" Ma, alis na po ako."
" S -sa -an ka na naaamaaan pupunta? Iiwan m -mo rin baaaa ako?"
" Ma, may pasok pa po ako."
" G -ganoon baaaa?"
Lasing na naman siya. Lagi nalang siyang ganyan simula nung namatay si papa. Galit na galit ako sa kanya. Anim na taon na rin ang nakalipas. ANIM na taon na! At hindi parin nya malimut- limutan. Alam kong masakit pero kailangan na rin naming mag-move on, hindi lang naman sya ang nasaktan, pati din ako! Parang ako na tuloy ang magulang dito at siya yung anak.
Papa... Mahal na mahal ko siya. Siya yung taong nagturo sa akin ng halos lahat-lahat, kung paano magsulat, magbasa, magbike , magluto, at higit sa lahat siya yung nagturo sa akin kung paano magmahal. Hindi ko inakalang bigla nalang siyang mawawala, habangbuhay.. At hindi ko man lang nasabing mahal ko siya at pinagsisisihan ko yun, nasayang yung mga pagkakataon na kasama ko siya, hindi ko man lang napadama sa kanya kung gaano siya kahalaga para sa akin, kung gaano ko siya ka mahal..
" Nasa ref yung agahan nyo. Kumain nalang po kayo mamaya." sabi ko at umalis na.
Isang araw nalang at gra-graduate na ako ng high school. Ni hindi man lang alam ni mama na valedictorian pala ako. Masakit lang talagang isipin na yung magulang mo na dapat sanang sumusuporta sayo at nagmamahal sayo ay hindi alam na gra-graduate pala ang nagiisang anak niya. Hindi nga rin ako sigurado kung pupunta ba sya bukas sa graduation day ko.
" Alex, anong plano mo ngayong summer?" tanong ng bestfriend kong si Anne.
" Ewan. Siguro tambay-tambay lang o di kaya'y magrereview para sa college entrance exam."
" Ano ka ba Alex! Mag-enjoy kanaman paminsan-minsan. Alam ko na, punta ka ngayong Byernes, alas 9, may concert yung paborito mong band. Wag kang mag-alala sa bayad, libre ko."
" Talaga?!" tanong ko. " Pero no thanks."
" Hay! Bahala ka dyan basta bibilhan kita ng ticket. Hindi mo naman gustong ma-aksaya yung pera ko diba?" At talagang kinokonsensya pa talaga ako.
" O sige na nga." Wala rin naman akong pagpipilian, alam kong kukulitin lang ako nyan hangang sa pumayag ako. Bestfriend ko talaga.
Pag-uwi ko sa bahay naabutan kong may hawak si mamang kutsilyo at parang umiiyak. Ano bang iniisip nya? Wawakasan na ba nya ang buhay nya? Hindi man lang ba nya ako inisip? Paano na lang ako? Kahit ganyan yang mama ko, mahal ko pa rin siya at hindi ko na kayang mawalan pa ng isang magulang.
Agad akong tumakbo at inilayo sa kanya yung kutsilyo.
" Ma naman! Wag mo nang dagdagan yung problema ko! Wala na nga kayong ginawa kundi magmukmuk dyan tapos bibigyan nyo na naman ako ng panibagong problema? Paano nalang kung pati kayo mawala? Ma, paano naman ako?"
Iyak lang siya ng iyak tapos tumakbo siya palabas. Hindi ko na siya hinabol dahil sa galit. BAHALA na sya!
Mag-aalas 11 na hindi parin sya bumabalik. Sana walang nangyaring masama sa kanya. Dapat kasi hinabol ko nalang siya.
" Uy Alex, anong nangyari dyan sa mukha mo? Graduation na graduation tapos ganyan ang itsura mo?"
"Anne, nawawala si mama."
" Ha?? Ano??"
" Pinagalitan ko kasi siya kagabi, tapos ayon naglayas ata."
Hindi ko na magawang maging masaya. Bakit kasi!
Gabi na ng makauwi ako at bumugad sa pintuan namin ang isang napakagandang babae. Magkahawig ang itsura namin at this time hindi na sya lasing. Hindi ko nga alam kung bakit galit na galit ako dito sa babaeng 'to, baka siguro sa nangyari sa kanya, pero dati-rati iniidolo ko 'tong taong ito. Sya kasi yung taong maganda ang papananaw sa buhay pero bigla nalang syang naging ganyan..
" Anak, pasensya na sa mga nagawa ko. Nakapag isip-isip ako na siguro panahon na rin para ayosin ang lahat, siguro lalayo muna ako." Sabi nya.
" Pero paano na a -"
" Napagdesisyonan kong i-enroll ka muna sa isang summer camp habang wala ako. Wag kang mag-alala ilang araw lang naman yun."
" Ha?? Ano?? Ma, ano bang iniisip nyo?"
" Naisip ko na makakatulong yun sayo. Siguro matututunan mong maging handa."
" Handa para saan?"
" Na kapag wala na ako, alam kong kaya mo na."
Natulala nalang ako sa mga sinabi nya. Naalala ko pa noon kung gaano ko kagustong sumali sa mga camp, ngayon nandito na sya, pero bakit parang hindi ako masaya?
Pag-gising ko sa umaga wala na ang ibang gamit ni mama at nag-iwan pa siya ng sulat sa ref.
" Anak, sana mapatawad mo ako. Lalayo muna si mama, hahanapin ko lang ang mga sagot sa mga katanungan ko.. Mahal na mahal kita at congrats valedictorian ka pala. Good luck sa Summer camp! I love you anak. - MAMA."
Nag-iwan din siya ng pera at yung ID ko para sa summer camp. Binasa ko yung Guide at nalaman kong bukas na pala magsisimula.
"Bukas. Bukas?!" Bukas na?! At ang aga pa talaga ng bus na susundo sa amin. Ano to parusa? Masaya na sana akong hindi na ako gigising ng maaga at wala na masyadong iintindihin. Ano ba naman to! Ma ano ba 'tong ginawa nyo?
BINABASA MO ANG
AMA
General FictionFilipino project (4/7/2014), This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...