"Magandang umaga Campers!" bugad sa amin ni Sir Martinez. " Ngayong araw matututunan ninyong magtrabaho bilang isang team. Ang challenge natin ngayon ay isang mental challenge.
"Ang magiging partner nyo ay yung kasama nyo sa kwarto. Isa sa inyo ang hahanap ng mga puzzle at isa ang magsosolve. Kailangan ninyo malaman ang message ng puzzle na magiging lesson natin ngayong araw."
Buti naman at mental challenge, expert ako dyan at si Kriss pa ang magiging partner ko. Alam kong magaling siya pagdating sa paghahanap, kahapon nga sa physical challenge naka-apat na flag siya.
"Ayos! Partner tayo. Ako ang maghahanap tapos ikaw ang magsosolve!" sabi nya. Saktong sakto!
Nagsimula na ang challenge at naging madali ang paghanap ni Kriss sa mga puzzle piece. Agad ko namang iniayos ang mga puzzle piece pero kulang ang mga puzzle piece kaya naman nahirapan ako sa pag-aayos. Bumalik si Kriss sa paghahanap pero naunahan na kami ng iba kaya ayun talo kami.
Nakakainis, kung sakto lang sana yung pagkuha nya ng puzzle piece panalo sana kami! Nakakaasar lang, at siya pa 'tong may ganang magalit!
"Ahhh, nakakainis!!" sigaw ko.
"Nakakainis talaga!"
"Tama! Tapos talo pa kami!"
"Oo nga, talo pa kayo."
"Sana kasi mas ginalingan ko."
"Hindi ah, ang galing mo nga kanina." Nagulat nalang ako na may kausap pala ako.
"Oo nga, dahil sa sobrang galing ayan tuloy natalo." pilosopong sagot ko sabay lingon. Nagulat nalang ako nang makita ko kung sino yung nagsalita. "Aaron?!"
"Oh ba't parang nakakita ka ng multo?" tanong nya.
"Ah wala-wala. Nanggugulat ka kasi eh." At hinampas ko siya ng mahina.
"Tss."
"Ewan ko sayo. Halika na nga, kain na tayo." Tapos hinila ko na siya papuntang cafeteria.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso kaagad ako sa kwarto at natulog.
"Hay! Nakakainis talaga! Panalo na sana tayo kanina!" narinig kong sigaw ni Kriss habang papasok ako ng kwarto.
" Tanggapin mo nalang, wala rin naman tayong magagawa." sabi ko sa kanya.
" Hindi ko to matatanggap, pangatlong araw na natin 'to dito at wala pa akong panalo kahit isa!" sabi nya.
" Tama ka, pangatlong araw pa tayong nandito tapos malulungkot ka na wala kang panalo? May ilang araw pa tayo, bilis mo naman panghinaan ng loob."
" Hay ewan! Kailangan ko 'to magawan ng paraan." sabi nya sabay walk out.
Hindi ko naman sya masisisi. Ganoon din naman yung naging reaction ko kanina.
TING DING DING!!
Tumunog na yung sinyales na 'bangon na'. Hay, gusto ko pang matulog.
TING DING DING!!
Tumayo na ako at nag-ayos. Ano ba naman yan? Ang aga-aga pa oh, alas 6 pa ng umaga. Ano na naman kaya ang pagsubok ang dadaanan ko ngayong araw nato?
Ang pagsubok namin ngayon ay isang Physical challenge na kung saan hindi ako magaling. Pinatakbo, pinaakyat at pinalambitin kami doon sa ginawa nilang obstacle course. Buti nalang at kinaya ko ang lahat ng yun.
Isa ako sa huli na nakatapos sa ikalawa sa panghuli na obstacle kaya inasahan kong marami na ang nakatapos sa panghuling obstacle, pero nagulat nalang ako ng malaman kong wala pa palang nakakalampas dun. Siguro mahirap talaga yung panghuling obstacle kinabahan tuloy ako.
Pagdating ko sa panghuling obstacle nagulat nalang ako sa mga nangyayari. Kailangan naming tumalon sa dito sa tuktuk ng bundok para makapunta doon sa ibaba at makuha yung flag na sinyales na ikaw ang panalo.
Nakakalula tignan ang flag mula sa itaas. Masyado itong maliit, parang kasing liit lang ng tuldok. Nang marealize ko kung gaano ka taas ang bundok na ito bigla nalang nanginig ang buong katawan ko.
Nababaliw nab a sila? Patatalonin nila kami dyan? Siguro'y bali-bali ang mga katawan namin nyan. Gusto ba nila kaming patayin?
Marami na ang nagreklamo dahil sa pinapagawa nila sa amin.
" Kung gusto ninyong manalo, kailangan ninyong tumalon dyan!" sabi ng isa sa mga camp leaders.
Bigla kong naisip na hindi naman nila siguro kami papatayin. Kaya nilakasan ko ang loob ko. Pumunta ako sa dulo at tinignan muli ang flag.
Gusto kong manalo! Gusto kong makuha yung flag.
Tapos tumalon na ako. narinig kong nagsigawan yung mga tao sa itaas.
Habang tumatalon ako para bang tumigil ang tibok ng puso ko. Namangha na lang ako sa pakiramdam habang tumatalon, para akon lumilipad. Parang sobrang tagal ko nang tumatalon.
Isang net. May net sa ibaba ng bundok na sasalo sa amin. Tumingin ako sa bundok at natawa nalang ako sa mga nangyayari. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko, hindi makapaniwalang kani-kanina lang ay tumalon ako sa isang bundok.
Tumayo na ako at kinuha ang flag.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari nalaman kong may dalawang paraan para ma-over come mo ang iyong mga kinakatakotan, ang pagtalikod dito at ang pagharap dito ng buong tapang. At pinili kong maging matapang.
Pagod na pagod akong pumasok sa kwarto. Pero okay lang na napagod ako, nanalo naman ako at may natutunan pa ako, kung paano harapin ang iyong mga kinakatakotan.
Bigla nalang pumasok si Kriss sa kwarto at tinignan ako ng masama.
BINABASA MO ANG
AMA
General FictionFilipino project (4/7/2014), This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...