Prologue

39 2 0
                                    

"Alam mo, ganyan talaga ang mga tao, bigla nalang papasok sa buhay mo at bigla nalang aalis. Wala talagang permanente dito sa mundo kaya masanay ka na." Hindi ko alam kung pano ko yun nasabi, pero parang ang mga sinabi ko ay hindi lang para sa kanya kundi para din sa akin.

" Haha," tumatawa siya pero hindi halata sa mga mata nya. Parang ang lungkot ng ekspresyon na ipinapakita ng kanyang mga mata. " Nakakapagtaka lang, bakit pa sila papasok kung aalis din lang pala sila." Sabi nya. Napaisip ako sa sinabi nya. Nagkaroon ng saglit na katahimik sa pagitan naming dalawa.

Tumayo siya bigla sabay sabing, "Salamat sa pakikinig. Masyado nang madilim kailangan na nating pumasok." Sabi nya at tumalikod.

Tumayo na rin ako at nagsimula nang lumakad. " Uhm, ano nga yung pangalan mo?" bigla na lang siyang nagtanong. Oo nga pala, hindi pa nga pala ako nakapagpakilala.

"Tawagin mo nalang akong Alex."

Noong una ko siyang makita, akala ko masungit siya pero nagbago ang lahat ng makausap ko siya. Nagiisa at malungkot siya sa kaloob looban nya, siguro yun yung dahilan kung bakit malamig ang pakikitungo nya sa mga tao pero mabait naman pala siya. Minsan, kailangan mo rin bigyan ng pagkakataon ang isang taong ipakilala ang sarili nya, na mapatunayan ang sarili nya. Iba't iba talaga ang story ng buhay ng iba't ibang tao. Kailangan mo lang sigurong kilalanin at alamin ang kanilang storya upang maunawaan mo sila. Siguro hindi ko kasi alam ang storya ng buhay nya kaya ganoon na lang ang pagtingin ko sa kanya noong una.

AMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon