaglaro sa mga bata.
"He's not stepping out of his comfort zone again." Umiiling na sabi ni Jake nang makita ang anak niyang abala sa panonood imbis na makihalubilo sa mga pinsan.
Magkakalapit lang naman ang mga edad nilang magpipinsan pero sila Blair at Rafa talaga ang mas close. Close rin naman si Rafa kay Gabby pero minsan lang 'yon kapag nasa mood si Gabby makipaglaro.
"Ang laki na ni Rafa ah. Parang dati, kalong-kalong ko pa 'yan," komento ni Trev habang nakatukod ang mga kamay niya sa sandalan ng sofa.
"Ang lakas ng dugo ni Diego ah," si Jake naman ang sumagot habang nakaakbay pa rin kay ate.
Pagkabanggit pa lang ng pangalang iyon ay tila kumulo agad ang dugo ni Freya dahilan para mawala agad siya sa mood.
"Kuya, please. Wag mo nang mabanggit-banggit ang pangalang 'yan," naiinis nitong sabi habang nakatingin pa rin sa anak niya.
"Uy, allergic!" mapang-asar na sabi ni Trev na mas lalong ikinabusangot ni Freya.
Saglit pang nag-asaran ang dalawa tulad nung dati habang ang mga magulang nila ay abalang-abala sa pakikipaglaro sa mga bata hanggang sa nagkayayaan nang kumain ng hapunan.
"Abi, don't pinch your cousin's cheek," suway ni Andriette kay Blair dahil kanina pa nito pinipisil ang matabang pisngi ni Rafa pero hindi naman ito pinapansin ng bata at patuloy lang sa pagkain.
"I'm so sorry, Freya. Pero pinanggigigilan ng anak ko si Rafa," giit pa niya pero tumawa lang ito tsaka umiling.
"Okay lang 'yon, teh. Maski ako ay hindi rin mapigilang panggigilan 'yung pisngi niya." Nakangiti niya sabi at nilingon ang bata.
Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan siya nung lalaking nakabuntis sa kanya.
Buong akala niya ay aalagaan siya nito hanggang sa dumating ang kanilang prinsesa pero hindi pa man din siya nakakapanganak at kaagad naglaho na parang bula ang kanyang minamahal.
Walang pasabi itong umalis at hindi na muling nagpakita pa. Kahit sinong tanungin niya na nakakakilala sa binata ay walang makabigay ng sagot kung nasaan ba siya hanggang sa sumuko na lang din si Freya at pilit na binabaon sa hukay ang mga alaalang iniwan sa kanya ng kanyang pinakamamahal na lalaki.
What's important to her right now is her daughter.
To be continued
BINABASA MO ANG
The Runaway Father✓ | Jackson Series #2
Ficción GeneralWaking up pregnant, Freya has to tell this shocking news to his boss slash the father of her child. But the only problem is, he is getting married to his childhood friend. COMPLETED STORY Freya Brielle Jackson works at a tech company in the US as a...