"Ang saya talaga magkaroon ng tatay." sabi ko sa kanya. Simula nung usapan namin ni Sir Martinez, palagi ko nang sinasabihan si Aaron kung gaano kasaya magkaroon ng tatay pero palagi na lang siyang kokontra, sasabihin niya kung gaano sila ka walang kwenta. Pero hindi pa rin ako susuko, alam kong mapapatawad nya rin ang tatay nya at sasaya na siya muli.
"Alam mo ba, tinuruan ako ng papa ko kung paano magbike at magluto, ang –"
"teka paano ba napunta dyan ang usapan natin, ha?" hindi na nya ako pinatuloy pa. "Wala silang kwenta! Ayan! Tapos ang usapan." Mukhang nagalit na siya.
"Hindi lahat ng tatay walang kwenta!" tumataas na ang boses ko.
"Pare-pareho lang sila!" sigaw nya. "Teka, ano bang alam mo? Hindi mo naman dinanas ang mga nadanas ko." Nasaktan ako sa sinabi nya.
"Yan kasi ang problema sayo, nilalahat mo! Porket may ginawang masama yung ama mo sayo, hindi ibig sabihin masama na ang lahat ng mga ama!" napatigil siya sa sinabi ko.
"Hindi mo ako naiintindihan!" sigaw nya.
"Naiintindihan kita!" sagot ko naman.
"Pano ha? May babae rin ba yung papa mo?" tanong nya.
"Bakit kasi hindi mo na lang patawarin si Sir Martinez?!!" sigaw ko.
"teka, pano mo nalamang siya ang-" nagulat siya sa pagsabi ko ng pangalan ng ama nya. Hindi pala nya alam na alam ko na, na si Sir Martinez ang amang tinutukoy nya. "pano mo nalaman, ha? Kinausap ka ba nya?" tanong nya. "kahit kalian talaga!" narinig kong bumulong siya. "bakit ka ba nakikialam?" Aray, ang sakit ng sinabi nya. Oo nga pala, wala pala akong karapatan na manghimasok. Hindi na ako sumagot. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa naramdaman ko na lang yung luha sa pisngi ko.
"P-pasenya na." sabi ko.
"Haaay, ewan!" sigaw nya at umalis na.
TING DING DING!!
Hindi na nya ako pinapansin simula nung nag-away kami. Nandito kami ngayon sa grounds dahil may iaanunsyo si Sir Martinez.
"Bukas, may malaking activity tayong gagawin bilang parte ng pagtatapos ng summercamp natin."sabi nya. "kailangan ninyong maghanda para bukas. Bukas nyo malalaman kung anong mangyayari."
Oo nga pala dalawang araw na lang at matatapos na ang summer camp, matatapos na ang lahat ng ito at babalik na ako sa buhay kong walang kwenta. Babalik na naman ako sa bahay na yun, makikita ko naman syang lasing, magaaway na naman kami. Haaay! Nakakapagod na..
May ginagawa ang lahat ng mga tao, lahat sila abala para sa gagawin namin bukas. Masaya silang naguusap habang nagtratrabaho, habang ako naman, nag-iisa lang dito sa sulok. Tumingin ako sa lahat ng sulok, hinahanap ko siya. Gusto ko siyang kausapin pero mukhang imposible, mukhang galit pa rin siya sa akin.
Nag-aayos ako ng mga lamesa ng nakita ko siya. Nagkatagpo ang aming mata ng ilang minute, nanatili lang kaming ganyan. Napansin kong bumukas ng bahagya ang kanyang bibig na parang may sasabihin pero hindi nya naituloy dahil may tumawag bigla ng pangalan nya.
"Aaron.." at tuluyan na siyang umalis.
TING DING DING!!
Nagising na lang ako sa tunog ng ALARM. Ano kaya ang gagawin namin ngayon?
Pinatawag na kami ni Sir Martinez sa grounds. Napansin kong sobrang excited ng iba.
"ehemm..mmm.." tumahimik bigla ang paligid. "Salamat. Ito ang gagawin natin ngayon."panimula nya. "Inimbitahan namin ang inyong mga magulang para makasama nyo sila sa mga huling araw ng summercamp na ito." Natulala na lang ako sa mga sinabi nyang yun. May darating kaya para sa akin??
Nagsidatingan na ang mga magulang ng iba campers habang ako nakatulala lang, nagmamasid kung gaano sila kasaya. Masyado ng maingay ang paligid sa mga tawanan at kwentuhan nila. NAIINGIT ako.
Nagsimula na ang programme at isa-isang nagsalita ang mga magulang tungkol sa kanilang mga anak. Ang iba tumatawa ang iba naman umiiyak na. NAIINGIT ako at NASASAKTAN. Parang ipinamukha nila sa akin na wala nang akong natirang magulang. Naalala ko tuloy nung High school pa ako, tuwing family day, ako lang mag-isa ang dumadalo, ako lagi ang kumukuha ng card ko tuwing card day. Kahit nga sa graduation ko wala sila. ANG SAKIT!
Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata, sobrang sakit na. Patuloy lang ako sa pag-iyak, nakakapagod na.. Tumakbo na ako bago pa nila ako mapansin..
ANG SAKIT TALAGA!
Umupo ako sa may tabing dagat, umiiyak. Bakit kasi kailangan ko mawalan ng magulang. Bakit nila ako palaging iniiwan? Bakit ba kailangan kong daanan ang lahat ng ito? Hindi ko na kaya. Sobra na 'to.
Bigla ko na lang naramdaman na may yumakap sa akin. Parang ang sarap ng pakiramdaman, ang init. Matagal-tagal ko na rin hindi nararamdaman ang ganitong uri ng yakap.
"Papa.." sabi ko na lang bigla habang umiiyak. "Papa.."
6 na taon na ang nakalipas.. Nasunog ang bahay namin dahil sa kagagawan ko, pinilit ko kasing ipagluto yung crush ko kahit na pinagsabihan na ako ng mama ko. Bigla nalang lumaki ang apoy hanggang sa nasunog ang buong bahay. Mangiyak mangiyak pa ako noon ng makalabas kaming lahat ng bahay dahil naiwan ang lahat ng mahalagang bagay doon sa loob, kaya naisipan ni papa na kunin yun kahit anong pilit ni mama na pigilan siya. Pagpasok nya, saktong sumabog yung tanke ng gas at... at... at... ayon...
"Papa..." hindi pa rin siya kumiwala sa yakap nya.
"Naiintindihan ko na ngayon." Sabi nya at niyakap nya ako ng mas mahigpit. "Pasensya na at naging makasarili ako, hindi ko man lang inisip na may pinagdaanan din ka pala. Hindi ko man lang inisip na may mas malaki pang problema ang ibang tao kaysa sa problema ko.." sabi nya.
" Siguro hindi ako handa na patawarin siya.." sabi nya. " kung hindi ka siguro dumating, siguro malungkot pa rin ako ngayon."
"Salamat sayo, narealize kong dapat ko pahalagahan ang mga bagay na meron ako habang nandyan pa sila. Narealize kong dapat ko silang ingatan dahil ang iba hindi nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng mga bagay na meron ako ngayon... SALAMAT." Sabi nya at kumiwala na..
Napansin kong paparating si Sir Martinez sa kinaroroonan namin.
"Bakit kayo nandito?" galit nag alit na sigaw nya. " Alam nyo bang malaking kap-" hindi nya na tapos ang sinasabi nya ng bigla na lang siyang yakapin ni Aaron..
"DAD!" sabi nya habang yakap-yakap nya ang kanyang ama...
BINABASA MO ANG
AMA
General FictionFilipino project (4/7/2014), This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...