Gusto ko siyang sundan, hawakan at pigilan pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa aking gawin ang lahat ng mga iyon.
Papa...
Gusto ko siyang yakapin pero parang yumayakap lang ako sa hangin.
Papa, huwag kang pumasok dun! Papa, wag mo na lang yun kunin!
Sumusigaw at umiiyak na ako. Bakit parang hindi nya ako pinakikinggan? Patuloy lang siya sa pagpasok at..
Papa!!
Bigla nalang akong nagising. Nakita ko si Aaron sa gilid ng aking higaan na nakaupong natutulog. Sinabihan ko siyang bumalik na doon sa kwarto nya pero nagpumilit siya na samahan ako dito, baka daw kasi bumalik si Kriss at kung may kung ano pang masama siyang gawin sa akin.
Minamasdan ko ang kanyang payapang mukha, napangiti na lang ako. Ewan ko ba pero sa tuwing tinitignan ko siya nakikita ko si Papa. Hindi naman sila magkamukha o magkaboses, ni hindi nga sila magkaugali pero parang may kung anong meron siya na meron din kay papa...
Nagulat na lang ako nang magising siya.
" Oh, gising ka pala.." sabi nya habang humihikab. Tinignan nya ang mukha ko na para bang pinag-aaralan nya ito. " Umiiyak ka ba?" tanong nya.
" Napanaginipan ko na naman siya.." nasabi ko na lang bigla.
" Sinong siya?" tanong nya.
" Basta," sagot ko. " isa siyang mahalagang tao."
Hindi na siya umimik pa at tinitigan lang ako. Nagulat naman ako ng bumilis yung tibok ng puso ko, nailang ako bigla at uminit bigla yung mukha ko. Binaling ko na lang yung atensyon ko sa kabilang dulo ng kwarto.
Pinilit kong makatulog pero hindi ako makatulog. Ikot ako ng ikot makahanap lang ng saktong posisyon, pero ayaw talaga, hindi na ako dinalaw ng antok.
" Ba't ba ang likot mo?" tanong nya. Gising pa pala siya?
" Hindi ako makatulog." sagot ko naman. Eh makaktulog nga ba ako na alam kong kami lang dalawa dito sa kwarto.
" Bakit nag-aalala ka ba na may gawin ako sayong masama?" tanong nya.
"Hi-hindi no! hindi lang talaga ako makatulog.."
"Tss."
Tumayo siya sa pagkakaupo at humarap sa akin.
"A-anong ginagawa mo?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot. Lumapit siya ng dahan-dahan. " Lumayo ka nga!" sabi ko pero mas lumapit siya sa akin hanggang sa isang ruler na lang yung pagitan ng mukha namin. Kinakabahan na ako. Nakasandal na ako sa dingding. Tumitibok ng sobrang lakas ang aking puso, sobrang lakas na nag-aalala akong marinig nya. Tapos bigla na lang siyang...
"HAHAHAHA!" bigla nalang siyang tumawa. "sabi ko na nga ba!" tapos lumayo na siya.
" Anong sabi mo na nga ba?" tanong ko.
" Tss. Wag kang mag-alala hindi ako ganyang klaseng lalaki." sabi nya at bumalik na sa pagkakaupo at natulog.
HOOOH! Kinabahan ako dun. Akala ko may mawawala na talaga sa akin..
BINABASA MO ANG
AMA
قصص عامةFilipino project (4/7/2014), This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...