Hanggang sa tuluyan na nga akong nakick out sa school namin . Pero kataka takang hindi nakick out yung limang lalaking estudyante na kasama ko sa loob ng room ng mahuli kami ni Prof nung sandaling iyon.
Pati na rin si mommy at daddy ay hindi makapaniwala sa mga nalaman nila tungkol sakin.
Hindi ganoon ang pagkakakilala nila sa akin. Wala sa hinagap nila na magiging ganoon akong babae dahil maayos nila akong pinalaki .Halos madepressed na si mama ng mga panahong iyon dahil sa sobrang kahihiyan na dinulot ko sa kanila. Biruin mo nga naman na hindi lang pala sa loob ng aming University kumalat ang issue na iyon, dahil kalat na kalat na din pala iyon sa lugar namin na pati mga kapitbahay namin ay nalaman ito, kaya ganun na lang ang pagka dismaya sakin ng mga magulang ko.
Sising sisi ako non dahil hindi ko akalain na hahantong ako sa isang nakapa tinding kahihiyan . At lately ko lang nalaman na kagagawan pala lahat iyon ng ex bf ko na si Andrew. Nalaman ko ito mismo kay Vince ng minsang magka chat kami at sinabi nya sa akin ang lahat at humingi na rin sya ng sorry sa akin, pero hindi ko kayang tanggapin ang paghingi nya ng tawad sakin dahil kulang na lang ay sirain nila ang buhay ko ng mga panahon na iyon.
Gusto nya palang gumanti sa nagawa ko sa kanya noon. Ginawa nyang instrumento si Vince at ang mga kasama nitong gumangbang sa akin nun. Plano pala talaga nilang ipahiya ako sa loob ng campus pero hindi nya daw ginusto na ma kickout ako.
Pati na rin yung gawain kong pagtambay sa cr ng mga boys sa loob ng school para humanap ng kas*x ay alam rin pala ni Andrew dahil may nagsabi pala sa kanya na isa din sa mga guy na nakas*x ko, kaya dun sya nag simulang gumawa ng hindi magandang plano para sakin.
Yung pag gangbang sakin sa loob ng room at pagsumbong kay prof tungkol dun ay sya rin pala ang nakaisip. Pero hindi na iyon nalaman ng mga magulang ko at ayoko rin naman na malaman nila iyon dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon ng mga panahon na iyon. Hindi ko na rin sya kinompronta at baka hindi ako makapg pigil at mapatay ko lang sya pag nagkita kaming dalawa.
Matapos nga ng mga pangyayaring iyon ay pinahinto ako nila mommy sa pag aaral sa loob ng isang taon. At napag pasyahan na lang nila mommy at daddy na ibenta ang aming bahay at manirahan na lang sa ibang lugar.
Napalipat kami sa probinsya ni daddy sa Pampanga at dun ko na nga pinagpatuloy ang pag aaral ko sa kolehiyo .Sobrang naawa ako sa mga magulang ko dahil sa mga nangyari . Naapektuhan pati mga trabaho nila , lalong lalo na si mommy na halos araw araw umiiyak nung malaman nya iyon. Halos ilang buwan din nila akong di gaanong kinikibo pero nandun pa rin at nararamdam ko pa rin ang malasakit nila bilang magulang para sa akin, dahil hindi nila ako pinabayaan.
Malaki din ang pagbabagong nangyari sakin ng mga panahon na iyon dahil nang makita ko ang naging epekto nito sa mga magulang ko ay tila nilamon ako ng sobrang guilt. At doon nga ay nagbago ako ng biglaan, nawala ang pagka uhaw ko sa tawag ng laman . Napag aralan ko sa sarili ko kung paano ko makokontrol at matatanggal iyon ng lubusan sa aking isipan.
Oo hinahanap ko iyon minsan , pero hindi na ako katulad ng dati na hindi mapalagay at balisa sa tuwing sinusumpong ng init ng katawan. Nagagawa ko nang palipasin iyon sa ibang bagay at di ko na namamalayan na sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan ay unti unti ko ng nabago ang sarili ko.
Ginawa ko iyon hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa mga magulang ko, dahil gusto kong ipakita sa kanila noon na kaya kong magbago at magsimula ulit.
Tinapos ko ang aking pag aaral sa kolehiyo ng hindi nag bf hanggang sa grumaduate ako, para makabawi ako kila mommy at daddy.
At doon ay nakapag hanap ako ng maayos na trabaho bilang isang nurse sa isang kilalang private Hospital dito sa Manila.
Sa ngayon ay may bf na ako, at magkasama kami sa iisang bubong. Pero hindi na ako katulad ng dati na sobrang mahilig. Ngayon , oo nagses*x kami ng bf ko kahit di pa kami kasal pero may pagmamahal iyong kasama at hindi puro l*b*g lang.
May plano na rin kaming magpakasal at nagaantay na lang kami ng 4 to 5 years hanggang sa makapagpundar na kami at makapag ipon ng wasto para sa bubuohin naming pamilya.At ayoko nang bumalik pa sa nakaraang pagkakamali ko dahil ayokong maging isang masamang imahe sa aking magiging mga anak sa hinaharap at pati na rin sa mga taong malapit sa akin.
---------------
Maraming salamat po sa pagbabasa ng aking kwento at sana ay may naiwan akong aral sa inyo lalo na sa mga kabataan ngayon na masyado ng curious sa lahat ng mga bagay bagay.
Magisip ng isang daang beses bago pumasok sa hindi siguradong sitwasyon na pwede mong pagsisihan hindi lang sa huli kundi sa buong buhay mo.
May tamang proseso para sa lahat ng bagay at hindi lahat ng nagpapaligaya at nagpapasaya sa'tin sa kasalukuyan ay mananatili hanggang sa kawakasan ng ating buhay.----------------
----------------------WAKAS--------------------------
BINABASA MO ANG
True Wild Confession (R-18)
Short StoryAng aklat na ito ay binubuo ng mga iba't ibang kwento na batay sa mga tunay na karanasan ng mga nagpadalang indibidwal. At ang mga nilalaman nito ay hindi angkop sa mga batang mambabasa. At kung sa tingin mo ay hindi ito angkop sa iyong panlasa ay...