PEEP PEEP
Ano ba yan ang aga naman ng bus, eh hindi pa nga tuyo yung buhok ko, ni hindi pa ako nakapagsuklay at higit sa lahat wala pa akong agahan.
PEEP PEEP
" Oo! Andyan na!" sigaw ko at dali-daling tumatakbo habang may kagat-kagat na sliced bread at dala-dala ang isang backpack. Pumasok na ako at naghanap ng mauupuan. Natulala na lang ako sa dami ng tao. May bakante pa kayang upuan?
Naglakad-lakad ako hanggang sa may nakita akong bakanteng upuan.
" Excuse me," sabi ko sa isang lalaki. Tumingin sya sa akin habang naka-angat ang dalawang kilay na para bang naghihintay ng sagot. " Pwede bang umupo dito?". Tinitigan lang nya ako at binaling ang atensyon doon sa labas ng bus. Grabe naman, ang sungit!
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at umupo na lang ako sa tabi nya total wala na namang ibang mauupuan.
Habang umaandar yung bus, may naamoy akong parang ewan, halo- halo ang amoy. Yung parang perfume na hinaluan ng ginisang ulam tapos amoy basura na may dagat. Ah, nahihilo ako sa mga amoy na yan at.. at.. at parang nasusuka ako..
BWUA..BWUA
Ahhh, nasusuka na talaga ako. Saan ba kasi galing yang mga amoy na yan? Tumingin sa akin ang katabi kong lalaki na para bang nalilito.
BWUA..BWUA
"Hoi, anong-"
BWUA..BWUA
" Wag mo sabihing.."
BWUA..BWUA
" Nasusuka ka ba??" tanong nya at tumango naman ako.
" Ah, hindi ko na kaya.." BWUA..BWUA
Lalabas na talaga sya. Nararamdaman ko na sya. Malapit na sya. Natataranta na ako at nadamay na rin pati yung katabi kong lalaki.
"Plos-tok!" sabi ko. At hinalughug nya yung bag nya. Natataranta na talaga sya.
" Hold on." Sabi nya. Tapos inabot nya saakin ang isang bottle ng mineral water. " Oh dyan".
" Ong loot ng butos." Ano ba 'tong binigay nya sa akin! Ang sabi ko PLASTIC hindi PLASTIC BOTTLE! Ahhh, hindi ko na talaga kaya. Ayan na sya...
Ang sumunod na nagyari ay.. sumuka ako.. sa.. sa.. sa T-shirt nya?
"Eeeew" sigaw ng mga tao sa kalapit na upuan. Ahhh, nakakahiya!
Tinitignan nya ako ng masama yung tipong nangangain ng buhay. Naku para akong nilalamon ng titig nya. Grabe naman 'tong taong 'to.
" S –sorry." sabi ko.
"Sorry?!". Naku mukhang galit na sya.
Tinignan nya yung T-shirt nya at inamoy.
"Ahh, ang sama ng amoy!!" sabi nya. Tapos tumingin na naman sya sa akin.
BINABASA MO ANG
AMA
General FictionFilipino project (4/7/2014), This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...