Mall

1K 26 1
                                    

Chapter 3

Isang sekretarya na ngayon si Freya sa sarili nilang kompanya at ang boss niya naman ay kilalang-kilala niya dahil ito ay walang iba kundi ang Kuya Trev niya.

Dahil tuluyan nang bumalik dito si Freya sa Pilipinas ay nagtrabaho na rin siya para sa kompanya nila.

Nung una ay gusto ng ama ni Freya na siya na ang maghandle ng isa sa mga companies nila pero agad din 'yong tinanggihan ni Freya dahil sa anak niya pa lang ay marami na agad ang responsibilidad, paano pa kaya kung magpatakbo siya ng isang kompanya?

"Sir, natapos ko na po 'yung report para mamayang meeting tapos tumawag na rin po 'yung sekretarya ni Mr. Andrada, on the way na daw po sila," magalang nitong imporma sa kanyang kapatid dahil nasa harapan lang sila ng ilang mga empleyado ni Trev pero kung silang dalawa lang ay malamang kanina pa sila nagbabangayan.

"Pakidalhan ako ng coffee sa opisina," utos niya pa bago saglit iniwan ang kapatid dahil may aasikasuhin pa ito.

Si Freya naman ay nagtungo muna sa kusina ng opisina nila at pinagtimpla ng kape ang kanyang kapatid tsaka niya ito dinala sa opisina kung saan din naghihintay si Trev.

"Wala ka yata sa sarili mo. Problema mo?" tanong ni Trev nang ilagay ni Freya ang tasa sa lamesa niya.

"Wala. Lutang lang ako," simpleng sagot ni Freya nang hindi man lang tinitignan ang kuya niya.

"Hay nako, Freya. Wala ka nang maitatago sa akin. Ano 'yan?" pagpupumilit niya pero umiling lang si Freya.

"Ano ka ba? Wala talaga, promise!" she tried to smile but her brother kept his pokered face.

Ilang saglit pa silang nagtalo dun bago tuluyang pinabalik ni Trev si Freya sa pwesto nito.

Pinagpatuloy na lang din ni Freya ang mga natitira niya pang gawain nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello, Liz? Napatawag ka?" tanong agad ni Freya nang sagutin niya ang tawag.

Isa si Liza sa mga naging kaibigan niya dahil ang anak nito ay kaibigan din ang anak niya dun sa daycare.

"Hi, Freya! Pupunta kasi kami ni Cassi sa mall at gusto niyang isama si Rafa. I'm just wondering, is it okay with you?" she directly asked.

"Isn't she bothering you, Liz?" paniniguro ni Freya sa kausap niya.

"No, not at all. I'm happy to have her come along."

"Oh, alright. Thank you so much, Liz. Try kong sumunod mamaya kapag maagang natapos ang trabaho ko."

"Alright, I'll see you later. Bye!"

"Bye, thank you again."

Nang patayin ni Freya ang tawag ay muli siyang bumalik sa trabaho.

Sa kabilang banda naman ay masayang sinabi ni Liza sa dalawa na pinayagang sumama si Rafa sa kanila.

Inayos na muna nila ang kanilang mga gamit at pagkatapos nun ay agad na rin silang umalis papunta sa pinakamalapit na mall.

"Kids, wag kayong lalayo sa akin ha. Marami ang tao dito, baka mawala kayo," paalala ni Liza habang hawak ang mga kamay ng mga bata.

Kumain muna sila saglit ng meryenda bago nagtungo sa palaruan ng mga bata.

Isang oras ang binayaran ni Liza para sa kanilang dalawa at iiwan muna niya ang mga bata dun para makapamili saglit. Kampante naman siyang iwan sila dun dahil ilang beses na niya ring iniiwan dun dati si Cassi at hindi naman ito napapahamak.

Abalang-abala ang dalawa sa paghahabulan dun sa loob at minsan ay nakikipaglaro na rin sila sa ibang mga bata na kaedad lang nila.

"Hi," bati ni Rafa sa isang batang lalaki na nakaupo lang dun sa may tuktok ng inflatable slide.

Nag-iisa lang ito at parang walang gana makipaglaro sa iba.

"Why aren't you playing?" takang tanong ni Rafa at naupo na rin sa tabi ng bata.

"I want to go home," nababagot niyang sabi habang ang mga kamay niya ay nakatukod sa kanyang baba.

"It's still early to go home, let's play!" pag-aaya niya sa bata pero hindi man lang ito kumibo.

Makalipas pa ang ilang minutong pagpupumilit ay sa wakas at pumayag na rin ang batang lalaki na makipaglaro sa kanila.

Kahit nakabusangot ang bata ay pinilit pa rin nitong makipaglaro sa kanila.

Makalipas pa ang ilang minuto ay bumalik na rin ang sigla sa kanyang mukha.

"Ano pa lang pangalan mo?" tanong ng batang lalaki kay Rafa habang paakyat sila papunta sa slide.

Mahigit isang oras na ang lumipas at natapos na rin ang oras nila dun. Saktong dumating na rin ang mga guardian ng batang lalaki ngunit hindi pa rin nadating ang mommy ni Cassi para sunduin sila ni Rafa.

"Alec, let's go," isang matangkad na lalaki ang sumundo sa batang lalaki.

Bago pa ito lumapit sa sundo niya ay kinuha niya muna ang kamay ni Rafa tsaka siya nito hinila palapit dun sa lalaki.

"Hi, papá! Meet my new best friend!" masayang pakilala nito kay Rafa.

Ngumiti naman si Rafa sa lalaki at saktong nagtama ang kanilang mga titig.

Both of their amber eyes twinkled at each other.

For Rafa, it feels like she's looking at herself but in a boy verion.

"What's your name, sweetheart?" tanong nung lalaki at lumuhod para makapantay ang dalawa.

Mahigpit na bilin ng ina ni Rafa na wag na wag ibibigay ang buong pangalan nito sa mga taong hindi niya kilala ngunit tila nahulog agad ang loob niya sa lalaki kaya imbis na palayaw ang isagot, buong pangalan niya ang binigay niya sa kanya.

Halos hindi maipinta ang itsura ng lalaki nang marinig niya ang pangalan ng bata ngunit agad din niya itong tinago at ngumiti na lang.

"It's nice to meet you, Rafaelle. My name is Diego and this is Alec," pakilala ng lalaki sa kanyang sarili at sa batang kalaro ni Rafa kanina.

Mahigit isang oras na silang naglalaro kanina pero hindi man lang nila nakuha ang pangalan ng isa't isa.

Bago pa muling makapagsalita ulit si Diego ay lumapit na si Cassi sa pwesto nila tsaka nito hinawakan ang kamay ni Rafa.

"Mommy is here, Rafa. Let's go na!" pag-aaya nito habang hinihila ang kamay ni Rafa.

"Bye, mister! Bye, Alec!" paalam nito sa dalawa bago tuluyang nagpahila sa kaibigan pabalik sa ina nito.

As for Diego, hundreds of thoughts are running around his head.

Pero isang tanong lang ang bukod tanging nangingibabaw sa lahat.

'Is she my daughter?'

To be continued

__________________

(AN: I completely forgot, may may drafts ako sa story na ito...)

The Runaway Father✓ | Jackson Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon