Chapter 12
Freya's POV
Halos buong magdamag akong hindi makatulog kakaisip kung tama ba ang sinabi ko sa kanya.
Ang bigat sa loob ng mga salitang binitawan ko at alam kong hindi lang ako ang apektado.
I could see pain in his eyes before I left him to go to my room.
Ayoko siyang paasahin at ayokong umasa. Mahirap magbitaw ng mga salita sa taong mahal mo dahil triple ang sakit na maidudulot nito.
Bakit ba kasi kailangan pa naming magtagpo? Alam kong para sa bata ang nangyaring pagtatagpo namin pero bakit bumabalik lahat ng nararamdaman ko?
My love for him can't be erased.
Kakaisip ay hindi ko man lang narealize na tumutulo na ang luha ko papunta sa unan na hinihigaan ko.
Nakakapagod nang masaktan. Totoo nga ang sabi nila, first love is the most painful love.
Ilang taon na ang lumipas, pero nasasaktan pa rin ako. Ngayon na nandyan na siya ulit, bumabalik lahat ng alaala sa akin. Lahat ng saya, lahat ng sakit, bumabalik.
'Diyos ko, kailan ba magiging ako naman?'
...
The morning was quite awkward. He made breakfast for us and we ate in silence.
Tanging si Rafa lang ang nagsasalita dahil kinekwento niya ang napanaginipan niya samantalang kami ni Diego ay hindi man lang makatingin sa isa't isa.
Halata din na wala siyang tulog kagaya ko pero pilit niyang tinatago sa anak namin na inaantok siya.
"Daddy, pwede later, magswimming tayo?" pag-aaya ni Rafa at sumubo ng pagkain.
"Sure, pumpkin. Finish your food muna," utos ni Diego at agad namang tumango ang bata.
Again, silence...
Nang matapos kaming kumain ay nagprisinta na ako ang maghuhugas at ang mag-ama naman ay nanood muna sa sala.
Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung tama ba ang mga sinabi ko kahapon.
A part of me says it's right but deep inside, I know I didn't want to say it.
Gusto mong ipaglaban si Diego pero ayokong saktan si Lucia.
Nakakainis naman!
"Ahh!" daing ko nang aksidente kong mahiwa ang daliri ko.
Sa sobrang galit ko ay hindi ko napansin na kutsilyo na pala 'yung hawak ko.
"What happened?!" Napalingon ako at agad bumungad sa akin si Diego na humahangos.
"Ah, wala. N-nahiwa lang ako," hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tuwing nandyan ang presensiya niya.
"Let me see." Naglakad na siya palapit sa akin at hindi na ako nakareact agad nang kunin niya ang kamay ko. "Hindi ka kasi nag-iingat eh," sermon niya at tinapat sa nakabukas na gripo ang dumudugo kong daliri.
BINABASA MO ANG
The Runaway Father✓ | Jackson Series #2
Ficción GeneralWaking up pregnant, Freya has to tell this shocking news to his boss slash the father of her child. But the only problem is, he is getting married to his childhood friend. COMPLETED STORY Freya Brielle Jackson works at a tech company in the US as a...