Kita tayo mamayang gabi. 8 pm. Sa gate sa likod. – Aaron
Nag-iwan siya ng note sa lamesa sa gilid ng aking higaan. Ano kaya ang gagawin namin doon? Kinakabahan ako pero naeexcite din.
Labing limang minuto nalang bago mag alas otso. Nakabihis na ako. Hinihintay ko na lang na matulog si Kriss at lalabas na ako.
Paglabas ko dumiretso ako kaagad dun sa likuran. Wala pa si Aaron, siguro hinihintay pa rin nya yung room mate nya na matulog.
" Asan na ba ang lalaking yun." Mga sampung minuto na siyang late. Humanda siya pagdating niya dito.
Bigla nalang may humatak sa akin at tinakpan yung mga mata ko. Naisipan kong sumigaw pero baka mahuli akong tumatakas. Sinubukan kong kumawala pero masyadong malaki ang mga braso na nakahawak sa akin.Tinali nila ang mga kamay ko. Naririnig ko ang isang pamilyar na boses ng babae at boses ng isang lalaki, parang boses ni...
" Nararapat lang yan sa kanya." sabi nya. "Pahamak na nga, sagabal pa."
" Kriss!!" pinilit kong abotin siya, kung nasaan man siya. " Kriss, pakawalan mo ako!" pagmamakaawa ko.
" Tumahimik ka nga dyan.!" sabi nya sabay hila sa aking buhok. "hahaha." at tumawa pa siya.
" Bitawan nyo ako." sigaw ko.
" Ayaw mo tumahimik ah." Narinig kong may kinuha siya. " Ayan!" at may pinasok siya sa bibig ko.
" Itago natin siya doon." kinausap nya yung lalaking may hawak sa akin. "Kailangang matutunan ng babaeng ito ng isang leksyon."
Baka siya yun at hindi si Aaron ang nagiwan ng note doon sa mesa ko. Bakit naniwala naman ako kaagad doon sa note? At hindi man lang ako nagtakang makikipagkita si Aaron sa akin, ano naman kaya ang gagawin namin? Hay, hindi talaga ako nagiingat. Pero paano nya naman alam na kilala ko pala si Aaron?
Malayo layo din yung dinalhan nila sa akin. Nilapag nila ako at nang marinig kong wala ng nagsasalita sinubukan kong tanggalin yung takip sa mata ko at yung nakatakip sa bibig ko. Naisog ko ito ng bahagya sakto para makakita yung isang mata ko.
Sobrang dilim, wala akong halos makita. Nasaan na ba ako? Saan ba nila ako dinala? Nakakatakot naman dito, baka may kasama pala ako dito at hindi ko lang nakikita, baka may bigla na lang umatake sa akin dito at hindi ko man lang sya nakikita.
Matagal tagal na rin akong nandito, tansya ko mga hating gabi na siguro, inaantok na kasi ako. Gusto ko nang matulog pero natatakot ako kung anong pwedeng mangyari habang natutulog ako.
Naku, baka makulong ako dito habang buhay. Pero imposible yun, may makakapansin naman siguro na nawawala ako sa camp.
May bigla nalang tumunog. Natatakot na ako. Pano kung isa yung mabangis na hayop at bigla na lang akong patayin dito. Napalunok na lang ako. Naku, ayaw ko pang mamatay, marami pa akong balak gawin sa buhay ko. Magdodoktor pa ako, gusto ko pang magka-anak at magkapamilya, mahaba haba pa yung kinabukasan ko.
Tumunog na naman yun at parang mas malapit na siya ngayon. Kung babasihin mo sa tunog parang isa itong malaking nilalang. Natatakot na talaga ako. Nanginginig na yung buong katawan ko. Umiiyak na ako.
BINABASA MO ANG
AMA
General FictionFilipino project (4/7/2014), This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...