Gumising ako na may luha ang aking mga mata. Napanaginipan ko na naman siya. patuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha, bumabalik ang sakit na naramdaman ko anim na taon na ang nakalipas. Pinilit kong pigilan ang aking mga luha, pero mas lalong lumala kapag pinipigilan. Pagod na ako ng ganito.
Umiiyak lang ako doon sa kwarto nang biglang bumukas ang pintuan, napatigil ako.
"Hindi na ako kumato-" bigla siyang tumakbo papalapit sa akin. " Bakit anong nangyari? Umiiyak ka ba?" tanong nya. Yumuko ako, ayaw kong makita nya akong ganito, ayaw kong kaawaan ng mga tao.
Itinaas nya yung mukha umang mas makita nya ako. "Ano bang nangyari sayo?" Hindi ko na siya sa sinagot at sa halip ay niyakap ko na lang siya habang umiiyak. Hinimas himas nya yung likod ko. "Hindi ko alam kung bakit ka umiiyak pero iiyak mo lang yan, nandito ako."
Bigla akong natauhan sa ginawa ko at kumiwala bigla. Halata naman sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pagkagulat pero napalitan din ito ng ngiti.
"Pasensya na." sabi ko habang pinapahiran ang mga luha sa aking mga mata. "May masama lang akong napanaginipan."
"Naiintindihan kita, nangyari din sa akin nyan nung namatay ang nanak ko." Natigilan ako sa sinabi nya. "Bakit ano bang napaginipan mo?" tanong nya.
"Si papa." Yun lang ang nasabi ko. Hindi ko kayang ikwento ang lahat at baka mabaliw pa ako dito.
TING DING DING!!
Pagkatapos ng challenge namin ngayong araw ay dumiretso agad ako sa kwarto ko pero nagulat na lang ako sa bumugad sa pintuan ng kwarto. Si Sir Martinez...
"Miss Alvarez, pwede ba kitang makausap?" tanong nya. Ano na naman kaya ang paguusapan namin ngayon?
" Uh, opo." At sumunod na ako papunta sa kanyang office.
"Pwede kang umupo dyan." Bungad nya sa akin ng pumasok kami sa kanyang opisina. At sumunod naman ako.
"Miss Alvarez," simula nya. "Anak ko si Aaron." inamin nya at gusto kong sabihin sa kanya na alam ko na pero hindi ako makakita ng tamang pagkakataon para masabi yun. "at napansin kong malapit ka sa kanya.." huminga muna siya ng malalim bago magsalita ulit. Batid ko sa kanyang kalmadong boses ang pagkasawi at pagkalungkot. "gusto ko sanang... gusto ko sanang tulungan mo ako makuha muli ang loob nya." Pakiusap nya. Nagulat ako sa sinabi nya, alam ko kung anong ginawa nya kay Aaron at alam ko rin kung paano siya nasaktan pero parang may tumutulak sa akin na gawin ang sinasabi ng kanyang ama..
Kinwento nya ang lahat ng nangyari. Sabi nya na kinailangan nyang iwan sila, si Aaron at ang kanyang ina, dahil nabuntis nya yung babaeng sinasabi ni Aaron na babae ng ama nya, kinailangan nyang panindigan ang nagawa nyang pagkakamali. Sa mga sinasabi nya, parang naniniwala na ako na hindi. Ewan ko kung sino at ano ang paniniwalaan ko, naguguluhan na ako..
"Isa akong amang nangungulila sa kanyang anak." nagulat ako sa huling sinabi nya. Parang may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Para ako sinampal. Ama... Dahan dahang bumalik ang lahat at napansin ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.
Isa akong amang nangungulila sa kanyang anak.
Isa akong amang nangungulila sa kanyang anak.
Isa akong amang nangungulila sa kanyang anak.
Hindi mawala sa isipan ko ang mga salitang iyon.
Tama siya! Nangungulila siya at ganoon na rin si Aaron. Mahalaga siya sa akin at kailangan kong gawin ito para sumaya siya, sana...
BINABASA MO ANG
AMA
General FictionFilipino project (4/7/2014), This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...