Chapter 4

17 2 0
                                    

Nakita ko siyang umalis.

 

"Papa, bumalik ka!"

Tinatawag ko siya pero patuloy parin siya sa paglakad papunta doon sa loob. Hanggang sa naglaho nalang siya.

"Papa!!!"

 

Napanaginipan ko na naman siya. 6 na taon na akong ginugulo ng panaginip na ito. Bumabalik lahat ng nangyari nung gabing iyon. Gusto ko na syang kalimutan, gusto ko nang makawala dito sa pagkakabihag ko sa nakaraan.

"AHHHH!!" nagsisigaw ako na tumatakbo, umiiyak. Pumunta ako sa baybayin. Wala akong pakialam kong mahuli man ako o parusahan gusto ko lang umiyak ng umiyak. Pero parang kahit ang mga mata ko ay sawa na sa pag-iyak.

" Anak, bigyan mo naman ako ng pagkakataon." Bigla nalang akong may narinig na pamilyar na boses. Ka boses ni Sir Martinez.. " Ganito kasi yun-"

"Hindi mo ako anak! At sawa na ako sa mga kasinungalingan mo!". Parang kilala ko 'tong boses na 'to a, parang boses ni... Aaron?

Ibig sabihin.... Mag-ama sila??

" Anak, alam kong may pagkukulang ako, pero bigyan mo naman ako ng pagkakataong mapunan ang mga pagkukulang na yun. Anak, nagkamali ako-"

" Tama, nagkamali ka nga!!"

" Kaya nga, bigyan mo naman ako ng pagkakataong maitama ang pagkakamali kong iyon."

" Namatay si mama at wala ka man lang sa tabi nya! Pano mo pa mapupunan yun? Mabubuhay mo ba siya ulit?." . Tapos may narinig akong papalapit sa akin kaya umasta akong walang narinig.

"Nandito ka pala." Sabi ni Aaron habang ngumingiti na para bang wala lang nangyari kanina.

"Nandito ka nga rin." Pilosopong sagot ko pero ngumita lang siya.

Tumabi sya sa akin. Walang nagsasalita. Tinitignan lang namin ang dagat at ang buwan.

"Galit ako sa mundo." Sabi nya bigla sabay hagis ng isang bato sa karagatan. " Galit ako sa lahat ng tao.!!"

"Pano mo naman na sabi yun?" tanong ko pero hindi ako nanghihingi ng kasagutan parang personal na kasi masyado at alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa personal na problema at buhay nya. Hindi ko pa nga siya masyadong kilala.

Pero nagulat nalang ako nang sinagot nya ako. " Dahil lahat sila iniwan ako!" sabi nya. Napalingon ako sa pagsabi nya ng salitang 'iwan'.  " Maliit palang ako noon, mga anim na taong gulang pa, iniwan kami ng Papa ko dahil sa isang babae, babaeng ipinalit nya kay mama. Nung una hindi ko pa naintindihan ang mga nangyayari, kung bakit kailangan nyang umalis. Pero nang lumaki na ako unti unti ko nang naiintindihan ang lahat. Galit na galit ako sa kanya nun. At si mama, iyak lang siya ng iyak tuwing gabi. Kinailangan nyang pasanin ang lahat ng sakit. Siya lang ang nagalaga sa akin habang lumalaki ako, kinailangan niyang magtrabaho ng maigi upang mapag-aral lang ako, kinailangan nyang gawin ang lahat ng iyon nang mag-isa. At nung panahon na namatay si mama, doon lang nya naisipang bumalik." Mukhang pareho pala kami ng sitwasyon, ang kaibahan lang binalikan siya at ako hindi. Naiintindihan ko siya, hindi naman madali ang nangyari sa buhay nya. Simula nga nung nawala si Papa hindi ko na alam kong paano magmahal, parang ang sakit kasi, parang kapag nagmahal kailangan talagang masaktan. Hindi ko kaya yung paulit ulit na lang masaktan.

" Ako nga rin iniwan." Nasabi ko na lang bigla. "Iniwan at hindi na binalikan." Napalingon siya dahil doon sa sunod kong sinabi. "Alam mo, ganyan talaga ang mga tao, bigla nalang papasok sa buhay mo at bigla nalang aalis. Wala talagang permanente dito sa mundo kaya masanay ka na." Hindi ko alam kung pano ko yun na sabi, pero parang ang mga sinabi ko ay hindi lang para sa kanya kundi para din sa akin.

" Haha," tumatawa siya pero hindi halata sa mga mata nya. Parang ang lungkot ng ekspresyon na ipinapakita ng kanyang mga mata. " Nakakapagtaka lang, bakit pa sila papasok kung aalis din lang pala sila." Sabi nya. Napaisip ako sa sinabi nya. Nagkaroon ng saglit na katahimik sa pagitan naming dalawa.

Tumayo siya bigla sabay sabing, "Salamat sa pakikinig. Masyado nang madilim kailangan na nating pumasok." Sabi nya at tumalikod.

Tumayo na rin ako at nagsimula nang lumakad. " Uhm, ano nga yung pangalan mo." bigla na lang siyang nagtanong. Oo nga pala, hindi pa nga pala ako nakapagpakilala.

 

"Tawagin mo nalang akong Alex."

Noong una ko siyang makita, akala ko masungit siya pero nagbago ang lahat ng makausap ko siya. Nagiisa at malungkot siya sa kaloob looban nya, siguro yun yung dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo nya sa mga tao pero mabait naman pala siya. Minsan, kailangan mo rin bigyan ng pagkakataon ang isang taong ipakilala ang sarili nya, na mapatunayan ang sarili nya. Iba't iba talaga ang story ng buhay ng iba't ibang tao. Kailangan mo lang sigurong kilalanin at alamin ang kanilang storya upang maunawaan mo sila. Siguro hindi ko kasi alam ang storya ng buhay nya kaya ganoon na lang ang pagtingin ko sa kanya noong una.

AMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon