Girl Talk

831 20 0
                                    

Chapter 16

Freya's POV

"Anak! Bilisan mo ang kilos at mahuhuli ako sa meeting ko!" Sigaw ko mula sa babang hagdan.

Nasa kwarto kasi si Rafa at kasalukuyang may hinahanap para sa school niya.

Ihahatid ko na kasi siya dun sa daddy niya at nagmamadali na rin ako dahil may meeting pa kami ni Kuya Trev sa kompanya.

"Rafaelle!"

"Mommy! I can't find it!" Sigaw niya mula sa taas.

Jusko 'tong batang 'to.

"Ako na maghahanap niyan mamaya! Bumaba ka na dito at baka matrapik tayo!"

Naghintay pa ako ng ilang segundo at dun ko lang narinig ang mga yapak na nagmumula sa taas at dun ko natanaw ang anak ko na pababa ng hagdan.

"Sabi ko naman sayo diba? Ayusin mo na agad 'yung mga gamit mo sa gabi pa lang para hindi ka natataranta kinabukasan," sermon ko dito habang sinusundan siya ng tingin.

"Sorry po."

"Oh siya, tara na. Ihahatid ko na lang 'yung gamit mo mamaya pagkatapos ng meeting ko." Tumango naman siya at kinuha na ang bag niya sa sofa at nauna nang lumabas ng bahay.

Naging mabilis ang biyahe namin papunta kila Diego dahil walang masyadong kotse sa daan.

Hindi na rin ako bumaba ng kotse at hinayaan ko na lang na sunduin ni Diego ang bata sa sasakyan pa lang.

"Hindi ka na papasok sa bahay?" tanong ni Diego nang kunin niya ang bag ni Rafa.

"Hindi na, nagmamadali ako kasi may meeting pa ako eh. Dadaan na lang ako mamaya."

"Sige, be careful on the road."

"I will," I turned to my daughter. "Babalik ako ha, be a good girl. Love you, baby." Tinanggal ko muna ang seatbelt ko para mayakap ko ang bata.

"Love you, mommy!"

Nang bitawan ko siya ay kaagad rin akong umalis dahil ilang minuto na lang ay malalate na talaga ako.

...

"Bakit late ka kanina?" tanong ni kuya nang makalabas kami ng conference room.

"Jusko, 'yung pamangkin mo, ang daming gamit na nawawala kaya late kaming nakaalis ng bahay," naiistress kong sabi at ginamit ang hawak kong folder para ipaypay sa sarili ko.

"Mana sayo. Burara," pang-aasar niya na ikinairap ko naman.

"Mauuna na'ko. Ihahatid ko pa 'yung mga gamit ni Rafa kila Diego," paalam ko at nag-iba na ng direksyon papunta sa desk ko.

"Paano 'yung plano natin?" I was stunned.

Oo nga pala.

"O-of course, tuloy pa rin 'yon," I muttered and gathered my things.

"Dapat lang. Ilang buwan na nating plano 'yan. Siguraduhin mo lang na hindi ka aatras dahil lang sa lalaking 'yon," madiin niyang sabi.

The Runaway Father✓ | Jackson Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon