Chapter 3

14 2 0
                                    

Mag aalas 8 na at nakaalis narin si Kriss papunta doon sa bundok. Nagaayos na ako ng mga unan upang mapagtakpan ang pagtakas ko.

Tumungo ako sa likurang labasan, naisip ko kasing mas ligtas doon. Ang problema ko nalang ngayon ay kung paano ako aakyat dyan sa pader, mataas lang ito ng bahagya kompara sa taas ko pero mahirap parin yan akyatin.

Sinimulan ko na ang pagakyat. Buti nalang at may mga ilang butas 'tong pader, kahit papano may makapitan ako.

"Kahit na malampasan mo yang pader hindi ka parin makakatakas, wala kang masasakyan." ,may bigla nalang nagsalita sa likuran ko. Napalingon naman ako na naging dahilan ng pagka-out balance ko.

Naramdaman ko nalang na nahuhulog na ako.

" Umalis ka nga!" sabi nya. Naku mukhang nilapagan ko ata siya. Napatayo ako bigla.

" Aray ang sakit ng beywang ko." Sabi ko sabay himas sa aking beywang. Tumayo narin sya. Napansin kong masakit yung pagkakasalo nya sa akin dahil hindi sya kaagad nakatayo. Kilala ko 'tong lalaking ito a. Sya ata yung katabi ko sa bus nung papunta kami dito.

" Aish!" sabi nya sabay lakad at hawak-hawak yung braso nya. Sinundan ko sya.

" Teka lang.." sabi ko.

"Ano?" sabi nya sabay lingon. Ayan nanaman yang titig nyang nakakainis. "Ano?! Magsosorry ka ba o magpapasalamat?" at lumapit sya bigla. " Teka, bakit kaba nandito? Tatakas ka noh?"

" Shhh, wag kang maingay. May pupuntahan lang muna ako, babalik rin naman kasi ako." sabi ko sa kanya. Tapos may bigla nalang akong naisip. " Tulungan mo naman ako, please."

" Bakit ako? Mamaya madamay pa ako."

" Ako na ang bahala.."

" Anong makukuha ko pagtinulungan kita?" tanong nya.

" Kahit anong hinihingi mo ibibigay ko basta wag lang yung mahal ha." Tinititigan lang nya ako na para bang nagiisip.

" Okay! Payag ako, basta kahit ano yung hihingin ko ibibigay mo." sabi nya sabay lakad.

"Teka, saan kaba puputa?" tanong ko.

" Sa sasakyan." Sagot nya at sinundan ko na siya. Buti nalang at andyan sya kung hindi patay na talaga ako.

Hinatid nya ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Anne.

"Salamat ha." sabi ko. Sabi nya na mag hihintay lang daw sya doon pero sabi ko na sumama nalang sya.

Pagdating ni Anne, napatitig agad siya sa kasama ko.

"Sino yan?" tanong nya. "Uy ikaw, nakagraduate ka lang ng high school may boyfriend ka na agad!"

" Hindi ko siya boyfriend!"

" Eh, sino yang kasama mo?"

" Basta, may extra ticket ka ba para sa kanya?" tanong ko.

" Swerte ka na hindi dumating yung date ko. Sige na pasok na tayo."

Sigaw lang ako ng sigaw buong gabi pano kasi ang gwagwapo ng mga kumakanta. Halos hindi ko nga naalala yung summer camp.

" Hoi," kinalabit ako ni ewan hindi ko rin pala alam yung pangalan ng lalaking ito. "kailangan na nating umalis, bago pa nila tayo mabuko."

" O sige, magpapaalam lang ako kay Anne." sabi ko sabay harap kay Anne. " Anne, uwi na ako, baka hinahanap na ako sa amin. Sige ha, salamat talaga."

AMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon