"Uhmmm.." Pano ko ba sisimulan 'to. Alam kong maraming beses ko na 'tong sinabi sa kanya pero iba na kasi ngayon.. Parang awkward na kasi ngayon.. "Uhmmm, Aaron.."
Napalingon naman siya bigla. Bigla naman akong kinabahan.
" Uhmmm, Aaron.. Kasi.. uhmmm.. s-sa sa.." ano ba yan! Nauutal ako. " salamat.. sa p-pa.." ayan na naman.. " sa pagtulong mo sa akin." Oh, ayan nasabi ko sa wakas.
Ngumiti lang siya at lumakad na pabalik sa kwarto nya.
Ang ngiti nya...
"Alex!" sigaw ni Aaron habang papalapit sa kinauupuan ko. Tinititigan ko lang sya. Ngumita siya bigla..
TugDugTugDugTug
Ayan na naman yang ngiting yan. Ngayon ko lang na-realize, gwapo pa la si -. Teka, ano ba 'tong iniisip ko.
"Hoi!" natauhan ako sa sigaw nya. "Ano bang iniisip mo dyan, ha?"
"Huh? Ikaw?" sabi ko na wala sa sarili. "Ah, mali! Yung yung mga nangyari noon ang iniisip ko, hindi ikaw." palusot ko. Pero tumawa lang siya ng tumawa. Nagsimulang uminit ang mukha ko.
"Wag ka ngang tawa ng tawa dyan." sabi ko.
"HAHAHAH, nakakatuwa kasi yung mukha mo noong sinabi mo yun.. AHAHAHA."
"Sige pagtawanan mo lang ako. Mabilaukan ka sana." pabulong na sabi ko. At nabilaukan nga ang loko. "Ayan, karma mo na yan. Ngayon, ako naman ang tatawa."
Ang saya nya tignan. Parang hindi siya yung taong kausap ko ilang araw na ang nakaraan, parang hindi siya yung taong malungkot na masungit.
Bigla nya akong tinignan.
TugDugTugDugTug
Bumilis bigla ang takbo ng puso ko. Umiwas ako ng tingin. Ayan na naman 'tong puso ko, ano bang nangyayari sa akin? Wag mong sabihing...
Alex...
Alex... Mahal kita...
Hooh! Panaginip lang pala. Nagising akong pinagpapawisan mula sa aking panaginip. Anong klaseng panaginip yon?
Pasado alas 1 na ng hatinggabi at hindi pa rin ako makatulog dahil sa kanya! Hindi siya nawawala sa aking isipan. Hindi maalis sa isipan ko yung panaginip nay un. Siguro tama nga yung iniisip ko kanina, baka may g-g-gusto na ako sa kanya at hindi ko lang napapansin.
Ang kanyang ngiti... Ang kanyang mga mata... Aaron...
Teka! Ano ba 'tong pinagiisip ko? Malala na 'to. Hindi 'to pwede! Ayoko! Natatakot ako!
Lumipas ang ilang oras pero hindi pa rin ako makatulog. Malala na talaga 'to.
BINABASA MO ANG
AMA
General FictionFilipino project (4/7/2014), This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...